CHAPTER 57

7 2 0
                                    

"Sweetie, let's talk about us" malambing ngunit nakikiusap nitong tugon nang maiparada nya ang kotse. "Aubrey.." tawag nya bago ako hinawakan sa kamay ngunit pabato ko lamang iyong inalis. "Let's talk.."

"Talk to your ass, stupid" asik ko na tinawanan nya. Nagmamadali kong binuksan ang kotse at padabog na pumasok ng bahay. "I'm home" pabuntong hininga kong saad. Lumingon sa gawi ko si Thalia kaya naman paismid kong iniwas ang paningin ko. Wala ring pumasin sakin kaya naman napasinghal na lamang ako. "Great" ani ko bago padabog na umakyat sa stairs.

"Good evening po" bati ni Coby sa parents ko pero hindi na iyon nasundan pa nang makalayo ako.

Padabog kong sinarado ang pinto ng kwarto ko at mabilis na nagtungo sa walk in closet. Mabuti na lamang at tapos na akong magbihis nang pumasok si Coby sa kwarto ko.

"Ano nanaman?" Singhal ko na tinawanan nya lang. "Lumayas ka sa kwarto ko Coby Yullenco" banta ko pero sa halip na lumabas ay lumapit sya sakin at mabilis na binigyan ng isang mahigpit na yakap. "Ano ba!" Singhal ko pero sa twing pumapalag ako ay mas lalo nyang idinidiin ang mukha ko sa dibdib nya.

Panaka-naka'y naririnig ko ang mabilis na pagpintig ng puso nya dahil sa tenga ko mismo ito nakadikit. "Did you hear that?"

"Y-yes.."

"Ikaw lang ang itinitibok nyan Aubrey" mahina nyang bulong na nagpapikit sakin. "Hindi ko hahayaang pumasok ang ibang tao sa buhay ko ng walang pahintulot mo, mahal ko" bulong nya pa.

Kalahating oras kaming nanatiling magkayakap. Nakaupo siya sa kama ko habang ako naman ay nasa hita nya na nakakandong. Nahihiya nga ako sa itsura naming dalawa dahil nakakairita.

"Promise me. Wag mo nang pagseselosan si Thalia" panimula nya dahilan upang magsunod sunod ang pagpatak ng luha ko. Tila ba kalibre ng baril ang mga mata ko at ang bawat salitang sinasabi nya ang nakakapagpakawala ng mga bala ng luha sa mata ko.

Hanggang sa ang mumunti kong pag iyak ay nauwi sa paghagulgol. "Pero.. mahal mo siya d-diba?" Tanong ko dahilan upang maramdaman ko ang pagkagitla nya sa sinabi ko. "Sumagot ka Coby. Mahal mo si Thalia di ba?" Pag iinteroga na sana ay sagutin nya ng maayos.

May parte sa katawan ko ang umaasang ako pa rin ang pipiliin nya. Dahil hindi ko kakayanin kapag siya ang nawala sa buhay ko.

"No" sagot nya dahilan upang matigil ako sa paghikbi at agad siyang tiningala. Isang halik sa noo ang ginawa nya at mariin nyang ring pinunasan ang mga takas na luha sa mata ko. "Ikaw lang ang mahal ko Aubrey. Tumigil ka na sa pag iyak huh?" Saad nya dahilan upang ako na mismo ang yumakap sa kanya at hinigpitan pa ito.

"Mahal na mahal kita Coby"

"Mahal na mahal rin kita Aubrey" saad nya kasabay ng pagpasada ng haplos sa buhok ko.

Hindi pa man kami nagtatagal sa pagyayakapan ay napuno na ng sigawan sa labas kaya naman dali dali akong tumayo at hinila siya palabas ng kwarto. Sa hallway lamang ay nakita ko si Thalia na nakayuko habang nakapaligid sa kanya ang dalawang katulong. Naroon na rin si Mommy at abala sa pagpasada ng haplos sa likuran ni Thalia. Don lamang umayos ng tayo si Thalia habang nakatalikod pa rin sa gawi namin.

"Ano kayang nangyari?" Bulong ko habag nakahawak pa rin sa kamay ni Coby.

"Magpahinga ka Anak. Makakasama sa baby mo yan" ani ni Daddy dahilan upang magitla ako sa narinig ko.

Agad na nabitawan ni Coby ang kamay ko kaya naman bahagya pa akong nagtaka. "B-buntis ka?" Gulat nitong tanong upang balingan ko siya ng tingin. "Buntis ka T-thalia?" Tanong nya pa.

Sa ngayon ay ang sinabi na lang ni Coby ang pinanghahawakan ko.

Na wala raw siyang kinalaman sa dinadalang bata ni Thalia.

Na wala siyang alam sa karelasyon ni Thalia.

Minsan nga ay iniisip kong, baka napa-paranoid lang ako. Na baka si Coby ang nakabuntis kay Thalia.

"I told you. Magkaibigan lang kami. Walang namagitan samin at iyon lang ang relasyon namin-- magkaibigan lang kami" sagot nya sa tuwing tatanungin ko siya.

Yun na lang ang pinanghahawakan ko.

Nag-stay si Thalia sa abroad for more than four years. Sa loob ng apat na taon, natutunan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Umalis ako sa bahay namin at kumuha ng isang luxurious condo na hindi naman kalayuan sa parents ko.

Sa loob ng tatlong taon na pananatili at pagiging independent-- natutunan ko ang maraming bagay. Katulad na lamang ng--

"Hi pretty lady" bati nya nang maaktuhan ko itong naka-cross arm habang nakahilig sa labas ng condo ko. Ang kanang paa nito ay nakabaluktot at nakahilig rin sa pader gaya ng likod nito.

"Oh Jameson" bati ko sa kanya bago siya umalis sa pagkakahilig sa pader at tumayo ng maayos nang may ngiti sa labi. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa America ka?" Taka kong tanong.

Pagkatapos nang nangyaring insidente sakin ay palagi ko nang nakikita si Jameson na umaaligid kung saan man ako nagpupunta. Madalas nga'y nahuhuli at naaaktuhan ko itong lihim na nagmamasid. Depensa nya'y para maging bantay.

Magkaibigan kami at alam ni Coby iyon. Hindi nga sana siya papayag kung hindi nya rin nalamang third cousin nya si Jameson.

"Bumili ako ng unit dito dahil wala akong matitirahan kung sakaling i-destino nila ako sa Pilipinas" patungkol nya sa parents nyang nasa ibang bansa naglalagi. "Anyways, kumain ka na ba?" Tanong nya na tinanguan ko.

Gaya ng nakagawian ay pinapasok ko siya sa condo. Alam rin ni Coby na pinapapasok ko sa unit ko si Jameson. Alam nya dahil pinapaalam ko ito sa kanya at may tiwala rin siya sa mga ikinikilos ko.

"Nagluto ako ng dinuguan kaya naman sana magustuhan mo--"

"Hindi ako kumakain ng dinuguan pards" asik ko na tinawanan nya. "Alam mo naman yon eh. Nang iinsulto ka ba?" Reklamo ko. Pinanood ko siyang humilig sa sofa at doon nagtatawa nang nakakaloko.

"Umpisahan mo nang kumain dahil ako ang nagluto nito--"

"No way" kunot noo kong sagot bago siya pinagsalin ng juice at naupo sa katabi nyang sofa. "Ano bang ginagawa mo dito at dito ka nanggugulo?" Reklamo ko pa.

Si Jameson ang nagsilbing Kuya ko. Siya yung tumayong kaibigan at kapatid ko nung mga panahong nakakaramdam ako ng pag iisa. Nandyan si Coby pero dahil nga sa trabaho ay hindi siya masyadong nagiging attentive pero kahit na ganon ay hindi siya nagkukulang ng oras pagdating sakin.

"Panggugulo na pala ang tawag sa pagbisita?" He asked with amusement.

"Panggugulo yon kung ikaw ang bumibisita" reklamo ko pa na tinawanan nya nanaman. "Ano nga? Bakit nandito ka sa Pilipinas? Akala ko ba nasa America ka?" Ulit kong tanong.

"Nandito ako dahil binisita kita--"

"Fuck you" angil ko na tinawanan nya nanaman. "Ano nga?" Ulit ko pa.

"May inaayos akong dokumento and besides may popormahan sana ako" dagdag nya kahit na pabulong ang huling sinabi nito.

Agad kong tinampal ang balikat nya kaya naman bumulalas nanaman ito ng tawa. "Pormahan mo ang trabaho. Wag puro babae"

Natuloy kami sa simpleng bangayan. May paminsan pang natatawa ako dahil sa kakulitan nya at sa mga kwento nitong punong puno ng katangahan.

"Nasaan si Coby?" Tanong nya habang humihigop ng kape. Nandito ako ngayon sa kitchen island at nagpeprepara ng salad na nirequest niya. "Wala nanaman?" Tanong nya na ipinagkibit balikat ko.

"Alam mo na.. busy sa trabaho" rason ko na lang para matigil siya sa kakatanong. Luckily, nag iba siya ng topic.

DISTANT (Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon