"Okay then. See you tomorrow" ani ko na lang na ikinangiti nya.
Hanggang sa labas ay inihatid nya kami. Natatawa na lang ako dahil siya na rin ang nagbuhat kay Thina hanggang sa mailagay ito sa backseat.
Parang kanina lang ay nasa wisyo pa si Thina. Nakakapagtaka lang dahil agad siyang tinamaan sa isang shot ng vodka.
"See you tom." Aniya na nginitian ko na lang.
Sa daan ay panay ang pagsasalita ni Thina.
"Try, James. He's young. He's more than willing to accept Archer. He's willing. He loves you even you'd try to push him.." hindi ko na rin naintindihan ang mga pinagsasabi nya dahil abala ako sa pagmamaneho.
"Baka ikaw" kutcha ko na ikinatigil nya. Mukha siyang bumalik sa wisyo at napaayos ng upo sa back seat.
"Anong ako?" Normal ang boses nito habang nakaduro sa sarili. Hindi ko naman naiwasang mapangiti dahil sa reaksyon nya. "Hoy Thalia. Ikaw ang binebenta ko at hindi ako" angil nya na ikinatawa ko.
Hindi ko na siya pinansin dahil mabilis rin kaming nakarating sa mansyon. Naroon nga si Mwoyi habang nasa tabi nya si Archer na nakatayo at nakatingin samin.
"Mommy" malambing nitong tawag dahilan upang patakbo akong lumapit at binuhat siya. "I'm sleepy" aniya na ikinangiti ko.
"Ayaw nya pong matulog hanggat hindi kayo nakikita Maam" ani ni Mwoyi na ikinalawak ng ngiti ko bago bumaling sa Anak.
"Matulog na tayo?" Ani ko na tinanguan nya naman.
"I miss my grandson" ani ni Mommy habang naka on kami sa facetime. Tulog pa si Archer kaya naman hindi nya pa makakausap. Ilang linggo na ang lumipas simula nong huling tawag ko dahil naging busy ako sa pagtulong kay Thina sa pag handle ng company ng pamilya nya. Medyo nagkaroon ng aberya kaya naman inabot pa ng isang buwan bago kami naka recover sa nawalang budget. "Kelan nyo ba balak na umuwi rito sa Pilipinas? It's been 4 freaking years Anak" frustration covers her voice kaya naman bahagya pa akong natawa.
"Sa susunod na linggo magkikita na tayo" ani ko bago sinipat ang kabuuan nya. Nakasuot sya ng business attire habang ako naman ay naka pajama. "Hindi ba kayo busy dyan Mom?" Tanong ko.
Sa halos apat na taon kong pangungumusta ay hindi ko na hinayaang sumagi sa isip ko sila Coby at Aubrey. Siguro ay may Anak na rin sila katulad ko kaya naman kahit kailan ay hindi ko na sila pinakabalitaan pa. Hindi rin naman nag oopen up si Mommy kaya naman paniguradong ganon na nga ang nangyari.
"Medyo busy dahil nagkaroon ng aberya sa pakikipag negotiate sa mga Conquez" aniya dahilan upang bahagya pa akong magitla sa narinig ko. "May isang tauhan nila ang nagnakaw ng billion sa stocks nila. Hanggang ngayon ay wala silang idea sa nangyari. Hindi rin naman maayos ang paghahandle ni Roger dahil mag isa siya, kaya naman unti unti na ring bumabagsak. Hindi ko rin naman masisi ang Lola mo kung gustuhin man nilang i-out ang pakikipag negotiate sa nga umampon sayo" mahaba nyang paliwanag na ikinatigil ko.
Nahihirapan sila ngayong wala ako.
Wala pa man ay gusto ko nang umuwi upang matulungan si Dad sa mga possible cause kung bakit nahihirapan sila ngayon.
"We can book tomorrow" wala sa sarili kong ani na ikinagitla nya. "Uuwi kami bukas" dagdag ko pa.
"What about Thina's--"
"She can handle that thing, Mom. Besides tutulungan naman siya nila Tito kahit na nandyan sila sa Pilipinas" rason ko kahit na nag aalangan ako kay Thina.
"Hopefully. I will wait for you Anak" ani nya.
Syempre.
Hindi doon natapos ang usapan namin. Unti unti nyang ipinaliwanag sakin ang lahat. Magmula sa Liabilities na naipon hanggang sa stocks na animong nasunog dahil nawala at nanakaw raw ng hindi pa kilalang tauhan.
"What?!" Angil ni Thina nang banggitin ko sa kanya ang pag alis namin mamaya. "Paano ako?" Bigla ay naging malungkot ang boses nito.
Dali dali akong lumapit sa kanya at hinawakan sya sa magkabilang balikat upang mapirmi sa pagtitig sakin. "I know, you can do it without me"
"But I need you" nakanguso nitong sagot. "Lalo na ngayong wala ang parents ko at nasa Pilipinas nagshe siyesta" bakas ang pait sa boses nito na ikinatawa ko.
"Sumunod ka na lang kapag naayos mo na ang lahat. Pwede ka namang mag file ng leave at magbakasyon katulad nila" suhestiyon ko na sininghalan nya.
"Bakit ko nga ba gagawin yon" she hissed. "Go na. Baka malate pa kayo sa flight nyo" pagtutulak nya pa sakin palabas ng bahay. Dali dali siyang humagkan kay Archer at nakaluhod na nagpaalam rito. "Be good, Little Man huh? Susunod ako" ani nya na nagpangiti kay Archer.
"Aalis na kami" paalam ko pa.
Sinamaan nya muna ako ng titig bago niyakap. "Bukas. Susunod ako"
"Ano?!" Gulat kong tanong na ikinatawa nya.
"I find ways Insan. I can easily drag my own company--"
"What?!."
"Charot. Hindi ko gagawin yon. I'm just kidding" aniya.
Ilang beses pa kaming nagpaalaman bago kami tumulak pa-airport ni Archer.
"Are you hungry?" Tanong ko sa kanya habang naghihintay kami ng oras. "We still have fifteen minutes" bulong ko bago tumitig sa relong suot.
"I want takoyaki" aniya nya habang nakanguso.
"Oh son. Wala tayong ganon rito" ani ko kasabay ng tawa.
Sa huli ay hindi na kami kumain dahil mauubusan pa kami ng oras kapag naisipan pa naming maghanap ng japanese restaurant rito.
Inabot kami ng ilang oras sa himpapawid. Medyo lumamig rin ang klima habang papalapag ang sinasakyan namin.
"Mom. I want takoyaki" aniya nang makalabas kami ng eroplano.
"Maybe later. Mamamasyal tayo bukas" ani ko na tinanguan nya na lang.
"Apo!" Sigaw ni Lola dahilan upang mapatakbo ako sa banda nila kasama si Archer. Dali dali akong yumakap sa kanila ni Lolo. Maliban sa kanilang dalawa at dalawang body guard na dalawa ay kami kami lang ang nagkita sa airport. "Hi. Little man" bati nya kay Archer bago binuhat.
Wala pa man ay pinagkaguluhan na nilang dalawa ang apo nila sa tuhod. Gusto ko ngang matawa dahil panay lang ang pagmano ni Archer at hindi man lang magawang magsalita.
"Saan nyo gustong kumain?" Tanong ni Lolo habang nakakandong sa kanya si Archer.
"I want takoyaki po" aniya gamit ang maliit na boses na ikinatawa ng Lolo ko.
"Okay. We will have our takoyaki" aniya bago binulungan ang driver upang maghanap ng japanese restaurant.
"How are you apo?" Nakangiting tanong ni Lola na nagpangiti sakin.
"I'm fine, La" ani ko.
Inabot pa ng ilang minuto bago siya muling nagsalita.
"Coby is looking for you for almost five years" aniya na nagpakabog sa dibdib ko.
"Po?" Gulat kong tanong na sunod sunod nyang tinanguan.
"I wonder if ganon na lang siya ka-desididong mahanap ka" aniya.
"Hinay hinay sa pagkain, Apo" ani ni Lola kay Archer nang makita nya ang pagsubo nito. Nagkalat rin ang sauce sa pisngi nito. Gusto kong magtaka dahil hindi man lang sawayin ni Lola at Lolo ang pagkakalat ni Archer sa pagkain, bagay na nakakapagtaka para sakin.
Sila kasi yung grandparents na istrikto pagdating sa pagkain. Masyado silang into sa pagdedesiplina pagdating sa hapag.
BINABASA MO ANG
DISTANT (Love Series 2)
Romance"No matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse."