CHAPTER 53

27 2 0
                                        

Maswerte na lamang ako at naalala ko ang sinabi ni Melba kanina-- isa sa mga katulong ng pamilyang Yullenco.

"Nagpalipas lang siguro 'ko ng sama ng loob" pilit ngiti nyang ani dahilan upang mapahinga ako ng malalim.

"Sorry nga pala sa pagsampal ko sayo kagabi. Hindi ko sinasadya" sagot ko pero sa halip na magsalita ay iwinagayway na lamang nya sa ere ang maagkasalikop naming kamay. "Alam mo ba. Nami-miss ko na ang ganito" nakangiti kong ani.

"Is that so?"

Sa halip na sumagot ay tumitig ako sa mukha nya. Pinilit kong ngumiti upang mabawasan ang pag aalala sa mukha nya. "Ikaw ba?" Tanong ko bago pinasadahan ang mukha nyang may pilit ring ngiti. "May iba na bang nagpapasaya sayo?" Dagdag ko. Natigil sya sa paglalakad kaya naman maging ako ay huminto rin at humarap sa kanya.

Kita ko ang pagkaputla ng mukha nya kaya naman lihim pa akong napangisi sa sarili ko.

"Ano bang sinasabi mo Aubrey?" Natatawa nyang tanong dahilan upang ngumiti ako.

"I'm just asking.." kibit balikat ko. Hindi ko naman inaasahan ang paglapit nya sakin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"Patawarin mo ako Aubrey." Mahina nyang ani na nagpakunot naman sa noo ko.

Tila ba may ibang pinakahuhulugan kaya naman kumabog nang mabilis ang puso ko.

"Ano bang sinasabi mo?" Natatakot kong tanong ngunit isang mahigpit na yakap ang iginawad nito sakin. "C-coby.."

"You know I love you so much, don't you?" He asked, which I asked a few times. He kept hugging me. I can also feel the waves lapping at our feet. "Promise me that at some point, you won't be jealous .. even if it's Thalia" he said weakly. I could feel my forehead furrowing but because of what he said my heart pounded slightly as if pulled by a big and hard thorn. A thorn that has long troubled my heart.

"Bakit?" Sa totoo lang ay naguguluhan ako.

Merong parte sa pagkatao ko ang tumututol at meron rin namang nagpapaubaya na lang.

May tiwala naman ako kay Coby sa lahat ng ginagawa at kinikilos nya.

Kumalas sya sa yakap habang nananatili sa magkabila kong balikat ang mga kamay nya. Isang seryosong titig ang iginawad nya sakin na sinuklian ko naman ng walang ekspresyong tingin.

"Dahil mahal kita Aubrey.. ikaw lang ang mamahalin ko" diin nya pa. "Kung kailangan kitang bigyan ng oras para mapatunayan ko sayong mahal kita.. gagawin ko. Basta wag lang magselos ang prinsesa ko" nakangiti nyang dagdag na nagpanguso sakin.

"I love you Coby.." nakanguso kong sagot dahilan upang ngumiti ito nang malawak at agad na kinurot ang magkabila kong pisngi.

"I love you too Aubrey"

Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ang litratong inabot sakin ni Thina.

"I told you ! May relasyon sila" asik nya bago hinablot sakin ang cellphone. Isang takas na luha ang dumaloy sa pisngi ko at agad na pumatak sa dalawang ticket na regalo ko sana sa anniversary namin. Plano ko sanang mag stay at magbakasyon kami sa Baguio nung isang araw pero tinanggihan nya ang offer ko dahil may trabaho daw siya.

May 'tinatrabaho' syang iba.

Agad kong naiyamukos ang dalawang ticket dahil sa panggigigil. Kita ni Thina ang reaksyon ko pero nagpatuloy lang sya sa pagsasalita.

"Ang kapal ng mukha nung babaeng yon. Sabihin ba naman sakin na pinahiram nya lang daw sayo si Coby? At ang sabi pa ay nagpapakamartir ako sayo? Halerr ulol siya ah" singhal nya. Nagpatuloy lang sya sa pagtalak habang ako naman ay madilim na ang titig sa litratong inabot nya.

DISTANT (Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon