CHAPTER 42

6 2 0
                                    

"Bakit mo ginawa yon?" Kahit na gusto kong mainis ay hindi ko maipakita yon dahil maging ako ay nagpapasalamat sa pagpapakita nya kay Coby upang hayaan kami nito makaalis don.

"Wala man lang bang salamat dyan? Kahit 'Salamat Shopee' wala?" Tanong nya nang sandaling makapasok sya sa driver seat.

"Gago" bulong ko bago pumasok sa passenger seat. "Anong oras ka dumating? Kasama mo si Thina? Nasaan siya?" Magkakasunod kong tanong na inilingan nya. Pinanood ko siyang imaniobra ang kotse paalis sa parking lot. Nang nasa highway na kami ay doon nya naisipang sumagot.

"Nasa condo ko. Nagkakape" ani nya. Wala pa man ay napanguso na ako. "Wag kang mag alala. Wala kaming ginagawang masama. Hindi ko siya type at ikaw lang ang--"

"Peste ka. Pakialam ko naman?" Asik ko na tinawanan nya.

Kung iniisip nyong matino si Jameson-- nagkakamali kayo. He's a freaking jerk. A wing nut, moron, prat and imbecile. He usually do some inappropriate things when we talked about his girls. Pero aside sa mga bad traits na binanggit ko, magpagkakatiwalaan ito, maaasahan sa lahat ng oras at maaalahanin rin sa lahat ng taong iniingatan nya. He's also attractive, especially sa mga babaeng fling lang ang habol. A freaking personal traits hiding in a innocent human body. That's Jameson.

Nagkakilala kami sa America. He's with Thina nong magkakilala kami. Thina secretly adores him. Alam kong alam ni Jameson yon pero mukhang wala naman syang pakialam. Ilang ulit mang itago sakin ni Thina-- well, hindi siya ganon kagaling magtago.

"Is it okay kung idiretsyo kita sa condo ko?" Tanong nya dahilan upang hampasin ko siya sa balikat.

"You, fucking jerk!" Singhal ko habang abala sa pagtampal sa balikat nya. Tinawanan nya lang ako sa reaksyon ko kaya naman tumigil rin ako sa paghampas sa kanya.

"Ano nga? Wag kang mag alala. Nandon si Marthina" ani nya na nginusuan ko na lang.

"Thalia omhayghad. I miss you!" Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sakin ni Thina na sinagot ko rin naman. Pansin ko ang robang suot nya kaya naman agad ko siyang tinaasan ng kilay nang matapos kami sa yakapan. "Nagshower ako" ani nya na lalong nagpa arko sa kilay ko.

"Is that so?" Tanong ko na nginiwian nya.

Gaya ng nakagawian ay naubos ang oras namin sa kwentuhan. Sa condo na rin ni Jameson kami kumain at siya na rin ang nag offer na maghugas ng plato. Nakabihis na rin si Thina ngayon at panay na rin ang kalabit sa cellphone.

"Email me.. okay. I'll wait" pagtatapos nya sa pakikipag usap sa cellphone bago pabagsak na naupo sa sofa'ng katabi ko. "Omhayghaaad. Ang sakit sa ulo maging Acting CEO" mangiyak ngiyak nyang sigaw na tinawanan ko. "Darating ang panahon at pababagsakin ko itong kumpanya namin" panunumpa nya na inilingan ko na lang.

"Ugh ! Sa wakas natapos na rin" pabagsak na umupo sa gilid ko si Jameson bago inakbay sa sinasandalan kong sofa si Jameson. "How's your stay here?" Pa ungol nyang bulong sa tenga ko na ikinatawa ko at hinampas sya sa balikat na ikinatawa nya rin.

"Ang manyak mo talaga James. Bwisit ka" tatawa tawa kong sagot na ikinalahakhak nya. "I want to go home. Kumusta na kaya si Archer?"

"Gusto mo nang umuwi?" Thina ask. I nodded. "Good thing. Uuwi na rin ako" pahikab nyang dagdag bago tumayo.

"Mamaya na kayo umuwi. Hindi pa ako nakakapagpahinga eh" reklamo ni Jameson bago tumayo sa kinauupuan gaya namin.

"Buti sana kung pinapakain mo kami nang matino" singhal ni Thina na tinawanan ko.

"Bakit? Hindi ba pagkain ang niluto ko kanina?" Singhal naman na sagot ni James.

"Jusko James. Sinong matutuwa sa ginisang bigas" sagot pabalik ni Thina na ikinalahakhak ko. "Hindi ka yata aware na pinapakulo sa rice cooker ang kanin di ba?"

"Hindi naman kasi steamed rice ang balak kong lutuin kanina Thina" depensa nya. Hinyaan ko lang silang mag asaran habang ako ay abala sa pagsuklay ng buhok ko gamit ang daliri.

My face looks pale-- dahil na rin siguro sa pagkikita namin ng ama ng anak ko.

"Eh ano pala?"

"Sinangag kasi yon" sagot ni Jameson dahilan upang nakaka insultong tumawa si Thina.

"Oh eh hindi ka rin siguro aware na steamed rice ang isinasangag at hindi bigas?"

"Ano bang problema mo?"

"Yung sinangag mo ang problema ko, moron" pang aasar pa ni Thina.

"Tama na yan. Inaantok na ako" singhal ko bago nagpauna sa paglalakad palabas ng condo unit ni Jameson. Sumunod naman sila kahit na patuloy pa rin sila sa balyahan hanggang sa makarating kami sa elevator.

"Kung ako moron, ikaw turon" banat ni Jameson dahilan upang mapangiwi ako.

"At baket?" Medyo tumaas rin ang kilay ni Thina dahil sa banat nya.

"Kulang ka na nga sa tamis, ang asim pa ng mukha mo" banat nya na nagpangiwi sakin.

"Yung banat mo parang sinangag na bigas" banat naman ni Thina na tinawanan ko. "Walang kwenta" dagdag nya.

Patulong lang sila sa asaran habang ako naman ay walang emosyong hinihintay ang pagbukas ng elevator. Pero agad ko ring pinagsisihan ang paghiling ko dahil nang sandaling bumukas yon ay ang bulto nilang dalawa ang nakita ko.

"Ate" bati ni Aubrey habang nakalingkis sa braso ni Coby.

"A-aubrey" naiilang kong ani dahil nakita niya ang pagpasada ko ng tingin sa nakalingkas na kamay nya sa braso ni Coby na ngayon ay seryoaong nakatitig saming tatlo. Lumabas ako ng elevator, ganon rin ang ginawa nila Thina at Jameson. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko bago bumaling sa kanya. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nya bago sumagot sakin.

I hate that freaking smile.

"Dito ako nagi-stay sa condo ko" tipid nyang sagot bago bumaling sa mga taong nasa likuran ko. "Hindi ko alam na may kasama ka" aniya. Pansin ko ang pagtabang ng mukha nya sa mga taong nasa likuran ko. "Anyways mauna na kami. See you" aniya bago sila sumakay sa elevator ni Coby.

Si Coby na walang emosyong nakatitig sa banda namin na tila isa lang kaming walang kwentang bagay sa paningin nya. Ramdam ko ang pagyamukos ng kamay ko at agad na tinaliman ang elevator na ngayon ay nakasarado na.

"You know her?" Panimula ni Jameson nang mapansin nya ang pagkatigil naming dalawa ni Thina. Di gaya ko ay walang reaksyon si Thina habang ako naman ay tila ba kandila na nauubusan ng pasensya sa nakita.

"Adopted sister ni Thalia" walang ganang sagot ni Thina dahilan upang bumaling sakin si Jameson.

Amusement covered his face. Smile flashed on his lips. I raised my eyebrow when I see his reaction. Ganon rin ang ginawa ni Thina.

DISTANT (Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon