Wala na sila Thalia at Mommy. Tanging kami na lamang ni Coby ang naiwan sa pinangyarihan ng eksena naming dalawa.
"Do I look okay Coby?" Pahikbi kong sagot pero nanatili lamang malamlam ang mukha nito. "Yung tatlong tao na kakampi ko sa lahat ng bagay.. iniwan na ako" hagulgol ko.
Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Coby at maging ang paghagod nya sa likuran ko.
"Nandito lang ako Aubrey. Hinding hindi kita iiwanan" usal nya bago ako hinalikan sa ulo.
Nangako si Coby sakin na hindi nya ako pababayaan at maswerte akong tinutupad nya iyon kahit na tiyak kong may barrier na sa pagitan naming dalawa.
"I hope nakatulong ang pagbabakasyon natin sa Iloilo?" Natutuwa nyang ani na ikinangiti ko.
"Nagiging magaan ang lahat kapag ikaw ang kasama ko Coby" ani ko bago yumakap sa kanya. Ramdam ko ang pagkagitla nya lalo na nang hagurin ko ng palad ang likod nya at mas lalong inilapit ang sarili ko sa kanya. "Ikaw na lang ang kakampi ko Coby. Ipangako mo saking hinding hindi mo ako iiwanan gaya ng ginawa ng mga magulang ko"
Ramdam ko ang pagganti nya ng yakap na nagpapikit sakin.
"Hinding hindi kita iiwanan Aubrey. Mahal na mahal kita" malabing nyang tugon.
"As soon as possible, I want to kicked that kid out of this family. Understood?" Rinig kong usal ni Lola dahilan upang manguyom ang mga kamao ko at hindi na napigilan ang sarili na sumabat na alam kong ikinatigil nila.
"Ganon ka ba kaatat na mawala ako sa daan nyo? Wag kayong mag alala. Sa oras na mahanap ko ang totoo kong pamilya.. sisiguraduhin kong ilalampaso ko kayo isa-isa" banta ko bago padabog na umakyat sa kwarto ko at doon umakyak nang umiyak.
Hindi naging madali sakin ang pakisamahan si Thalia sa iisang bahay. Sobrang pasakit para sakin ang lahat. Hindi ko siya magawang titigan. Hindi ko siya magawang pakisamahan. Hindi ko siya magawang sulyapan dahil naroon ang mga titig ni Lolo at lalong lalo na ni Lola.
Ang tingin nila sakin ay tila ba isang banta para sa tunay nilang apo gayong ako ang biktima rito.
Ako ang inagawan dito at mas lalong ako ang nahihirapan para sa relasyon namin ni Coby.
Wala na si Thina. Si Thina na palaging nariyan para sakin. Wala na ang kaisa isa kong kakampi.
Wala sa sarili kong tinunton ang kwarto ni Thalia. Malalakas na katok ang iginawad ko na tila ba masisira non ang pintuang humaharang sa pagitan naming dalawa.
Gulat ang rumehistro sa mukha nya nang mabungaran ako nito. Isang matalim na titig ang iginawad ko sa kanya bago siya lagpasan at pagmasdan ang kwarto nya na dati kong kwarto.
Wala pa man ay nalalasahan ko na ang pait ng selos at pagkamuhi.
"Masaya ba sa kwarto ko?" Tanong ko na tiyak kong ikinagitla nya. "Dati rati ay ako ang donya rito. Ako ang sinusunod ng mga katulong. Ako ang mahal ng mga parents ko at lalong lalo na, na ako ang mahal ni Coby. Pero nagbago lang ang lahat simula nung dumating ka. Hindi na nila ako tinuring na espesyal sa bahay na ito. Palaging ikaw ang nakikita nila. Ikaw na lang ang parating tama. Ako na lang ang parating mali. Ikaw na lang ang parating espesyal habang ako naman ang palaging patapon. Ikaw na lang parati ang nakakakuha ng atensyon nila-- sabihin mo nga sakin.." pambibitin ko at binigyan siya ng reaksyong ngayon ko lang ipaparamdam sa kanya. "Ano ang meron ka na wala ako? Ano ang meron sayo para magawa ka nilang pahalagahan ng ganyan? Ano ang meron sayo para madali na lamang nila akong balewalain? Anong meron sayo para mahalin ka nila ng ganyan?!" Sigaw ko kasabay ng pagduro sa kanya.
Sa halip na sumagot ay tinaasan lamang ako nito ng kilay at humalukipkip sa harapan ko na lalong nagpakulo sa dugo ko.
"Simple lang. Ako ang totoong Aubrey at ikaw ang clone !" Sigaw nya na tila ba nagpaputok sa pang iintindi ko at agad syang sinugod ng magkakasunod na sampal at sabunot. Ramdam ko ang galit ko sa bawat paghila ng buhok namin sa isa't isa. Sa huli ay nakaalis siya sa kaamay ko at agad akong dinuro. "Hindi ka mahal ni Coby dahil hindi siya marunong magmahal ng sadista !" Tila ba isang kalabit sa gatilyo ng baril ang isinigaw nya. Dumampot sya ng isang babasaging flower vase at ia-ambang ipapalo sa ulo ko pero mabuti na lamang at malakas ko siyang nailagan at naitulak patungo sa wooden shelf.
Hindi ko sinasadya ang lakas ng pagkakatulak ko sa kanya. Agad kong natutop ang bibig ko nang masulyapan ko ang lakas ng pagkakalabog ng ulo nya sa kahoy na dibisyon ng shelf nito. Kumalansing sa tenga ko ang mga babasaging pigyura dahil sa lakas ng pagkakabagok ng ulo nya. Tila ba naupusan ako ng kaluluwa nang makita ko ang dugong unti unting dumaloy sa gilid ng mukha nya.
"A-anong ginawa m-mo.." nanginginig at tila ba nanghihina nyang tanong na nagpalakas ng kabog sa dibdib ko.
"T-thalia.. h-hindi ko sinasadya.." nanginginig kong ani. Binalak kong lumapit sa kanya upang tulungan siya pero natinag na lamang kami nang kumalabog ang pintuan at inilabas non ai Mommy na ngayon ay nanginginig sa galit at takot lalo na nang makita nya si Thalia na nakahiga na sa sahig.
"Omhayghaaad !" Sigaw nya bago inihilig sa braso nya si Thalia na ngayon ay unti unti nang nawawalan ng malay. "Tawagin mo sila sa baba, Aubrey ano ba !" Pasigaw na utos nya pero hindi ko man lang nagawang matinag.
Naroon sa mata ko ang pinaghalo halong galit, poot, selos at kung ano ano pa habang pinagmamasdan si Mommy na ngayon ay nag aalala sa Anak nya.
Bakit? Bakit ganito ang buhay na meron ako?
"Alam mo ba kung anong ginawa mo sa Apo ko?" Sigaw ni Lola sakin habang nakaduro mismo sa mukha ko. Nakaluhod ako ngayon sa harapan nya at panay ang paghingi ng tawad na mukhang hindi nya naman pinapakinggan. Panay na ang tingin ng ibang pasyente na narito sa ospital sa banda namin.
"Tama na, ano ba" saway ni Lolo pero hindi man lang nagpapatinag si Lola.
"I'm sorry.."
"Magagawa bang palisin ng sorry mo ang sakit na dinaranas ngayon ng apo ko?!" Nanggagalaiti nyang sigaw.
'Hindi nyo alam kung ano ang planong gawin ng apo mo sakin kaya umabot kami sa tulakan' saad ng isip ko kasabay ng pagbuntong hininga.
"Ayoko na munang makita ang pagmumukha mo Aubrey. Nanggigigil ako sayo" ani nya bago nagmartsa paalis sa harapan namin ni Lolo.
Agad na dumulog sakin si Lolo at tinulungan akong tumayo. Don ko na naramdaman ang magkakasunod na patak ng luha ko. "Please Iha. Umuwi ka na muna" ani nito bago hinaplos ang ulo ko at gaya ni Lola ay tinalikuran ako.
Unti unti nang tumatalikod ang mundo sakin..
Sa tulad kong inosente at walang bahid ng galit kundi ng selos.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Coby dahilan upang magsimulang dumausdos sa pisngi ko ang maiinit na luha na kanina ko pa pinipigilan. Dali dali siyang lumipat sa kinauupuan ko bago ako niyakap ng mahigpit. "Shh. Stop crying" pang aaro nya na nagpahikbi sakin.
"Bakit ganito ang mundo, Coby? Bakit ako pinapahirapan? Ano ba ang nagawa ko sa nakaraan para pahirapan ako ng ganito sa kasalukuyan, Coby? Sawang sawa na ako. Ayoko na" hagulgol ko dahilan upang iangat nya ang ulo ko at mas lalong idiniin sa dibdib nya.
BINABASA MO ANG
DISTANT (Love Series 2)
Romance"No matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse."