Speaking of Lola, gusto nyang magwala nang malaman nya ang pagbubuntis ko. Lalo na rin nang malaman nyang walang tatayong tatay sa magiging Anak ko. Pero wala rin siyang nagawa nung magdesisyon ako. Ganon nila ako kamahal, tiwalang tiwala sila sa lahat ng gagawin ko sa buhay kahit na may labag pa rin sa loob nila.
"Oh. You're here" natutuwang ani ni Marthina kasabay ng mahigpit na pagyakap sakin. Sa paglipas ng linggo at buwan na pananatili ko sa puder ng mga Sarmiento. Hindi rin tumigil si Marthina sa pagsuyo sakin kahit na hindi naman na kailangan. Ang gusto nya kasi ay mapagbayaran nya ang lahat ng pananakit nya sakin although hindi naman kailangan. "Insan. Pasensya na at medyo magulo ang bahay namin rito" ani nya dahilan upang masuyod kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng malaking bahay nila.
"Anong magulo rito" natatawa kong ani dahilan upang hampasin nya ako sa balikat. Nagulat ako syempre, maging siya rin ay nagulat sa aksyon nya. "Aray" biro ko dahilan upang himasin nito ang parte ng balikat ko na hinampas nya.
"Halah. Buntis ka nga pala. Sorry" ani nya na tinawanan ko.
Gaya ng inaasahan ay inilibot nya ako sa kabuuan ng malaking bahay nila. Gusto nya pa nga ay sumakay ako sa wheel chair na inihanda nila pero nanatili na lamang akong naglalakad.
"Makakasama sayo yan" nakalabi nyang puna sa paglalakad ko.
"Buntis lang ako at hindi ako baldado" ani ko.
Nagpatuloy sya sa pagtu-tour. Nagpresinta rin siyang samahan ako sa pananatili rito sa bahay nila pero hindi ko tinanggap ang offer nya. May trabaho rin siya kaya naman napakalaking abala ko na kung gagawin nya pa yon.
"Aubrey" bati nila Tita nang dumating sila sa bahay. Dahan dahan akong tumayo upang salubungin ko sila ng yakap. "I'm glad you're here" matamis ang ngiti nito habang pinapasadahan ng haplos ang likod ng ulo ko.
Nakuha ni Marthina ang features ng Mommy nya. Magmula sa pabilog na mukha hanggang sa kilay, pilik mata, ilong, at bibig nito ay kuhang kuha. Syempre, nakuha nya naman ang sopistikadang mga mata magmula sa Daddy nya.
"Pagod sa biyahe?" Tanong ni Tito bago yumakap sakin.
"Hindi po. Ayos lang" matamis ang ngiti na sagot ko.
Natapos ang gabi na iyon na puro kwentuhan at tawanan. Syempre, hindi nawala ang pangunguwestiyon sa mga tingin nila tungkol sa pagbubuntis ko pero wala naman silang nagawa nung sandaling hindi ako sumasagot.
Tanging si Marthina lamang ang hindi nagtatanong dahil tiyak ko namang may nalalaman na siya kahit papaano.
"Si Coby?!" Pasigaw nyang ani dahilan upang batuhin ko siya ng unan. "Bakit siya?!" Patuloy pa rin siya sa pagsigaw.
"Hinaan mo ang boses mo. Baka may makarinig sayo" angil ko dahilan upang nagkukumahog siyang lumapit sakin at hinigit ako sa braso.
"Hindi ako makapaniwala" natatawa nyang ani na ikinangiwi ko. "I mean.. sabihin natin kila Tita Carina, para matigil yung kasal nila ng bastardang yon" suhestiyon nya dahilan upang magbaba ako ng tingin. Napansin nya naman ang tingin ko kaya naman nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Alam mo namang matutuloy ang kasal nila di ba? Mahal ka naman ni Coby kaya--"
"Mahal nya si Aubrey" ani ko na nagpatigil sa kanya. "Sapat nang dahilan yon para mamuhay kami ng Anak ko nang mag isa" ani ko bago bumuntong hininga.
"Mommy" bati ko kay Mommy sa facetime. Nakaupo siya sa opisina nya habang nakangiti akong pinagmamasdan.
"How are you? Nagtatampo ako dahil hindi mo man lang naisipang tumawag kahapon" ani nya na ikinatawa ko.
"Napasarap ang kwentuhan" our conversation went on and on.
Natigil lamang kami sa kwentuhan nang hindi niya napigilang isali si Coby at Aubrey sa usapan.
"Medyo busy nga ang Yullenco dahil excited sila sa kasal" balita nya na nagpatigil sakin.
Ah. So matutuloy?
Hindi rin kasi alam ng mga Yullenco na adopted lang si Aubrey kaya naman magpa hanggang ngayon ay buo pa rin ang desisyon nila sa kasalan. May time nga na gusto ni Lola na kami na lamang ni Coby ang magpakasal pero hindi man lang pumapayag ang mga Yullenco.
Depensa nila ay si Aubrey ang nakilala nila at ang nakakuha sa loob nila kaya ito ang pinili nila.
"Namumutla ka Anak" puna nya pa. Hindi ko naman namalayang nagsunod sunod na rin ang pagpatak ng mga luha ko. "Hey. Why are you crying Nak? Stop crying na please" nag alala nyang ani dahilan upang punasan ko rin ang mga luha ko.
"I'm just.. happy" peke kong ngiti ang isinilay pero nanatili lamang na nag aalala ang mukha nito. "Send my regards Mom. I need to go" ani ko dahilan upang marinig ko ang malalim na buntong hininga nito.
"Nak. We can settle naman this one. I need to talk to Mr. Yullenco--"
"No" pigil ko pa. "I'm sure mahal nya naman si Aubrey. I should stop imagining things dahil baka magkagulo pa" ani ko. Saglit pa kaming nag usap bago ko napagdesisyunang putulin ang linya.
Wala na akong ibang iniisip kundi ang baby ko.
"We need to stand on our own Baby" ani ko sabay haplos sa tiyan kong hindi pa ganon kalaki. "H-hindi natin siya kailangan" ani ko bago pumikit at damhin muli ang sunod sunod na pagpatak ng luha.
"You look tired. We can go if you want" mapupungay na ang mata ni Thina pero nakakakuha pa sya ng balanse upang makatayo ng maayos. Sa kamay nya ay may hawak siyang kopita na wala na ring laman dahil sinunod sunod nya na rin ang lagok nito.
"Nah. I'm just a bit of sleepy" ani ko bago siya inirapan dahil mukha pa siyang natatawa sa reaksyon ko. "Stop laughing." Angil ko pero nagpatuloy lamang sya sa pagtawa.
"Are you kidding me? Ni hindi ka nga ni-train na matulog ng maaga" patungkol nya sa trabaho kong magdamagan.
"Walang kasama si Archer sa bahay" ani ko dahilan upang umupo siya sa tabi ko. Kumakapit na ang amoy ng liquor sa katawan nya. Hindi naman ito ganon kasangsang dahil mabango naman si Thina.
"He's with Yaya Myowi" she's pertaining to the girl na kinuha nya pa sa Pilipinas upang may mag alaga kay Archer. "She can handle your son--"
"He's a child, for god's sake. Thina" angil ko na ipinagkibit balikat nya na lang.
"Okay. We should go" pagsuko nya bago bumaling sa mga kasama namin. Ang maiingay na tunog ng stereo malapit sa kinauupuan namin ay ang nagpapalakas lalo ng kabog sa dibdib ko. Narinig ko siyang nagpaalam sa mga kano nyang kaibigan habang ako naman ay nanatili sa mesa habang pinaglalaruan ang kopitang halos hindi ko nabawasan.
"Uuwi na kayo?" Tanong ni Jameson bago tumabi sa upuang kinauupuan lang ni Thina kanina. Tango lamang ang isinagot ko sa kanya. "I can drive you" ani nya pero umiling na lang ako.
"May dala namang kotse si Thina. Sa kanya na lang ako sasabay" ani ko pa.
"But. She's drunk, Thalia. Baka may mangyari pa sa inyo.." I can sense his eagerness to drive us pero nanatili lamang matigas ang dibdib ko.
"I can drive" nakangiti kong ani na hinihiling na sana ay sumuko na siya.
"Okay if that's what you want, then.." nakangiwi nyang ani. "Pero pwede ba akong bumisita sa inyo bukas?" Tanong nya pa na ikinagitla ko.
"Of course James. Besides, Thalia wants you to--" putol na sabat ni Thina dahil sumabat na ako sa sasabihin nya.
Wala talaga syang preno kapag nakainom siya.
BINABASA MO ANG
DISTANT (Love Series 2)
Romance"No matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse."