CHAPTER 41

9 2 0
                                    

"Maam. Walang laman yung flashdrive na ibinigay mo sakin" ani ni Chessa na tinanguan ko. Ibinigay ko sa kanya ang reserba kong flashdrive na naglalaman ng soft copies ng report na katulad ng nasa flashdrive na hawak nya. "Anong gayuma ang ipinainom mo kay Kuya at ganyan makatingin sayo?" Pang aasar nya dahilan upang mapalingon ako sa pwesto ni Coby.

May kaharap syang laptop pero nanatili lamang sakin ang paningin nya. Kunot na kunot ang noo nito at masama ang titig sakin. Isang irap ang iginawad ko sa kanya bago bumaling sa ngayon ay nakangising si Chessa.

"Go back to your work. Hindi ka binabayaran para manuro ng mga walang kwentang bagay" singhal ko na nagpanguso sa kanya bago umalis.

"Walang kwenta raw" bubulong bulong nya bago lumabas ng opisina ko.

Gaya ng inaasahan ay naiwan kami rito ni Coby. Alas singko nang matapos kami. Nauna na ring umuwi si Chessa kaya naman kami na lamang ni Coby ang naiwan sa walang buhay kong opisina.

"Ihahatid kita" ani nya kasabay ng pagharang sa daraanan ko sana. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumitig sa kanya ng seryoso at matalim.

"May kotse ako.." dahil sa sinabi ko ay pumungay ang mata nito at di kalaunan ay bumagsak ang mga balikat nya sa narinig. Binalak ko siyang lagpasan pero agad nya nang nakuha ang balikat ko upang patigilin sa pagtakas. "Ano nanaman ba?" Singhal ko pa dahilan upang salubungin nito ang tingin ko.

"Totoo bang nalaglag ka.. o itinatago mo lang sakin?" Pinakita ko sa kanya ang isang walang ganang reaksyon kahit na natatakot na ako sa kalooban ko.

"Kung nagsisinungaling ako sayo.. matagal na tayong kasal dahil binuntis mo 'lang' ako" diin ko sa salita dahilan upang mangunot ang noo nya. "Pero magpasalamat ka dahil nawala ang bunga mo" sambit ko bago pinasadahan ng tingin ang mukha nyang nagugulat. "Dahil may pagkakataon ka pang pilitin ang kapatid ko kesa sakin.. di ba? Dahil parausan mo lang ako.. di b-ba?" Gigil kong sambit na ikinagulat nya.

Ginusto nyang magsalita pero tinabig ko na siya sa balikat at nagdire diretsyo na palabas.Binalak akong sundan ni Coby patungo sa elevator ngunit mabuti na lamang at nahuli sya ng dating dahil napagsarhan na sya ng pinto.

Habang nasa elevator ay patuloy ako sa pagluha. Good thing at wala akong kasabay. Wala na ring gaanong staff na nagkalat sa paligid dahil kanina pa ang cut off kaya marahil ay maaga silang umuwi.

Ako lang naman itong nagpapalate at umaasa na makakapag usap kami ng matino ni Coby.

"Thalia!" Sigaw nya. Bahagya akong nagitla nang makita ko siya sa lobby na naghihintay pero ang pagkagitla ko ay pinalitan ko agad ng isang tingin na tiyak kong makukuha nya. "Mag usap tayo please" garalgal ang boses nya kasabay ng pagluhod sa harapan ko.

That time agad na nanlambot ang puso ko.

Ang inaasahan ko sa pagluhod nya ay pakakasalan ako pero mukhang hindi ito ang mangyayari dahil mariin nyang hinawakan at pinagsalukop ang mga kamay namin.

"Utang na loob. Wag mong gawin sakin ito Thalia. Parang awa mo na. Nakikiusap ako sayo" hindi ko inaasahan ang mga luhang lumabas sa mata nya. Sinubukan kong alisin ang mga kamay nya ngunit naging mariin ang mga iyon hanggang sa..

"A-aray Coby ! Nasasaktan ako !" Humigpit ang pagkakahawak nya sakin.

"Hayaan mo akong magpaliwanag !"

Nakikita ko na ang mga tingin ng mga empleyado sa front desk. Maging ang mga security ay napapansin na kami.

"Sir" isang security ang lumapit sa banda namin at agad na hinila si Coby patayo na agad nya namang sinunod. "Please po. Tantanan nyo si Maam Conquez--"

"Hindi mo ako naiintindihan Kuya--"

"Nag eeskandalo ka, ano ba !" Sigaw ko bago inalis ang kamay nya at ginawaran siya ng malakas at nanggigigil na sampal.

Nagulat sya sa pagtaas ko ng boses at maging ang pagdapo ng palad ko sa kaliwa nyang pisngi ay tiyak kong hindi nya inaasahan.

"Lubayan mo na ako, Coby. Tama na" nananawa kong saad kahit na kakaiba ang pintig ng puso ko.

Sa halip na galit ay sakit lamang ang naipapakita ko. Idagdag mo pa ang pangungulit nya na makapag usap kaming dalawa.

Excuse me. Hindi ako marupok !

Hindi ako yung tipo ng tao na magpapakamartir sa isang lalaki lang. Ako yung tipo ng babae na kayang lumaban kapag na agrabyado.

"Ito b-ba?" Nanginginig ang boses nya bago lumingon at tumitig sa mismong mga mata ko. Kahit na nagugulat sa reaksyon nya ay mas pinili kong magmukhang matapang upang ipakita sa kanya na hindi ako kailanman umaatras sa mga laban. "Ito ba ang n-natutunan mo sa limang taon mong pagtatago sa ibang bansa?" Tanong nya.

Ang nanlalambot nyang tingin kanina ay unti unting tumatalim hanggang sa napalitan ng galit ang boses nito.

"Ano ngayon sayo?" Wala sa sarili kong bulong. Mukhang hindi nya inaasahan ang pagsagot ko dahil napatingala sya sa kisame at napapkit ng mariin.

Tila ba minasahe nya rin ang sintido nya na animong naiirita sa sinabi ko.

"Ano ngayon sayo?" Di makapaniwala nyang pag uulit sa sinabi ko dahilan upang taasan ko siya ng kilay. "Ano ba ang meron tayo ha?" Naasar nyang dagdag.

Tumayo muna ako ng maayos bago humalukipkip at patarayin ang mukha upang magmukhang matigas sa harapan nya. "Walang tayo. Walang label. Walang commitment. Walang tayo" diin ko na ikinabagsak ng mga balikat nya.

Sinubukan nyang hawakan ang kamay ko ngunit umatras ako ng isang hakbang upang hindi nya madampian ng balat nya ang katawan ko.

"Pero may Anak tayo !" Sigaw nya. Rinig ko ang bulungan ng ibang staffs na nakikinig sa palitan namin ng salita. "Alam kong meron Thalia. Alam ko dahil nararamdaman ko" napipikon nyang dagdag.

"Wow. Ano ka? May kapangyarihan ka ba?"

"Please Thalia. Mag usap tayo nang matino"

Tinirik ko ang mata ko sa harapan nya tanda na naiirita ako sa mga pinaglalaban nya. "Matino akong kausap Coby. At kapag sinabi kong ayaw kong makipag usap sayo-- ayaw ko" dagdag ko pa.

"Pero may Anak tayo--"

"Wala tayong Anak Coby !" Nanggagalaiti kong sigaw na ikinatigil nya. "Hindi tayo nagkaroon ng Anak at hinding hindi tayo magkakaroon ng Anak dahil--" putol kong saad bago nag iwas ng tingin.

"Dahil? Dahil ano, Thalia?" Umaasa nyang tanong.

"D-dahil.. dahil k-kasal na ako sa iba" mahina kong tugon na ikinatigil nya.

"Nagsisinungaling ka" natatawa ngunit nakaka insulto nyang sagot. "Sinungaling ka" ang matigas nyang tinig kanina ay unti unting nanlambot hangang sa gumaralgal na ang tono nito.

"Kasal na a-ako.."

"Kanino kung g-ganon?" Tanong nya pero naroon ang pait.

Isang yakap sa bewang ang bumulaga sakin. Agad na nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ko ang mga daliring iyon na gumuhit at naglaro sa bewang ko. Agad na napalingon roon si Coby bago nag angat ng tingin sakin-- sa likod ko.

"Sa akin" brusko at sumisigaw ang awtoridad sa boses ni Jameson nang tumabi siya sa gilid ko. Hinapit nya rin ako palapit sa katawan nya. Wala naman akong nagawa kundi makiayon na lang sa gusto nyang mangyari. Ramdam ko ang pagsinghot nya sa ulo ko dahilan upang mag angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi ko alam na ganitong oras ang labas mo sa opisina, Mahal" matamis ang ngiti nyang dagdag.

DISTANT (Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon