"Yayain sana kitang mag-shopping" ani nya dahilan upang magtaas ako ng kilay. "Bibili lang ako ng regalo" dagdag nya pa.
"Regalo para saan?" Curious kong tanong.
"Birthday ng inaanak ko next week. Actually kaibigan ko ang nanay niya na nasa ibang bansa ngayon. Gusto ko lang magregalo ng produktong galing sa Pinas" kwento nya na tinanguan ko. "Gusto mo bang sumama sa America? Para naman makilala mo yung kaibigan kong iyon" suhestiyon nya na inilingan ko.
"Ayokong iwanan ang trabaho ko rito sa Pinas. And besides, hindi ko alam kung papayagan akong umalis ni Lola"
Tango lamang ang ibinigay nya bago kami muling natahimik. Naging busy ako sa paggawa ng salad habang siya naman ay tulalang humihigop ng kape.
He's okay but his mind, obviously not. Hilig nyang magpabalik-balik sa Pilipinas nang walang sapat na rason. I bet may pinopormahan itong babae rito sa Pilipinas. Kapag naman tinanong ko ay panay ang pag iling at pagsagot ng sarkastiko.
Agad na nabaling ang atensyon ko nang tumunog ang alarm at pumasok sa kusina si Coby na ngayon ay animong pagod na pagod.
"Sweetie" bati nya sakin bago lumipat ang paningin kay Jameson na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko. Mabilis akong lumapit kay Coby at agad siyang hinalikan nang mabilis sa labi.
"Iww disgusting" reklamo ni Jameson na tinawanan namin ni Coby.
"What are you doing here?" Tanong ni Coby kay Jameson.
"Visiting your--"
"Fuck you Jameson" angil ko na tinawanan nya.
"You should try this one Aubrey" ani ni Jameson bago itinapat sa dibdib ko ang dress. "Bagay sayo 'to" nakangiti nyang ani. Sasagot na sana ako pero kaagad na iniharang ni Coby ang kamay nya sa braso ni Jameson dahilan upang bahagya pa kaming magitla.
"Fuck off Jameson" angil nya. Hindi ko naman inaasahan ang pagtawa ni Jameson kaya naman napangiwi na lang ako.
"Masyado kang possesive lover boy" pang aasar nya pa na inirapan nya na lang.
Nakahawak sa bewang ko si Coby habang naglalakad kami patungo sa loob ng kid's wear boutique. Sinusundan lang namin si Jameson na ngayon ay animong mag isang nakapamulsang naglalakad. Nauuna siya samin kaya naman maraming nakakapansin sa kanya-- lalo na ang mga babae na nagtitilian sa tuwing mababalingan nya ng tingin.
"Omhayghaaad ang gwapo nya beh" rinig kong bulong ng isa sa kabarkada nya kaya naman nakangiti akong umiling.
Huminto kami sa isang section ng mga damit na pambata. Habang abala sa pamimili si Jameson at Coby, ako naman ay pasimpleng naglibot ang paningin sa kabuuan ng botique.
Iba't ibang kid's wear ang nakasabit sa iba't ibang stand na talaga namang nakakaakit sa mga mata. Umabot pa nga sa puntong nagtungo ako sa isang estante ng mga cap at nakangiting dinampot ang isang pulang sumbrero na tiyak kong sasakto sa isang apat na taong bata.
"Panigurado akong babagay sa anak niyo yan Ma'am" ani ng saleslady na nakangiti kong nilingon. "Pwede sa girl and boy kaya hindi hassle kung yan ang pipiliin niyo" nakangiti nyang dagdag.
"Ang kaso, wala pang magsusuot nito kapag binili ko" ani ko bago pinasadahan ng tingin ang pulang cap.
"Bakit Ma'am?"
"Wala pa akong anak, Miss"
"Ay sayang" malungkot nyang sambit na tila ba nanghina sa sinabi ko. "Pero mukhang naghahanda na kayo ng asawa nyo eh" dagdag nya pa bago nilingon ang isang estante dahilan upamg makita ko si Jameson na nakanguso at abala sa pagpasada ng tingin sa isang pambatang damit na panlalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/262394107-288-k277206.jpg)
BINABASA MO ANG
DISTANT (Love Series 2)
Romance"No matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse."