Pinanood ko ang dahan dahang paglalakad nito habang nakatitig sa litrato ni Mommy na nasa harapan katabi ng coffin.
Isang malamig na hangin ang naramdaman ko nang maglakad siya palapit.
Kita ko ang mukha nitong namumula na medyo mapusyaw.
"Grand entrance pala ang gusto ni Aubrey" bulong ni Chessa na hindi ko na pinansin at sa halip ay pinagmasdan ang paglalakad ni Aubrey hanggang sa huminto ito sa mismong harap-- harap ng lahat.
Natigil ang mga bisita sa mga ginagawa at takang pinagmasdan si Aubrey na ngayon ay nakatulalang nakatitig sa harap.
"Aubrey" tawag ni Coby. Binalak niya itong lapitan pero maski siya ay nagulat nang patakbo itong lumapit at dumungaw sa loob ng kabaong.
"NOOOO !!" sigaw nya kasabay ng sunod sunod na patak ng luha na tiyak kong ikinagulat ng lahat. "BUMANGON KA DYAN ! BUMANGON KA DYAN ! BUMANGON KA DYAN !" paulit ulit nyang sigaw kasabay ng pag alog sa coffin ni Mommy.
Agad kaming naalarma sa ginagawa niya ngunit walang naglakas ng loob na lumapit at awatin siya-- maliban na lamang sa yakap ni Coby na nagpatigil sa kanya.
"BUMANGON KA DYAN !" paghagulgol nya. Agad rin kaming nagitla nang huminto ito sa pag ngawa at animong nawalan ng malay sa mga bisig ni Coby.
"Aubrey wake up !" Coby shout.
Ilang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon. Hindi ko na nakita pang muli si Aubrey at Coby magmula nang mangyari ang eksenang iyon sa burol ni Mommy. Maging sa paglibing sa labi ni Mommy ay hindi na namin ito muling nakita pa.
Labis naming ikinabahala ang ginawa ni Aubrey. Abot-abot rin ang pagpapaumanhin ni Mommy at Daddy kila Sir Roger at sa pamilya'ng Conquez.
Kahihiyan 'raw' para sa mga Sarmiento ang ginawa ni Aubrey at iyon ang sabi ni Lola nang makarating sa kanya ang balita ng panggugulo ni Aubrey.
Dahil sa pagkawala ni Mommy ay maraming nagbago sa routine namin-- lalong lalo na ni Daddy na ngayon ay madalas na nao-ospital dahil sa presyon. Pressure sa buhay at pressure sa hinahawakang kumpanya. Dahil sa pagkakasakit nya ay hindi niya na masyadong naaantabayanan ang pag ikot at paglago ng kumpanya kaya naman kahit na ayoko ay unti unti na itong bumabagsak.
Bumabagsak ang kumpanyang pinalago ni Daddy na ilang taon nilang pinaghirapan ni Mommy.
Ang kumpanyang nagmulat sakin sa mundong binuo ng negosyo at pinaikot ng pera.
"Anak. Pasensya na kung ikaw na muna pansamantala ang hahawak sa kumpanya natin ngayon" pakiusap ni Daddy Roger, isang umaga. Abala ako aa pagsasaayoss ng mga dokumento na dadalhin at ipapapirma ko sa opisina mamaya. "Alam ko namang ikaw na lang ang natitira kong mapagkakatiwalaan sa buhay ko.." bakas sa boses nito ang panginginig kaya naman lihim ba akong napabuntong hininga.
"Dad. Hindi mo kailangang makiusap dahil kahit na hindi ka pumayag, gagawin ko pa rin ang makakaya ko para matulungan ka" ani ko dahilan upang marinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.
"Maraming salamat Anak" mahina nyang tugon.
"Ibababa ko na ito. Mag iingat ka palagi Dad. I love you" malambing kong ani bago pinagpatong patong ang mga dokumento at nagmartsa na palabas ng kwarto ko.
"I love you too"
"Mommy!" Sigaw ni Archer nang makarating ako sa dining. May dala itong bond paper at mabilis itong inabot sakin upang maipakita at maipagmalaki nya ang ginawa nya. "I draw this for you" malambing nyang ani dahilan upang buhatin ko ito at abutin ang papel na ibinigay nya. Nakangiti kong pinasadahan ng tingin ang mga linya nito na may ibat ibang kulay.
May nakita akong isang babae, sa gilid nya ay may isang bata habang sa kabilang banda naman ay may tinitiyak kong isang lalaki. Di tulad ng mukha ko at mukha nya ay walang mukha itong pangatlong tao. Tila ba may question mark na nakasulat sa kabuuan ng mukha nito.
"Archer. Sino ito?" Taka kong tanong sabay duro ng walang mukhang tao.
"That is my.. Dad, My" aniya dahilan upang unti unting bumilis ang tibok ng puso ko. "Yaya Myowi tolds me that every child has a Dad. Where's my Dad, then?" Inosente nitong tanong. Sa halip na sagutin ay ngumiti na lamang ako at agad na hinaplos ang pisngi nya.
"Don't worry. I will fired your Yaya Myowi, soon" ani ko na tinanguan niya.
Inubos ko ang natitira kong oras sa pakikipagkulitan kay Archer kaya naman nang makarating ako sa building ay halos mangamoy pawis ako.
"Goodmorning Ms. Sarmiento" bati ni Kuya Manoy na nakangiti kong tinanguan.
"Ah Ms. Sarmiento. May naghahanap nga po pala sa inyo" ani ng babae sa front desk na nagpataas sa kilay ko.
"Sino raw?"
"Ms. Conquez rin po ang apilyedo" aniya na lalong nagpakunot sa noo ko.
"Kilala mo ba kung sino?"
"Hindi po Ma'am pero nakita ko na po yung paulit ulit na bumabalik rito" she explained.
Dahil sa sobrang kaba ay nanginginig kong tinunton ang elevator upang madala na ako non sa floor kung nasaan ang opisina ko.
Pagpihit ng seradura ay daglian na akong pumasok at agad na nagulat sa taong bumungad sa paningin ko.
Nakaupo sa office chair ko si Aubrey habang pormal na nakapangalumbaba sa mesa ko.
"Anong ginagawa mo dito Aubrey?" Taka kong tanong pero sa halip na sumagot ay ngumisi lang ito at prenteng lumayo sa lamesa at sumandal sa upuan ko. Rinig ko ang langitngit ng upuan ko habang pinapanood ko siyang paglaruan ito.
"Hindi ba, dapat ako ang nagtatanong sayo niyan?" Sarkastiko nyang tanong na nagpataas sa kilay ko. "Anong ginagawa mo rito, Ate?" Diin nya sa huling salita na hindi ko nakuha.
"Obviously, opisina ko ito--"
"Anong pakiramdam na nakaupo ka sa pwestong nararapat para sakin?" Tanong nya na ikinakunot ng noo ko.
"Anong sinasabi mo?" Taka kong tanong na nagpalawak lalo sa ngisi niya.
"Hindi mo ba ako iwe-welcome, Ate?" Tanong nya pa.
"Ano bang sinasabi mo Aubrey? Anong ipinupunto mo?" Dahan dahan itong tumayo sa kinauupuan at nakahalukipkip na tumingin sakin.
"I bet, hindi mo na ako nakikilala" panimula niya pa. "Let me introduce myself, then" masama ang timpal ng boses nya kaya naman agad na nanginig ang tuhod ko.
Posible bang..
"I'm Elise Conquez. And it's nice to be back" tawang demonyita ang pinakawalan nya na lalong nagpatindig sa balahibo ko.
"A-aubrey.."
"Elise. My name is Elise" pagtatama nya pa. "And I promise you. You will regret this." Galit nya pang dagdag.
BINABASA MO ANG
DISTANT (Love Series 2)
Romance"No matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse."