CHAPTER 33

53 6 0
                                    

Linggo lang ang lumipas mula noong lumipat ako kila Maam Carin-- kay Mommy at Daddy sa bahay ng mga Sarmiento. Nung una ay ayaw pumayag ni Daddy-- sa side ng Conquez na bitawan ako sa papel pero wala silang nagawa noong maipakita nila Mommy ang papel na katibayan kung saan positive nga ang resulta ay wala na rin silang nagawa. Nung una nga ay medyo nagkainitan pa dahil sa pag ayaw ni Daddy-- sa side ng mga Conquez-- na bitawan ako pero nung sandaling magdala ng abogado si Daddy-- sa side ng mga Sarmiento ay wala nanaman itong nagawa.

Ipinangako ko naman sa kanila na hindi ko bibitawan ang kumpanya kahit na wala na ako sa puder nila. Ipinangako ko rin na magtatrabaho pa rin ako don kahit na hindi na ako labeled na owner at tanging empleyado na lamang ang tingin sakin ng mga kasamahan ko.

Pinilit rin nila Mommy na tumigil na ako sa pagtatrabaho at gugulin na lamang ang panahon ko upang makasama sila ni Daddy pero nagpumilit at nagmatigas pa rin ako.

Yun na lang ang ambag ko sa twing maiisip kong utang ko kay Mommy at Daddy-- sa side ng Conquez-- ang lahat ng kung anong meron ako.

Ipinangako ko rin na palagi akong dadalaw sa bahay nila kung may oras man akong lumuwag.

Ilang araw ko nang kasama sa bahay si Aubrey-- hindi ko alam kung anong pangalan ba ang itatawag ko sa kanya gayong ako na ang may hawak ng pinaka iingatan nyang pangalan dati. Sa mga lumipas na araw ay mapapansin kong nagbago ang tingin ng mga kamag anak nya-- ko sa kanya. Sa twing may bibisitang kamag anak ang mga Sarmiento ay palagi nitong tinatawag ang Aubrey.

Si Aubrey ang palaging lumilingon sa bisita habang ako naman ay nananatiling naka poker face.

Magugulat na lamang ako na haharap ang taong tumawag sakin at bibigyan ng mahigpit na yakap habang si Aubrey ay matalim ang titig sakin kahit na napapahiya siya sa mismong pamamahay nya-- ko.

"Nasaan si Aubrey?" Tanong ng isang matandang babae habang nakatuon kami sa pagkain. Tiyak kong siya ang Lola ko at tiyak ko ring hindi ako ang Aubrey na hinahanap nya.

Saglit ko ring inilibot ang paningin ko sa dining kung nasan kami. Sila Mom at Dad-- at pati na rin ang grandparents ko lamang ang naroon.

Wala si Aubrey.

"We don't know Mom. Baka nag syesta" ani ni Maam Carina kasabay ng pagbuntong hininga. Nang mapansin nya ang titig ko ay isang ngiti ang iginanti nito. "Do you want this one, Anak?" Nakangiti nyang tanong habang nakaturo ang chopstick nya sa karneng nasa hapag rin naman. Iling lamang ang iginawad ko bago tumungo. Pansin ko kasi ang mata ng Lola ko sa gawi namin kaya hindi ko maiwasang mahiya.

May lahing intsik ang pamilya nila-- namin kaya naman ganito ang mga utensils na ginagamit nila. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang paggamit nito dahil sinanay rin naman ako ni Daddy-- sa side ng Conquez sa paggamit nito.

"Kailan nyo balak alisan ng karapatan sa pamilya ang bastardang iyon?" Asik ni Lola na tiyak kong si Aubrey ang tinutukoy. Napatungo kaming lahat maliban rin sa Lolo kong abala pa rin sa pagkain. "Masyadong suwail ang batang iyon. Ni hindi man lang natuto ng magandang asal sa pananatili sa pamilyang ito" reklamo nya pa.

"Calm down" ani ni Lolo kay Lola pero ni hindi man lang ito natinag.

"Aubrey" tawag nya. Paulit ulit ang pagtawag nito kay Aubrey kahit na wala naman siya rito. "Aub-- Thalia. I'm pertaining to you" mahinahon ngunit naiinis na nitong ani dahilan upang mapapitlag ako sa pagkakaupo at sinalubong ang matalim nyang titig.

"Sorry po. Hindi po kasi ako sanay sa pangalang yan--"

"Kailangan mong masanay na gamitin yang pangalan na yan Apo" mahinahon nyang ani na nagpayuko sakin. "Kelan nyo ba balak na baguhin ang pangalan ng 'bastarda' nyong Anak, Lee?" Tanong nito kay Dad na agad naman nitong sinagot.

"Kapag dumating na sya sa tamang edad--"

"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh.." bulalas agad ni Lola na nagpatungo saming lahat. "Sino ba ang nagsabing gamitin nyo ang pangalan ng tunay kong apo sa inampon nyo? Ang apo ko ngayon ang mahihirapan nyan dahil sa mga dokumento?" Asik nya pa.

"Mom gagawa po ako ng paraan--"

"Dapat lang Lee. Dapat lang" pagtatapos nya sa usapan. Ang natahimik na sandali ay muli nanamang umingay ng dahil nanaman sa kanya. "As soon as possible, I want to kicked that kid out of this family. Understood?" Tanong nya pa na nagpagitla sakin.

Pabuntong hininga naman syang tinanguan ni Daddy.

"Ganon ka ba kaatat na mawala ako sa daan nyo?" Ani ng isang boses dahilan upang mapalingon kami rito. Natagpuan namin si Aubrey na kunot noong nakatitig sa amin habang nakayukom ang mga kamao. "Wag kayong mag alala. Sa oras na mahanap ko ang totoo kong pamilya.. sisiguraduhin kong ilalampaso ko kayo isa-isa" banta nya bago padabog na umakyat ng hagdan.

Hindi ko alam pero natakot ako sa banta nito-- bantang tiyak kong buhay ang ipapalit nya..

"Did you see that Carina-anak?" Matalim ang titig nito kay Mommy dahilan upang muli nanaman kaming mapayuko.

Ang sabi kasi ni Daddy. Sa pamilya namin, babae lamang ang may karapatan sa lahat. Sa lahi kasing dumadaloy sa dugo namin, mas binibigyan nila ng kapangyarihan ang babae dahil nga sa ito ang nagdadala ng sanggol sa sinapupunan kumpara sa lalaking nagpupunla lang.

"Mom. J-just--" putol na ani ni Mommy na kaagad sinabihan ni Lola.

"Just. What?"

"Hayaan na muna natin siya. Alam kong nagtatampo pa rin yon dahil sa--"

"Magtampo siya kung ganon. Wala siyang respeto sa pamilyang ito" singhal pa ni Lola na hindi na namin sinagot. Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Tapos na sana ako kung hindi nanaman ako nito binalingan ng tingin. "This weekend, I want you to take some rest sa trabaho mo. May balak sana akong ipakita sayo" nakangiti nyang ani na nagpangiti sakin.

"Sige po Lola"

Nang gabi ring iyon ay hindi na ako pinanawan ng antok. Masyado akong kinakabahan bukas-- lalo na ngayon at tiyak kong binabantayan nanaman ni Aubrey ang mga kilos ko.

Nagising ako dahil sa magkakasunod na katok. Hindi pa ganon kaputok ang sinag ng araw kaya naman nakakapagtaka na may nanggigising na sakin. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko pero nanatili lamang ang katawan kong nakahiga sa kama-- tila ba pinapakiramdaman pa muna ang sarili.

Nang magsunod sunod ang katok ay doon na ako nagdesisyong umibis sa kama at bagsak ang katawan na buksan ang pintuan ng kwarto ko. Dun na nanlaki ang mata ko nang makita ko si Aubrey na nakahalukipkip at nakatayo mismo sa harap ko. Masama ang titig nito na tila ba hinahalungkat ang laman ng isip ko gamit lamang ang pagtitig sa mata ko.

DISTANT (Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon