CHAPTER 56

33 2 0
                                        

Pinanood nya lamang akong kumain hanggang sa matapos ako. Gusto ko ring mailang dahil sa bawat pagsubo ko ay ang seryosong titig nya ang bumabalot sakin.

"Stop staring" asik ko na tinawanan nya lang.

Kulay kahel na ang liwanag sa labas kaya naman napagdesisyunan ko nang magpaalam sa kanya nang makapag ayos at matapos sa pagbibihis. "I need to go. Thanks for helping me, Mr. --?" Tanong ko dahilan upang sumilay ang matamis nyang ngiti sa labi.

"I'm Jameson Amante" anito sabay lahad ng kamay na tinanggap ko rin.

"Aubrey Grace Sarmiento"

Hindi ron natapos ang pagpapasalamat ko sa kanya hanggang sa maihatid nya ako sa tapat ng bahay. Napag alaman ko ring pinaiwan nya ang kotse ko sa Coastal kaya naman nagbabalak pa akong balikan yon kapag naging mabuti na ang pakiramdam ko.

"Thank you James" saad ko nang pagbuksan nya pa rin ako ng pintuan.

"Stay safe always huh? Sana hindi ito ang huli nating pagkikita" matamis ang ngiti nya na ginantihan ko na lang.

"Of course. Thank you ulit" kaway ko sa kanya bago siya inihatid ng tingin hanggang sa makaalis.

Isang beep lamang ng cellphone ko ang nagpabalik sa'kin sa katinuan kaya naman dali dali ko itong binuksan at binasa.

Coby:

Where the hell are you Aubrey? I was looking for you !

Pabuntong hininga rin akong nagtipa bilang pagtugon sa text message nya.

Coby:

I'm home. Safe.

"Saan ka ba nagpunta kagabi? Alam mo bang nag alala ako sayo?" Nagpupuyamos siya sa galit kaya naman hindi ko naiwasang mapangisi ng mapait.

"Nakalimutan kong may naghihintay pa pala saking bumalik.." bulong ko bago pinaglaruan ang pagkain ko. Ramdam kong natigilan siya kaya naman mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon.

Ewan ko ba pero parang may kakaiba na sa hawak niya. Hindi na iyon yung tipong kapag kapag hinaplos nya ay may halong pagmamahal. Tila ba naupos ang pagmamahal at unti unting napalitan na lamang ng pag aalala.

"Nandito pa ako Aubrey. Mahal na mahal kita. Hinding hindi kita iiwan--"

"Half meant na lang yata ang mga sinasabi mo Coby.." napapatungo kong ani bago inalis ang kamay kong pinapatungan nya. "You promised to never make me cry, for as long as we're together, but all I have done for the longest time while being with you is crying" sumbat ko sa kanya habang napapangiti pa. Wala naman siyang ginawa kundi tumungo sa harapan ko. "I have made up my mind, and I want this to end--"

"No Aubrey. Please no" pakiusap nya pero ngumiti lang ako ng pilit. "Ako na lang ang natitira sayo Aubrey. Wag mo naman akong itaboy ng ganito.. wag ganito sweetie. Parang awa mo na. Wag" pagmamakaawa nya bago hinawakan ang kamay kong nasa mesa. "Hindi mo na ba ako mahal? Balewala na ba ako sayo? Balewala na ba tayo?"

"How I felt about you hasn't changed, but you have, Coby. Inintindi kita. Inasikaso kita. Pinatawad kita, pero bakit iba ang pinaparamdam mo sakin?"

"No Aubrey. Alam kong nagseselos ka lang kay Thalia. Alam kong--"

"Thalia nanaman" nangingiti kong putol na ikinagitla nya. "Sabagay. You deserve her. You deserve each other. Come on Coby. She's out there. Go and find her. Hinding hindi na ako lilingon pabalik sayo" saad ko bago tumayo at lisanin ang café na iyon.

Nang nasa parking lot ako ay bigla na lamang may humigit sa braso ko.

"I want us to end--" agad rin akong natigil nang si Jameson ang nabalingan ko ng tingin. Nakangiti ito na animong ang ganda-ganda ng araw na kabaligtaran ng araw ko. "Jameson" bati ko bago nilingon si Coby na ngayon ay natitigilan sa pagkakatayo habang tinititigan kaming dalawa ni Jameson. Nakatalikod sa Jameson sa banda ni Coby kaya naman ako lang ang nakikita nito.

He's wearing white long sleeve na nakatupi hanggang siko nya. Fitted rin sa hita nya ang khaki pants na itinerno sa polo nito.

"Wala pa ngang tayo pero tinatapos mo na" biro nya na nagpairap sakin. "Anyways. I didn't expect to see you here" ani nya pa. Pasimple kong nilingon si Coby at gusto kong mapatalon sa kinatatayuan ko nang makita ko itong maglakad palapit samin.

"I-I'm with s-someone.." napahalakhak rin siya dahil sa timbre ng boses ko kaya naman agad na nag init ang mukha ko.

"Who's that, then?"

"She's with me" diin ni Coby bago lumapit sakin at iniyakap ang kamay nito sa bewang ko. "Who are you, then?"

Hindi ko inaasahan ang pagngiti ni Jameson na animong nang aasar kay Coby. Kita ko rin ang matalim pagtingin ni Coby sa kanya kaya naman marahan kong pinisil ang kamay nyang nakapalupot sa bewang ko.

"I'm Jameson Trevor Amante" pakilala nya bago inilahad ang kamay kay Coby na tinanggap rin naman nya. "Ako nga pala ang nagligtas sa kanya kahapon"

Hindi ko alam pero agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang gulat sa pagbaling sakin ni Coby. "A-anong niligtas? Saan?" Baling nya kay Jameson na ngayon ay nakapamewang na.

"Jameson. Please, stop"

"She committed suicide kahapon. Isn't it fun?" Nakangiti ngunit nakakainsulto ang pagtitig nya kay Coby. "I was there when she needs me. Ikaw? Nasaan ka?"

"Nasa impyerno. Iniinit ang trono'ng uupuan mo" diin ni Coby. I was shocked but Jameson still manage to smile eventhough may pagka-sarcastic ang pagkakasabi ni Coby. "Let's go" hinila nya ako pasakay sa sasakyan na agad ko namang sinunod.

Ibinaba ko rin ang salamin dahilan upang nakangiting bumaling sakin si Jameson. "I'm sorry Jameson. He's just--" agad akong natigil sa pagsasalita nang unti unting sumarado ang salamin sa harap ko. "Why did you--" asik ko kay Coby pero hindi siya sumagot.

Jameson's right. Nandoon siya nung mga panahong kailangan ko si Coby.

"Think of me and I'll be there" ani ni Coby dahilan upang inis akong bumaling sa kanya. "You don't need to use someone para ipagdikdikan mo sakin ang kakulangan ko sayo" malungkot nyang saad.

Dito na unti unting sumibol ang inis sa sistema ko.

"Wag mo akong itulad sayo Coby dahil ni minsan hindi ko ginamit si Jameson" gigil kong saad bago paulit ulit na umirap. Sandali pa siyang humalakhak sa sinabi ko kaya naman hindi ko naiwasang manggigil at paulit ulit na hinampas ang balikat nya. "Talagang tuwang tuwa ka kapag nakikita mo akong nasasaktan at nahihirapan di ba? Talagang napaka-walang hiya mo'ng lalaki ka" angil ko na tinatawanan nya na lang habang patuloy pa rin sa paghampas.

"Stop hurting me Aubrey. Maaaksidente tayo !" Natatawa nyang reklamo pero nagpatuloy lang ako sa paghampas sa kanya.

Natapos lang ako sa paghampas nang makita ko na ang mansyon namin. 

DISTANT (Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon