CHAPTER 39

9 2 0
                                    

Pero I realized na marahil na rin siguro sa edad ni Archer kaya naman hinahayaan na lamang nito.

"Masyadong busy ang parents mo sa trabaho kaya kami ang sumundo sa inyo" ani ni Lolo na tinanguan ko.

"Nasabi po sakin ni Mommy ang tungkol sa state ng kumpanya ng mga Conquez" ani ko na nagpatigil sa kanilang dalawa. Nanatili naman sa pagkain si Archer. "Totoo po ba na gusto nyo nang i-decline lahat ng offers nila?" Tanong ko habang nilalaro ang pagkain.

Maging si Lolo ay natigilan sa sinabi ko. Agad namang napatikhim si Lola. "If you want us to proceed, hindi naman siguro kawalan ang milyones sa kumpanya--"

"Lah. Nagbibiro lang eh" nakanguso kong ani na tinawanan nila.

"Pero kung gusto mong ituloy, pwede rin naman" sabat ni Lolo na nagpaisip sakin. "Besides, ikaw lang ang tanging mamamahala nyan kapag nagkataon" dagdag nya pa.

As usual, habang kumakain ay patuloy ang usapan namin tungkol sa estado ng kumpanya ng mga Conquez. Sa ngayon ay hindi pa namin nararamdaman ang hagupit at epekto nito kaya naman panatag pa rin ang pamilya ko.

"I think, kailangan kong bumalik sa kumpanya" ani ko habang nasa biyahe kami pauwi ng bahay. Natutulog na si Archer sa tabi ni Lolo habang si Lolo naman ay abala sa katawagan sa cellphone na tiyak kong may kinalaman sa kumpanya.

"You need to rest, Apo" ani ni Lola sabay haplos sa braso ko na madalas nya namang gawin sakin simula nung mapunta ako sa pamilya nila. "Kaya namang i-handle ng parents mo iyon. Hanggat maaari, kailangan mo munang magpahinga at para na rin maalagaan mo ang apo ko" suhestiyon nya na kasalungat sa gusto kong mangyari.

"Pero 'La. Gusto kong tumulong kila Sir Roger. Bilang kapalit man lang sa pagpapakupkop nila sakin" depensa ko pa.

Isang buntong hininga ang pinakawalan nya bago ngumiti sakin. "Hindi nagkamali ng pagpapalaki sayo ang mga Conquez, Iha" aniya pa na nagpangiti sakin.

Alam ko sa sarili kong pumapayag sya sa gusto kong mangyari kaya naman wala pa man ay napapangiti na ako nang wala sa oras.

"Anaaaaak !!" Sigaw ni Mommy habang nakataas ang mga braso at nagbabadya ng yakap patungo sakin. Tatawa tawa naman akong sumalubong sa kanya ng yakap, ganon na rin kay Dad na nag aabang na lumapit ako sa kanya. "Omhayghad Archer !!" Tili nya pa bago binuhat ang Anak ko. "I'm your Lola. I'm your prettyfurr Lolaaa" nanggigigil nyang ani kasabay ng pagkurot kurot sa pisngi ng Anak ko.

"It's been a while Honey" ani ni Dad dahilan upang napapangiti akong yumakap sa kanya. "I miss you" bulong nya pa sa tenga ko dahilan upang mapapikit ako't maging komportable.

Gaya ng nakagawian ay napag usapan namin kung ano ano ang mga madalas kong pagtuunan ng pansin sa abroad. Hindi rin nakawala sa kanila ang pagsumbong ko sa mga gawain ni Thina sa kumpanyang hinahawakan nya ngayon.

"Masyadong nagpapaka panatag sila Ate dyan sa batang yan" patungkol nya kay Thina na tinatawanan ko na lang.

Inabot rin ng ilang minuto bago ako muling nagbukas ng usapan. "Kumusta na si Aubrey?" Tanong ko. Kita ko ang simpleng pag irap ni Lola kasabay ng pag iwas ng tingin. Ang pagtikhim ni Lolo at maging ang pagkagitla ni Mommy ay hindi nakatakas sa paningin ko.

Si Daddy lang ang nagkaroon ng lakas ng loob upang tumitig at sumagot sakin.

"She's with Coby" aniya na nagpakabog sa dibdib ko.

"Ganon ba" pinilit kong maging normal ang boses ko ngunit hindi nakaligtas sa pandinig nila ang panginginig nito. "How is s-she?"

"Sa tono ng boses mo.. tiyak kong si Coby ang tinutukoy mo" ani ng isang boses na nagmumula sa likuran ko.

Maging sila Mommy ay nagulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Aubrey sa harapan nila.

"A-Aubrey" gulat kong sambit lalo na nang mag umpisa siyang lumakad palapit samin.

"How are you" malamig nyang tanong nang sandaling makalapit samin. Maging sila Mommy ay napatayo sa presensya nya kaya naman ganito na lang sila kagulat nang makita nila ito. Tila ba hindi nila inaasahang naririto si Aubrey sa harapan ko.

"A-aubrey.." nagigitla kong ani pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang sandaling higitin ako nito palapit sa kanya at binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Gusto kong magsimula muli tayo.. Ate Thalia" mahina nyang ani.

Gusto kong gumanti ng yakap sa kanya pero tila ba wala akong lakas na gawin yon sa ngayon.

Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay ang pagkagitla at ang pagkalito sa mga ikinikilos nya.

"Guess what?" Masayang bungad ni Thina sa facetime. Abala ako sa pagtitimpla ng gatas sa kitchen kaya naman wala na akong nagawa nung tumawag ng facetime si Thina.

"What" bagot at tila ba walang interes sa balita nya.

"Ano ba yan. Parang hindi ka excited" bakas na sa tono nito ang inis kaya naman lihim pa akong natawa. "Nakakatamad tuloy--"

"Oh. Ano ngang tsismis 'yang ibabalita mo"

Patuloy pa rin ako sa paglilinis ng mga bote. Nakaharap ako sa sink kaya naman hindi ko nakikita ang reaksyon nya dahil nakalapag ang laptop sa mismong kitchen table.

"Hindi ito tsismis gaga" singhal nya na hindi ko na sinagot. "Uuwi ako dyan next week kaya naman ihanda na ninyo ang kwarto ko--"

"Ano namang gagawin mo dito?"

"Malamang magbabakasyon"

"Pumayag ba ako?" Pang iinis ko dahilan upang marinig ko itong suminghal. "Asikasuhin mo ang kumpanyang nandyan. Wag puro lakwartsa. Napapansin ka na nila Tita" natatawa kong dagdag bago ibinaba ang mga bote at nagtungo sa kitchen island para kumuha ng baso at magsalin ng juice upang uminom.

"Dapat nga magpasalamat ka dahil isasama ko si Jameson"

Agad kong nabuga ang juice na nilalagok ko. Halos masamid na rin ako dahil ultimong ang ilong ko ay nilabasan. Tuloy ay panay halakhak si Thina sa nangyari sakin.

"Anong sinabi mo?" I ask intently nang sandaling makarecover sa pag ubo at pagpunas. "Isasama mo siya?"

"Bakit naman hindi? He's a friend of mine. Friends are--"

"Bakit?" Putol ko sa sasabihin nya.

"Isn't it obvious? Aakyat siya ng ligaw sayo--"

"Nasisiraan ka na" angil ko bago dumampot ng basahan at linisin ang juice na nagkalat sa kitchen island.

Maging ang shirt ko ay natapunan kaya wala akong choice kundi muling maglinis ng katawan mamaya.

"Edi kung ayaw mo. Isa-suggest ko na lang na diretsyo mamanhikan na lang siya dahil ang nililigawan nya masyadong mataas ang pride--"

DISTANT (Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon