CHAPTER 43

12 2 0
                                    

"Wag mong sabihing kilala mo rin?" Asik ni Thina na ikinangiwi ko bago bumaling kay Jameson na ngayon ay nangingiti.

"Well. I saved her. Few years back then" kwento nya kasabay ng pagpapatuloy namin sa paglalakad sa parking lot ng condo.

"Talagang lang ha" angil ni Thina dahilan upang lihim akong natawa.

"Yes" ang masigla nyang boses ay unti unting nanabang dahilan upang magtaka ako. "She committed suicide, so I saved her" paliwanag nya dahilan upang matigil ako sa paghakbang. Kita nya ang reaksyon ko kaya naman ngumiwi ito.

"She committed what?" Gulat kong tanong, ganon na rin ai Thina na tinanguan ni Jameson.

"Five years back then, I saw her sa Coastal. Wala sa sarili. Mag isang umiinom sa dalampasigan. I tried to comfort her. But someone stop me" aniya bago ibinaling sakin ang paningin. "Pinanood ko siya sa malayo habang mag isang umiinom. Pinapakinggan ang pag ampyas ng alon sa seashore. I saw her crying. Kaya nong nakita ko siyang tumayo at naglakad patungo sa dagat--"

"Sinundan mo siya?" Tanong ni Thina na tinanguan ni Jameson.

"I have no choice. Besides, she's gorgeous" kagat labing puri ni Jameson dahilan upang sikuhin siya ni Thina sa tagiliran na nagpa arko sa katawan nya sa sakit. "Why are you hurting me--"

"You're such a pathetic whore" singhal ni Thina.

Patuloy lang sila sa asaran habang nasa biyahe habang ako naman ay nanatiling nakamukmok sa likuran at abala sa pag iisip ng mga bagay na pumapasok sa utak ko.

This can't be, right?

She committed suicide because of me. Ako ang dahilan kung bakit naghihirap ang kapatid ko. Ako ang dahilan dahilan nagawa ko siyang bantaang saktan-- na hindi ko naman talaga sinasadya.

Ako ang dahilan kung bakit masasaktan sya sa oras na malaman nyang ang asawa nya ang tatay ng pamangkin nya.

"Mommy !" Sigaw ni Archer kasabay ng pagtakbo papunta sakin. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago humagkan sa kanya at napapikit na rin sa haplos nya sa likuran ko.

Wala na akong ibang katuwang kundi ang Anak ko.. si Archer lang.

"Ewan ko ba sa babaeng iyon.. para bang anghel kung makipag usap sakin ngayon" ani ni Chessa, isang umaga habang inilalapag sa gilid ko ang ipinatimpla kong kape. Agad ko iyong dinampot at hinipan-hipan upang mabawasan ang init. "Kala ba niya nakalimutan ko na yung pagtataray nya sakin dati? Duhh" pataray nyang saad kasabay ng pag irap sa kawalan.

"Lahat naman ng tao nagbabago Chessa.." ani ko bago bumalik sa pagtitipa sa laptop na kaharap.

"Oo. Pero alam kong hindi uso sa kanya yon" she keeps in mocking secretly habang ako naman ay abala sa trabaho.

Di kalaunan ay agad na pumasok sa isip ko ang katanungang matagal ko nang gustong itanong sa kanya.

"Chessa" tawag.

"Yes Maam?"

"Yung kasal ba.." nangangapa kong tanong na ikinalapad ng ngiti nya. "Natuloy ba?" Dagdag ko. Pansamantala siyang tumigil sa pagsasaayos ng mga dokumento bago tumitig sakin ng seryoso habang nakahalukipkip na nakahilig sa gilid ng table nito.

"Of course Ma'am" saad nya na ikinalaylay ng mga balikat ko.

May parte sa katawan ko ang humihiling na sana nagsisinungaling si Chessa. Pero lumipas ang dalawang minuto na wala siyang dinadagdag kaya naman sigurado akong nagsasabi siya ng totoo.

"Gaya ng dating gawi" ani nya dahilan upang gulat ko siyang titigan. Nanonood siya sa reaksyon ko kaya naman sinikap ko lamang na maging casual kahit na grabe na ang pintig ng puso ko.

"Ano?"

"Hindi nanaman natuloy ang kasal dahil ni-reject nanaman ni Aubrey" peke ang ngiti nya kaya naman bumagsak ang mga balikat ko-- lalo na sa nalaman ko ngayon.

Ni-reject nanaman ni Aubrey. Ibig sabihin, totoong niyaya nga siya ni Coby five years ako.

"Pero ngayon, alam kong.." sambit muli ni Chessa dahilan upang nagtatanong ko siyang binalingan ng tingin. "Alam kong matutuloy na ang kasal dahil paniguradong handang handa na si Aubrey" aniya na nagpalamukos sa dibdib ko. "Siya lang naman yung maarteng palaging nagrereject sa Kuya ko-- I mean. Ka-reject-reject ba ang lahi namin?" Nanlalaki-mata nyang tanong habang nakaduro sa sarili ngunit hindi ko nagawang tumawa.

Ang tanging laman lamang ng isip ko ay si Coby at ang magiging kasal nito.

Lumipas ang mga araw at hindi na muling nagpakita sakin si Coby. I wonder if alam nya bang may anak ako sa kanya o may balak ba talaga siyang panindigan ang anak niya? Paano kung wala siyang alam at paano na lang kung wala talaga siyang pakialam?

"Ma'am yung mga documents daw ng HR, hinahanap na" ani ni Chessa dahilan upang halughugin ko ang desk ko at ibinigay sa kanya ang mga kailangan nya.

Sa paglipas ng mga araw, palagi kaming lumalabas nila Chessa at Jameson. Minsan ay nagtutungo kami sa Coastal upang magpalipas ng oras at magliwaliw pansamantala.

"Champaigne lang sakin" ani ko sa bartender na tinanguan nya.

"Ano ka ba naman" asik ni Thina na tinawanan ko. "Minsan ka na nga lang magliwaliw--"

"May uuwian ako Thina. Bawal akong maglasing" banat ko na lang para magtigil siya sa pagsasalita.

Sa gitna ng mga taong nagsasayaw ay nakikita ko si Jameson na may kasayaw na babae. Hindi ko maiwasang matawa sa twing makikita ko itong ngumingisi na animong demonyo sa kaharap. Saksi rin kami sa pana-nantsing nya sa mga kasayaw nyang babae.

"Freaking jerk" asik ni Thina na tinawanan ko. "Tangina naman nitong mahaharot na babaeng ito. Ang kakapal ng mukha na dumikit kay Jameson--"

"Bakit kasi hindi mo bakuran?" Suhestiyon ko na sininghalan nya.

"Bakit ko siya babakuran kung hindi ko naman siya pagmamay-ari?" Reklamo nya pa. Bahagya kong nilingon si Jameson at nakita ko na ang mga galamay nya na umaakyat patungo sa likod ng babaeng kasayaw nya. "And besides, hindi nya naman ako gusto kahit na umamin na ako sa kanya" dagdag nya pa dahilan upang bumaling ako sa kanya.

"Umamin ka sa kanya?" Gulat kong tanong na tinanguan niya. "Kelan? Saan? Bakit?"

"Maghinay ka sa tanong" reklamo nya bago umayos sa pagkakaupo. Malayo kami sa sounds system kaya naman malaya kaming nakakapag usap gamit ang normal na timbre ng boses.

Sinabi nya sakin kung saan at kung kailan siya umamin kay Jameson. Gusto ko ngang matawa dahil panay ang pagtulo ng luha nya dahil nga raw sa pagre-reject ni Jameson sa feelings niya.

"Sinubukan ko siyang tanungin kung sino ba yung kinahuhumalingan nya.. tinanong ko kung ikaw-- hindi naman daw" bahagya akong napangiwi at napatango sa sinabi nya. "Eight years na kaming magkasama at magkaibigan. Sa loob ng walong taon ni hindi man lang siya nahulog sakin" reklamo nya pa kasabay ng muling pagbuhos ng luha. "Pangit ba ako insan?" Tanong nya kasabay ng pagyugyog sa balikat ko.

Mukha siyang frustrated dahil sa rejection nya kaya naman natawa ako. "Kung hindi kayo ang para sa isa't isa-- wala kang magagawa. Kung may mahal siyang iba-- maghanap ka ng iba" ani ko pero parang ako ang tinatamaan sa mga sinasabi ko. Ngumiwi siya kaya naman alam kong ako nanaman ang babanatan--

DISTANT (Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon