CHAPTER 45

5 2 0
                                    

Dahil nga sa tawanan namin ni Emerton ay pansamantalang nalihis ang utak ko sa paghaharap namin ni Coby.

'Kung umasta akala mo pagmamay ari niya rin ako. Tsh' singhal ko sa sarili.

Natigil lamang ako sa pag iisip nang ihinto ni Emerton ang kotse sa tapat mismo ng gate namin.

"It's nice to see you again Thalia. Sana hindi pa ito ang huli" aniya dahilan upang nakangiti ko siyang binalingan ng tingin.

"Oo naman" isang halik sa noo ang ginawa nya sakin dahilan upang maestatwa pa ako sa kinatatayuan ko. Nanlalaki ang mata ko siyang nilingon. Natawa naman siya dahil sa reaksyon ko.

"That was just a friendly kiss" kamot ulo nyang rason ngunit hindi man lang nagbago ako reaksyon ko. "Malalim na ang gabi. Pumasok ka na" aniya bago ti-nap ang ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko na tila ba isang bata.

"Ingat ka" ani ko na lamang na tipid nyang nginitian at naglakad na siya papasok sa loob ng kotse. Hinatid ko lamang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad papasok.

Alas tres ng madaling araw nang magising ako dahil sa isang tawag. Dali dali ko itong dinampot at agad na sinagot dahil baka magising si Archer na ngayon ay payapang natutulog sa tabi ko.

"Dad" pagsagot ko sa kabilang linya. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago sinagot ang pagbati ko.

"Your Mom.." aniya na nagpakabog ng mabilis sa dibdib ko.

"A-anong nangyari?" Gulat kong tanong.

Bibihira lang tumawag sakin si Daddy lalo na kung hindi tungkol sa office works. Kaya naman kapag sinabi nyang tungkol kay Mommy ang usapan-- tiyak kong may hindi magandang nangyari. Lalo na't ganito ngayon ang timbre ng boses ni Daddy.

"Isinugod namin siya sa ospital ngayon. She wants to talk to you. H-hindi ko alam ang gagawin ko kung.. anong m-mangyayari--"

"Hold on Dad. Mag uusap tayo mamaya dyan. Papunta na ako.." ani ko bago pinatay ang tawag.

Ipinabantay ko na lang muna kay Yaya Myowi si Archer dahil tiyak kong hindi ko magigising sila Mommy and besides, ayoko ring abalahin ang paghimbing ng grandparents ko gayong alam kong pagod rin sila sa trabaho.

"Dad !" Sigaw ko nang makita ko itong mag isang nakaupo sa bench habang nakayuko sa mga tuhod nito. Pagod siyang tumitig sakin nang mag angat ito ng tingin. Hindi ko na rin sinayang ang oras ko at nagmamadali akong nagtungo palapit sa kanya. "A-anong nangyari? A-anong nangyari k-kay Mom? Is she okay?" Sunod sunod kong tanong na isang tipid na iling lang ang naisagot nito.

Tila ba napapagod na magpaliwanag dahil sa dami ng tanong ko.

"She's unconscious till n-now" nanginginig nyang ani kasabay ng pagbuhos ng luha sa magkabilaan nitong pisngi. Wala naman akong nagawa kundi umupo sa tabi nya at gawaran siya ng isang mahigpit na yakap. "H-hindi ko alam ang gagawin ko k-kapag nawala sakin si M-myra" aniya pa niya. "N-nawala na sakin si E-elise.. n-nawala ka na s-sa puder ko. H-hindi ko kakayanin kung p-pati si Myra mawawala, Nak. Nak, hindi ko k-kakayanin.." hagulgol nya sa balikat ko dahilan upang paulit ulitin kong hagurin ang likuran nya.

"Walang m-mangyayari kay Mommy. Okay?" Pang aaro ko na hindi nya na sinagot.

Inabot kami ng pagsikat ng araw sa paghihintay sa bench na iyon na katapat lamang ng kwarto ni Mommy. Agad rin kaming napatayo nang bumukas ang pintuan at lumabas roon ang doktor na kanina pa sumusuri kay Mommy.

"D-doc. Kumusta ang asawa ko? Stable na ba ang lagay nya? May malay na ba siya?" Aligagang tanong ni Daddy na sunod sunod na inilingan ng doctor.

"As of now, wala pa siyang malay" sagot nito bago pabuntong hiningang tumitig saming dalawa. "Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang tatagal ang buhay niya--"

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Sabat ko kasabay ng paghawak sa braso niya na tila ba nag aabang sa ibabalita nya. "May s-sakit ang Mommy? Anong s-sakit nya? B-bakit siya may sakit?"

"Hindi mo alam Iha?" Taka nyang tanong na nagpalaylay sa balikat ko. Agad kong nilingon si Daddy pero maging siya ay nagulat sa sinabi ng docktor. "Ilang taon na siyang nagpapabalik balik rito sa ospital para magpa-chemo. Hindi nyo ba alam? Wala ba siyang pinagsabihan?" Taka nyang tanong saming dalawa ni Dad.

Maging si Daddy ay tiyak kong walang kaalam alam kaya naman ganon na lamang ang itsura nya.

Marami pang sinabi ang doktor saming dalawa ngunit kapwa kami naging okupado sa ibinalita nya kaya maging ang pagpapaalam nya samin ay hindi ko na matandaan.

Bitbit ang lakas ng loob ay dahan dahan akong nagtungo sa kama kung saan walang malay na nakahiga si Mommy.

May nakapasak na tubo sa kanya na tiyak kong nagsisilbing pang dugtong sa buhay nitong tila ba binabawi na ng langit.

"M-mommy.." usal ko kasabay ng pagpikit ng mata at ang paglabas ng mabibigat at mapapait na luha sa mata ko.

"T-thalia.." pabulong na tawag ng isang boses ngunit nanatili lamang na nakapikit ang mga mata ko.

Pakiramdam ko ay sobrang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa nalaman kong may sakit si Mommy o dahil ba sa amoy kemikal na nanunuot sa damit at pang amoy ko.

"T-thalia.." ulit muli ng munting boses kaya naman napaungol na lamang ako bilang iritasyon sa paulit ulit nyang pagtawag sa pangalan ko. "Thalia-anak" anito dahilan upang lumukot ang mukha ko at agad na nag angat ng tingin. Gusto ko ring magulat dahil wala na ang tubong nakapasak sa mukha ni Mommy. Nakangiti ito at animong natutuwa dahil nakita nya akong mag isang nagbabantay sa kanya. "Kumusta?" Tanong nya muli dahilan upang mapakamot ako sa pagtataka.

"Ayos lang ako Mom. Ikaw? Kumusta ka?" Tanong ko kasabay ng pagpasada ng tingin sa kamay nyang walang nakakabit na maski isang swero. Maging ang respirator nito ay prente ring nakalapag sa gilid niya. "Ayos na po ba ang pakiramdam nyo?" Taka kong tanong pero mas nagulat ako nang hilahin ako nito palapit sa kanya at binigyan ng isang napakahigpit na yakap.

"Aalagaan mo ang kapatid mo. Ang Daddy mo, wag mong pababayaan kapag umalis ako.." ani nya sa balikat ko bago ako inilayo at pinagmasdan ang kabuuan ng mukha ko. "Mag iingat kang palagi.."

"Bakit Mommy? Aalis ka? Saan ka pupunta?" I asked but instead of answering, she gave me a genuine smile na ngayon nya lamang ipinakita sakin. "Bakit pakiramdam ko.. hindi na kayo babalik" ani ko kahit na kakaiba na ang pakiramdam ng pagtibok ng puso ko.

Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko na gaya ng yakap nya kanina ay ngayon niya lang rin ginawa sakin. "You know how much I love you Thalia.." panimula nya.

Wala pa man ay tumulo na ang mga luha sa mata ko. Nakakatunaw ng puso ang mga salitang binibitawan nya ngayon. May parte sa puso ko ang natutuwa at meron rin namang nalulungkot dahil ngayon ko lamang iyon na narinig na nagnula sa kanya. 

DISTANT (Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon