Chapter 1
Late akong nagising ngayong Lunes kaya na-late din ako sa school. Saglit akong naharang sa gate. Pasimple akong gumilid para makatakas. Fortunately, nakaiwas naman na ako roon sa kumpulan ng mga estudyante. Tamad akong umupo sa pinakalikurang bahagi ng classroom namin habang inilalapag ang bag sa lamesa.
“Good moring, Sunny…” bati sa akin ni Dori. She was wearing her complete uniform just like mine. Nakatali ang mahaba niyang buhok at may hair clip din siya.
Ngumiti ako pabalik at hinalikan ang kaniyang pisngi. “Good morning, Dora the explorer.” Sabay kaming napatawa.
“In-invite ka raw ni Preece?” she asked. “Inimbita niya rin kasi ako kaso ‘di ako pwede. May lakad kami next week at naka-schedule na ‘yon kaya hindi pwedeng tanggihan. Sayang naman.”
“Sasama ako,” maikling sagot ko at ngumiti.
“Okay lang ba sa papa mo? I mean, we all knew he’s strict, baka ‘di ka payagan no’n.”
Huminga ako nang malalim. “He’ll talk to Papa. Siguro sa mga susunod na araw, baka pumunta siya sa bahay namin para ipagpaalam ako. I don’t know when.” I shrugged.
Ang sabi niya ay siya na raw ang bahalang kumausap sa papa ko tungkol doon. Hindi ko alam kung kailan pero hula ko ay sa susunod na araw.
Hindi naman nagtagal ng ilang minuto, dumating na si Preece na katulad ko ay late din. Nagkatinginan kami at bigla kong naalala ang paghalik niya sa aking pisngi. I looked away.
“Nag-community service ka?” I asked, a bit awkward.
“Yeah,” maikling sagot niya at binati kami. “Good morning, girls.”
Not long after, dumating na rin ang guro namin at nagsimulang mag-discuss. Apat na subject ang t-in-ake namin sa morning shift. May dalawang nagpa-quiz at ang isa naman ay nagpa-assignment.
The class didn’t last long. Nang mag-lunch break na ay pumunta kami sa may field at umupo sa ilalim ng malaking mahogany tree. Our group of friends also came and joined us. Lahat kami ay may kani-kaniyang mga baon. Ang iba naman ay bumili lang sa cafeteria at sumali sa amin.
“Gosh! Ma’am Montes is a freak!” kwento ni Kath habang ngumunguya. “She made me clean the whole room, alone!” Nagtawanan ang iba sa amin sa rants nito. She was so pissed off and her face was so hilarious to look at.
“Did you know, my mom bought me a new phone? Latest model of iPhone. It’s so mahal talaga. I told her na nga na ‘wag na akong bilhan kasi meron pa naman akong magagamit pero she insisted,” kuwento naman ng isa.
Almost all of them were rich kids, unlike me, hindi ako kagaya nila na afford lahat ng bagay. Though, nakasasabay pa rin naman ako. Sometimes, I wanted to cage myself ‘til no one could ever notice me. Ayoko ng atensyon. Fame means stress.
Kinuha ko na lang ang cellphone mula sa bag at napagdesisyunang mag-scroll na lang sa social media. Some of my friends were brat. These teenagers around me can get anything they want at kani-kaniya silang kwento nito sa mga kaibigan namin. Wala naman akong maipagmamalaki kaya nanahimik na lang ako.
I opened my Instagram and scrolled it down. Wala naman kainteresante roon kaya bumalik ako sa Facebook.
Memes are all over. Minsan natatawa ako at ang iba naman ay isine-share ko. After that, I took a quick selfie and posted it on my ‘my day’ with a caption, “happy lunch break.”
“Sunny, kain na muna bago ang cellphone,” narinig kong pangaral sa akin ni S.
“Bago mo ‘ko pagsabihan, ibaba mo na muna iyang cellphone mo.” I rolled my eyes.
YOU ARE READING
Lightless Sunshine
Teen Fiction[Complete] ** Please, please, please, read at your own risk. This story contains very disturbing scenes and topics.