Chapter 31
"It's already lunch time, Ma'am. Where should we go?" he suddenly said, startling me.
Nilingon ko siya habang nakaupo ako sa passenger's seat at sinamaan siya ng tingin. "Pwede bang mag-signal ka muna bago ka magsalita? Pang-ilang beses mo na 'yang ginawa, ah!" I hissed.
He chortled huskily as he swiftly maneuvered the car on the right side of the road, overtaking the big, smokey truck. "I'm sorry, Madame. I'm just hungry," he reasoned out.
I rolled my eyes and pouted. "'Wag na. Doon na tayo kakain kila Tita Sali. Paniguradong may inihanda 'yong pagkain doon."
"Have you told them that you're back?"
"Yep. Kanina lang."
"They must be excited."
Hindi ko mapigilang mapangiti. "Ako rin," I answered.
I missed my cousins so much. Sa video call lang kami nagkikita at nagkakausap. Sobrang laki na rin nila! Jusme! Yung mga anak na babae ni Tita Sali ay mga dalaga na at may kaniya-kaniya nang jowa! Reactor nga ako sa mga stories nila sa IG at FB na nag-ti-TikTok kasama ang mga boyfriend nila. Awit.
Yung kuya naman nilang si Aciel ay successful na rin sa buhay habang college naman yung ibang mga kapatid niya. Tita Sali and her husband's business grew wider and higher hanggang sa nakaya na rin nila ang maipagamot si Tita. Actually, may factory na nga sila sa pagawaan ng mga sapatos at syempre, kumukuha rin ako sa produkto na meron sila at binebenta ito sa mga boutiques ko abroad. May pangalan na nga sila sa industriya, eh.
Nagbuntong-hininga ako. I couldn't believe we came into this part na giginhawa rin ang mga buhay namin. I remembered when I was still in high school, wala pa akong pangarap no'n sa buhay. Hindi kami mayaman dati at sakto lang ang pera namin sa pang-araw-araw na gastusin. I even came to the part na mag-online business ako para dagdag sa baon at expenses namin ni Seth. Ang tita ko naman ay may sakit at ang asawa nito ay construction worker lang, tapos marami pa silang anak pero... Tingnan mo nga, anong nang naabot nila ngayon sa buhay?
Nakapagpa-graduate sila ng dalawang anak. Yung iba naman ay nag-aaral sa mamahaling paaralan. They built house na kasyang kasya sa kanilang lahat. They have cars, houses, and lots. Totoo pala talaga ang kasabihang, "Kapag naging mabuti ka sa kapwa, bibiyayaan ka ng Diyos sa langit."
Tita Sali and her family accepted me and Seth when no one's willing to do so. Kahit sobrang hirap na nila sa buhay, pinatira pa rin nila kami sa kanilang bahay at pinakain. Despite the lack of money, regardless of having a poor life, they treated me and my brother nicely.
Indeed, they deserve what they got. Kung ang iba ay tingin sa amin ng kapatid ko ay palamunin at sakit sa bulsa, iba sila Tita. Hindi naiiba ang trato niya sa amin na pamangkin niya at sa mga anak niya. She and her husband treated us like the real children they have.
Kasalukuyan naming sinusundan ang sasakyan ni Seth patungo sa direksyon ng bahay ng tiyahin ko. Nang huminto na siya ay huminto rin ang sinasakyan ko. Icarus went out of the car and opened the door for me.
"Thank you."Simpleng tango lang ang tugon niya.
Isang malaki at malawak na bahay ang tumambad sa akin pagkalabas ko ng kotse. Sa harap ko ay nakaabang sa akin ang pamilya na kahit kailan ay hindi kami pinabayaan.
"T-tita..." My voice cracked as tears instantly fell into my cheeks.
"Maligaya kaming nakabalik ka na, anak," she said while smiling warmly at me.
Without a second thought, agad kong tinakbo ang distansya namin at umiyak doon na parang batang nawalan ng laruan.
This one feels homey and very nostalgic. A smile broke into my lips while tears fell endlessly.
YOU ARE READING
Lightless Sunshine
Teen Fiction[Complete] ** Please, please, please, read at your own risk. This story contains very disturbing scenes and topics.