Chapter 7
Friday came and I wasn’t able to get into the school. I felt sick. I felt like my whole body was burning. I could feel my throat drying up and it’s getting painful. My lips were also quivering. I groaned, shifting my position. My back aches, my arms aches, and my head aches. My whole body was in pain.
“Ate,” I heard Seth’s voice calling me in a sweet yet worried tone. I forced myself to open my eyes. He was sitting on the edge of my bed, looking worriedly as he put his hand on my forehead.
“S-Seth...” I uttered, eyes still half-close.
“Inom ka muna ng tubig, Ate,” he said and smiled. He helped me to lift my head, enough to drink the water.
“May lagnat ka, Sunny,” saad niya sa tahimik na boses. I nodded and sighed before closing my eyes again. Naramdaman kong umalis siya sa kama ko at pumasok sa loob ng aking banyo. Seconds later, I felt a cold water on my forehead. Nagmulat ulit ako ng mga mata.
“Thank you...” I quietly said.
“Gusto mo bang kumain? May binili ako sa karenderya. Yung paborito mong atay na may itlog,” he said and smiled warmly. “Sabi ni Papa, pagkatapos mo raw kumain, painumin daw kita ng gamot at maraming tubig.”
Napangiti ako dahil sa kaniyang sinabi. Pumayag akong kumain kahit wala akong gana. Kailangan kong kumain para mabawi ang lakas ko. Kailangan kong kumain at uminom ng gamot para mabilis na mawala ang lagnat ko.
After I finished eating, I went inside the bathroom and take a cold shower to refresh myself and to also release my heat. Ganito kasi ang ginagawa ni Mama dati, eh. Kapag nilalagnat ako dati, hindi niya ako hinahayaang magtiklob ng kumot, bagkus ay pinupunasan niya ako ng malamig na tubig.
I sighed heavily. Parang mahahati ang ulo ko sa sakit nito. Humiga ulit ako sa kama at nagbukas ng cellphone. I texted Dori through Facebook dahil online naman siya.
To: Gebby Del Cianco
Hey, good morning. I’m sick, Dori. I can’t attend the class today.Nang ma-i-send iyon ay nag-log out na ako. Natulog ako buong araw. Si Seth naman ay absent din kagaya ko, siya raw umano ang mag-aalaga sa akin. I told him to go and have class, but he insisted and took good care of me.
Dahil hindi naman siya nakapagluluto ay bumili na lang siya ng ulam sa labas at kanin. Nanghihinayang ako sa klase pero Biyernes naman na ngayon at may program pa kaya hindi na rin masama.
“Salamat, Seth.” Ginulo ko ang buhok niya. Maayos na ang pakiramdam ko ngayon kumpara noong kasisimula pa lang ng lagnat ko. He really took good care of me. From giving food, medicine, and water.
“Para saan?” kunot-noong tanong niya.
I was slightly shocked. Nang makabawi ay napangiti ako. “Sa pag-aalaga sa akin.”
It’s quite different. Yung may mag-aalaga sa ‘yo sa tuwing may sakit ka. Nasanay na kasi ako simula nang mamatay si Mama, wala nang nag-aalaga sa akin, except na lang kay Preece na binibisita ako lagi at inaalagan.
Seth smiled at me. “Syempre naman. Kapatid kita, eh.” He kissed my forehead.
NANG tuluyan nang gumaling ang pakiramdam ko, hinanap ko kaagad si Papa. I know I owe him an apology. Bahay niya ‘to, dapat hindi ako basta basta-basta nagpapasok ng mga tao rito.
Nakita ko siya sa loob ng kusina’t nagkakape. Lumapit ako sa kaniya. Suot ko ngayon ay isang ternong pajama sleep wear, balot na balot ang katawan ko.
“Kumusta ang pakiramdam mo, Sunshine?” tanong niya sa akin, walang emosyon ang mga mata.
“Maayos naman na po,” I said and sighed. “Papa, pasensya na po pala noong nakaraang araw dahil pinapasok ko rito si Sir Helios. Hindi ko po kasi alam na pupunta siya rito, eh... Biglaan po,” tahimik kong saad at napatungo.
YOU ARE READING
Lightless Sunshine
Novela Juvenil[Complete] ** Please, please, please, read at your own risk. This story contains very disturbing scenes and topics.