Chapter 37
I woke up from the loud, continues knock on the door. I groaned and hugged the hard pillow beside me. Hard but warm, comfortable to cuddle with.Another knock again.
I cursed inside my head and moaned in disapproval. Mas siniksik ko ang sarili sa niyayakap ko.
Shit. Ang aga-aga naman!
Sino ba kasi ‘yon?!
Napaungol ako at dahan-dahang tumayo mula sa kama. Sabog ang buhok ko at paniguradong may muta pa ako sa mata. ‘Di ko na lang iyon pinansin at nagdadabog na lumapit sa pintuan at hinawakan ang seradura nito. Walang ibang tao sa condo ko ngayon ku’ndi kaming dalawa lang ni Icarus. Nasa bahay ni Travis ang mga bata.
Napakunot bigla ang noo ko. Walang ibang tao sa bahay ku’ndi kami lang. Ibig sabihin, dapat ang katok ay mula sa main door talaga… O baka naman…
Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap.
“Oh, my God!” Napatili ako, saka tumakbo pabalik sa kama at niyakap nang mahigpit ang boyfriend ko.
I jumped and sat on his hard abdomen. He jerked in surprise and cursed. Napabalikwas siya ng bangon. “Sinong nanloob sa ‘tin?!” he exclaimed.
“Icarus! May katok!” sabi ko.
“May magnanakaw ba?”
“H-ha?”
“Meron?”
“Hindi ko alam!” Umiling ako. “May kumakatok sa pintuan ng kwarto, Ica!”
“Fuck,” malutong niyang mura. “Baba ka muna, kukunin ko lang baril ko.”
Sinunod ko ang kaniyang sinabi at bumaba mula sa pagkakadagan sa kaniya. He pulled the gun under our bed and positioned it towards the door.
“Wait!” Pinigil ko siya sa braso nang magsimula na siyang maglakad patungo sa pintuan.
My heart started to beat fast and hard. Kumunot ang kaniyang noo. “Huh?”
“S-sama ako.” I gulped.
He heaved a deep sigh as he nodded. “Sa likod ko ikaw.”
Mas lalo akong napalunok nang humawak na ako sa laylayan ng suot niyang gray t-shirt.
“Anong gagawin natin?” I asked.
“Huhulihin natin ang nanloob sa bahay.”
“Nanloob pero kumatok? S-sa tingin ko, killer ‘yon, Ica?”
Bulong-bulong kami habang papalapit ng pintuan. Kumalabog nang malakas ang puso ko sa kaba.
“‘Di ba sabi mo may nanloob sa ‘tin?” he asked.
“Ha? W-wala akong matandaan.”
“Ah, basta.” He gritted his teeth. “Magbibilang ako ng tatlo, okay? Pagkatapos ay magtago ka.”
“Oum, sige…”
“Okay, one… two… three—“
“Wait!” I exclaimed again. “Magtatago ba ako kapag three na talaga o hintayin ko pa ang ‘go?’” nagtatakang tanong ko.
He looked at me over his shoulder and frowned. “Seriously?”
Tumango naman ako. Nagbuntong-hininga siya. “Kapag ‘go’ yung sinabi ko.”
I smiled. “Noted.”
May kumatok na naman.
“Alright. One. Two. Three—“
YOU ARE READING
Lightless Sunshine
Teen Fiction[Complete] ** Please, please, please, read at your own risk. This story contains very disturbing scenes and topics.