Chapter 4
Tulala ako habang pauwi ng bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabing iyon ni Icarus. Bakit hindi ako nagpaalam sa kaniya? Ha! Bakit naman ako magpapaalam sa kaniya, aber? Who does he think he is? Kuya lang naman siya ng kaibigan ko. We’re not even friends at all.
Malakas pa rin ang kalabog ng dibdib ko dahil sa nangyari kanina. At wala talagang plano ang Icarus na iyon na pakawalan ako hanggang sa hindi ako nakapagpaalam sa kaniya, ah?
“E-Eh ‘di g-goodbye!” nauutal at napipilitang saad ko kanina dahil sa kaba. Ngumisi naman siya and my heart almost melted!
“May bababa ba sa kanto?” narinig kong sigaw ng driver ng jeep kaya mabilis akong sumagot at medyo napapitlag pa.
“M-Meron po!”
Huminto ang sinasakyan kong jeep at agad akong bumaba rito. Icarus’ actions confuse the shit out of me. I took a deep breath and exhaled it harshly to clear my thoughts.
Pumasok ako sa bahay at nadatnan ang kapatid kong may ginagawang schoolworks sa sala. “Seth, magbihis ka na. Mamaya mo na ‘yan gawin,” saad ko at hinalikan siya sa pisngi. Naka-school uniform pa kasi siya hanggang ngayon.
Nagulat siya nang bigla akong magsalita at hinalikan siya. “Sunshine! Ano ba ‘yan?!” He hissed.
I rolled my eyes before I went inside my room. Nagbihis ako ng komportableng damit bago bumaba para hugasan ang mga plato doon sa kusina. Nagsaing na rin ako para sa hapunan namin mamaya. Sinabihan ko si Seth na bantayan na muna iyon. Matapos no’n ay nilabhan ko ang uniform ko. Huwebes bukas kaya P.E uniform ang susuutin ko.
“Sunshine!” I heard Papa’s loud voice from the living room. I trembled a bit.
Dali-dali akong bumaba. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay palakas nang palakas ang pagtibok ng aking puso. I don’t know why but I feel nervous and scared.
Naabutan ko si Papa na nakatayo sa hamba ng pinto ng kusina nang dumating ako. Kunot ang kaniyang noo at nagtatagis ang kaniyang bagang. Mas lalo akong kinabahan. May nagawa ba akong mali?
“B-Bakit po, Papa?” Napalunok ako at binayo ng kaba ang dibdib.
“Saan ka ba nagpupupunta at iniiwan mo rito ang sinasaing mo?!” galit na aniya bago hinablot ang braso ko.
“P-pa...” I looked over his side and noticed the black smoke from the kitchen. It came out from the rice I’d cooked earlier. Nasunog ito at kamuntikan pa akong makagawa ng apoy sa buong kusina. And worse, sa buong kabahayan. Umawang ang labi ko.
“Letse!” Kinaladkad ako ni Papa patungo ro’n. “Tingnan mo ang resulta ng katangahan mo!”
Kinagat ko ang ibabang labi at halos mapayuko na sa kaba at takot. “S-Sorry po. Hindi ko po kasi napansin dahil nilalabhan ko po yung uniform ko—“
“At nagrarason ka pa?!” sigaw niya ulit sa akin bago sinabunutan ang maiksi kong buhok gamit ang isang kamay niya at kinaladkad ulit ako patungong sala.
Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Takot. Natatakot ako sa maaaring gawin niya sa akin. “P-papa, sorry po, hindi ko po sinasadya.”
Hinawakan ko ang kamay niya sa buhok ko. Parang mapupunit na ‘ata ang anit ko sa lakas ng pagkakakuyom niya rito. Habang pilit niya akong kinakaladkad, siya naman ang pagpigil ko.
Pwersahan niya akong binitiwan kaya napatumba ako sa sahig. Napasigaw ako sa sakit. “Papa, sorry po!” I cried.
“Tahimik!” he shouted and started to unbuckle his belt. “Hindi mo ba alam na dahil sa katangahan mo, pwedeng masunog ang buong bahay at mamatay kayo?! Kayo ng kapatid mo?! Nasaan ba ang utak mong bata ka?! Paano na lang kung hindi ako umuwi ngayon?! Ano?! Bangkay na lang kayo?! Abo!”
YOU ARE READING
Lightless Sunshine
Teen Fiction[Complete] ** Please, please, please, read at your own risk. This story contains very disturbing scenes and topics.