Chapter 18

23.1K 541 41
                                    

Chapter 18

Choosing what strand I’ll take is hard. Malapit na ang pasukan ngunit heto at hindi pa rin ako makapag-decide kung ano ang kukunin ko. I shouldn’t be stressing myself dahil maliit na bagay lang naman ito pero hindi ko mapigilan. My friends wanted to take another strand while I wanted the other. Eh, gusto kong magkaklase lang kami. Now, I am torn.

I sighed. Ah, bahala nang hindi kami magkaklase. I’ll choose what strand I think suits my taste. Maganda lahat ng mga strand pero syempre, mas maganda pa rin if bias mo ang kukunin mo. It would be more easier.

My phone suddenly rang. I pulled it out from my pocket and read the message I received from Sin.

Sin: Dzai, order ako!

Napataas ang kilay ko dahil sa text niya. I replied immediately. Baka big time ‘to. Since the summer started, I also began to continue my online selling. My friends helped me sell and earn money.

Ako: Wow, wow
Liptint ba ulit? Sakto nag-restock kanina ang supplier ko. Uwuuu, ilan ba ang bibili?

Sin: 12 set, bhie.

Kinuha ko ang mga lalabhang damit at inilagay ito sa isang basket bago binuhat gamit ang isang kamay at idinikit ito sa aking beywang para hindi mahulog. Gamit ang isang kamay ay nagtipa ulit ako ng i-te-text sa kaniya.

Ako: Shookt! Omg! Seryoso??????
AAAAAAAAAAA TYSM!!!

Sin: Yeah, Whatever. Haha
I recommended your online shop kasi sa mga kasama ko sa work. And remember the liptint I brought last week? I’ve shown it to them
Ang bait ko talaga
Plus one agad sa langit

Ako: Hala, oo na, ikaw na. Thank u talagaaa, Sinon. Hulog ka talaga ng langit!
Pero naunang bumagsak ang mukha mo sa lupa kaya medyo tabingi.
CHAROOOWT
Pero thank u talaga!

I smirked and went into the laundry room. Nakita ako ni Manang Marites at nagprisintang lalabhan ang mga gamit ko pero tumanggi ako rito. Nilapag ko sa sahig ang basket na dala at tiningnan ang text na dumating.

Sin: Make it 25 set. Ako na lang bahala magbenta.
Basta yung sinabi mo, ha? Hmp! Libre m q doon kina Mang Kaloy

Ako: Wow! Thank u!
Yes po, opo, libre kita. Salamat, huhuhbels.

Sin: Btw, can I ask u?

Ako: Haha, alam ko na ‘yang tanong mo na iyan, lodicakes. Wala rito si Ichiro kung ‘yan ang itatanong mo. Threatened ka masyado, ‘no? Wala ka bang tiwala sa sarili mo?
And duh? I know Isha’s taste kaya. She doesn’t like singkit boys.

Sin: Are you sure?

Ako: Futah ka ba? Uu nga. At saka hindi na pupunta yun dito si Ichiro dahil lumipad na ‘yon sa Japan.

Sin: How abt that ugly franthus?

Ako: Kaloka ka talaga, Sinon. Ang dami mong pinagseselosan. Punta ka na lang dito sa bahay para ikaw magbantay kay Isha. Idahilan mo na lang kay Travis na ako yung reason kung bakit ka nagpunta para ‘di ka pagsuspetiyahan. HAHAHAHAH ayan, landi pa.

Sin: Hmp!

Natawa ako sa huling reply niya. Nang magsimula kasi ang summer break, ang anak ng kaibigan ni Luna ay nagbakasyon dito sa Pilipinas. Sinon was suspecting that guy na may gusto kay Isha. And there’s Franthus na kapitbahay namin na madalas pumunta rito sa bahay dahil inuutusan ng Mommy niya na bigyan kami ng mga ulam. Ewan ko kay Sinon at nagseselos siya ro’n. Eh, tagilid naman iyon si Franthus eh.

Pinasok ko sa bulsa ang phone ko at nagsimula nang ilunod ang mga damit sa loob ng washing machine. Nagpatugtog rin ako ng music para hindi masyadong tahimik.

Lightless SunshineWhere stories live. Discover now