Chapter 6
Padabog akong umupo sa upuan ko habang nakabusangot ang mukha. I just saw him and Grettle walking towards our room, holding hands! Hinatid raw umano nila si Dori.
“Oh, friendship, bakit mukhang pinagsakluban ka ng langit at lupa?” tanong ni Dori habang nakakunot ang noo.
I looked at her, jaw clenching. “Bakit hinahatid ka pa ng kuya mo rito?”
“Ha?”
“How old are you na nga, Geb?” I asked.
“Uh... twelve? Bakit? ‘Di mo ba alam? Nakakatampo ka, alam mo?” She pouted.
I rolled my eyes at her. “That’s it, Dori. Twelve years old ka na. Nireregla ka na nga, ‘di ba? Bakit nagpapahatid ka pa riyan sa kuya mo? ‘Di ka naman pilay,” mataray kong saad at inirapan siyang muli.
Kumalat ang pagpula sa kaniyang mukha. “Shh, tumahimik ka nga. Nakakahiya ka, Sunny.” She grimaced.
Umismid ako. “Bakit ka ba kasi nagpapahatid pa r’yan sa kuya mo? Malaki ka naman na.”
“He’s just being overprotective on me,” sabi niya na namumula pa rin. “Ganyan naman na talaga si Kuya mula noon, eh.”
“Pero kasi nga, ‘di ba, nagdadalaga na tayo? Paano na lang pala kung maisipan mong mag-jowa pero ‘di mo magawa kasi nakabuntot sa ‘yo ang kuya mo?”
Lumukot ang mukha niya. “Wala akong planong mag-boyfriend, ‘no? Bata pa ako. Ang sabi ni Daddy, pwede na raw akong makipagrelasyon kapag nasa eighteen na ako. At matagal pa yun. Besides, it never crossed my mind to have a boyfriend during such a young age,” she said smoothly and smiled.
‘Di na lang ako nagkomento roon sa sinabi niya at nakinig na lang sa professor namin sa harapan nang pumasok na ito. “We’ll be having a program next Friday. Make sure to wear your complete uniforms. May mga bisita tayong darating, alright, class?” tanong ni Ma’am Montes habang inililibot ang paningin sa paligid na para bang may hinahanap siya.
Malungkot siyang napangiti pagkuwan. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya. She’s looking for her favorite student, Preece Saywer. Kaso nga lang ay wala na ito. Wala na ang best friend ko.
“Yes, Ma’am!” sagot ng mga kaklase ko.
Nang umalis na si Ma’am ay naghiyawan na naman ang mga kaklase ko. Yung iba, nag-uusap tungkol sa mangyayaring program sa Friday, yung iba ay nagpupulbo at nag-li-liptint, yung boys naman ay nagbabatuhan ng mga papel, habang yung iba ay may invisible na bola sa kamay na para bang nag-di-dribble. May mga naglabas ng snacks at kumain, may nagsasayaw sa K-pop song at TikTok, may nagbabasa ng libro at nagsusulat, at higit sa lahat, yung mga nag-chi-chimisan na naman.
“Ano kayang meron ngayong Friday, ano? Bakit ‘di nila sinabi?”
“Siguro, bibisita yung may ari ng school?”
“We don’t know. Baka nga.”
“Sunny, gusto mo?” tanong ni Dori sa akin habang hawak niya ang isang cupcake.
I nodded and she gave it to me. “Ang sarap. Mommy mo ba ang gumawa nito?”
“Hm-hmm...” She smiled. “Sabay naming b-in-ake kahapon,” kwento niya.
So lucky... nasa isip ko. Kung buhay lang din siguro si Mama, siguro ay ganoon din kami. We would’ve bond together with Seth and Papa.
I sighed and gulped it down. At a young age, I felt so insecure towards some girls on my age. Even to my best friend, Gebby. ‘Di ko lang sinasabi sa kaniya pero sobrang inggit ako. Inggit na inggit ako sa meron siya. She have the complete family I wish to have. Yung masaya. Yung kumpleto. Yung puno ng pagmamahal.
YOU ARE READING
Lightless Sunshine
Teen Fiction[Complete] ** Please, please, please, read at your own risk. This story contains very disturbing scenes and topics.