Chapter 14

23.2K 630 236
                                    

Chapter 14

I took a deep breath and wiped off my tears. Nilinis ko ang kalat na natapon sa akin. Wala akong magawa kun’di ang magsuot ng P.E. uniform na nasa locker ko. Wala naman kasi akong extra uniform na dala kasi Friday naman ngayon.

Hindi ako sa classroom dumiretso pagkatapos kong makapagbihis. Instead, I went to the rooftop and sat on the edge of it. Napapikit ako at napangiti nang mapakla. The heaviness in my chest was starting to decrease.

Mabuti na lang at dito ako dumiretso. Ayaw kong ilabas ang sama ng loob sa mga kaibigan ko, baka makapagsalita na naman ako ng hindi maganda tapos pagsisisihan ko lang sa huli.

Hinawakan ko ang maikling buhok na nilipad ng hangin. Paulit-ulit akong marahas na nagbuga ng hangin upang pagaanin ang dibdib.

“Haaaays…” may kalakasan kong sabi at napamulat ng mga mata. Tumingin ako sa nakasisilaw na araw at itinaas ang isang palad na animo’y aabutin ito.

“You’re here…” Hindi na ako nagulat nang may boses na narinig. Kanina ko pa nararamdam ang presenya niya sa likuran ko ngunit pilit lang akong nagpapatay-malisya.

“I guess so,” I answered with a shrug. Ibinaba ko ang kamay at itinukod na lang ito sa aking gilid.

“This was my favorite spot when I was in high school,” he opened up.

“This place looks amazing though. I can’t blame you with that.”

“Yeah.”

A long pause stretched over us. Umupo siya sa tabi ko at parehong nakalutang ang mga paa namin sa matayog na lugar dito sa school. We sighed in unison.

“You’re one of the most strongest women I’ve known, Sunshine,” he suddenly said. Saglit ko siyang tiningnan at agad ring umiwas ng tingin.

“Bata ka pa lang, kilala na kita. We may not be that close before but I’ve known you. I know you since you were a kid,” aniya.

“Noong namatay ang mama mo, ngumiti ka pa rin. You smiled despite the fact that your lovely mother just passed away. You smiled regardless of the struggles you’ve been facing.” There was a tone of pride on the way he said those words.

I felt a lump in my throat. “What a-are you saying?”

“You’re not okay. I can feel it,” he seriously said. “You are an expert when it comes to hiding your true feelings. Ni ang pag-iyak ay pinipigilan mo. And when it’s too much to handle, you’ll just breakdown…” aniya. “You can’t keep on doing this, Sunny. Stop restraining yourself from showing what you really feel. If you feel like crying, just cry. Don’t keep it within you.”

Umingos ako at natawa nang walang halong kasiyahan sa mukha. Kung sa pagkamangha ba o sa pagkairita, hindi ko alam. Nilingon ko siya at nagtama ang aming mga mata. “At paano mo naman nasabi, aber?”

Hindi siya sumagot at sa halip ay tumitig lamang siya sa aking mukha. Naasiwa naman ako at na-conscious agad sa sarili. May dumi ba sa mukha ko?

Kulangot, perhaps?

AAAAAAAAAAHHHHH NAKAKAHIYA! 

Napatili ako sa aking isipan. Nag-iinit ang aking buong mukha. Napapalunok na pasimple kong dinukot ang cellphone na nasa bulsa at nanalamin sa screen nito. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala naman.

Hinarap ko ulit siya at tinaasan ng kilay. “Are you just going to stare at my face the whole day?” mataray kong tanong. At saka lamang siya natauhan. Nakita kong medyo namula ang kaniyang magkabilang tainga. He faked a cough and straightened his back.

Lightless SunshineWhere stories live. Discover now