Chapter 2

34.9K 939 89
                                    

Chapter 2


“Preece, okay ka lang ba?” asked Dori as soon as we entered the classroom.

“I’m good, Dori. May galos lang nang kaunti pero gwapo pa rin naman,” Preece joked.

Umirap ako at inilapag ang mga bitbit sa upuan ko. I pulled out my phone from my pocket and decided to open my social media account.

Mabilis na kumalat sa news feed ko ang naganap na suntukan kanina. They were talking about it like it was a talk of the town. May nakakuha kasi kanina ng video. And I’m afraid if ever Preece’s dad find this out. He might hurt my best friend again.

Binitiwan ko na lang ang cellphone na hawak bago tinawag ang atensyon ni Dori.

“Bakit?” she immediately answered.

“Nag-quiz ba kayo kanina?” tanong ko.

She shook her head. “Wala naman, next day pa raw sabi ni Ma’am.”

Nakahinga ako nang maluwag. I have to maintain my high grades, especially dahil nasa high school na ako. No one pressures me but I badly want to be on top. Always. Ngayong malapit na ang exam, kailangan ko na talagang mag-study. Malapit na rin matapos ang school year kaya dapat, wala akong ma-miss na activities.

Dumating ang professor namin at saglit lang na nag-discuss bago nagbigay ng quiz. After that, I went out from the room, exhausted. Siguro dahil na rin sa nangyari kanina.

I saw Kath approaching me kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin—kunwari hindi ko siya nakita. Siguradong may sadya na naman ito sa ‘kin. This is what I hate about people, they only approach you because they need something from you.

“Sunny!” she exclaimed. Pinanatili ko ang paningin sa gilid, iniiwasan ang kaniyang mata. I want to have a peaceful recess but I think I couldn’t have it now.

She suddenly hooked her arms around mine and giggled. “Got yah!”

I looked at her flatly. I made a face. “Ano?”

“Sabay tayong mag-recess!” maligayang saad niya.

Nagbuntong-hininga ako bago umiling. “May pupuntahan ako, Kath. Sa susunod na lang.”

“Ay! Sayang naman! Sige na, Sunny! Please?” she begged and made a puppy eyes.

Ngumiwi ako at palihim na umirap. “Pupunta akong library para mag-study. Sa susunod na lang, okay? Asan ba sila Mina?” tanong ko at marahang tumingin sa kaniyang likuran. “Sumama ka na lang sa kanila. Ayun sila, oh,” turo ko sa malaking field.

She pouted. “Aish! Ayoko na sa kanila!” E ‘di wag.

Mas lalo akong napangiwi. “Nandoon sila Dori sa room. Puntahan mo na lang,” I said and tapped her shoulder before walking with my pace fast. She called my name pero hindi ko na siya nilingon.

Pumasok ako sa library. May mga poster pa na nakasabit dito na nagsasabing “Please remain silent” and such.

Umupo ako sa pinakadulo nito at inilipag ang bag sa lamesa. Kinuha ko mula roon ang libro na kakailanganin kong basahin at ang mga pagkain at bottled water ko.

I don’t like Kath. I don’t even treat her like a friend. Dalawa lang ang kaibigan ko na tinuturing ko ring mga kapatid. And they’re Preece and Gebby.

Habang tahimik akong nagbabasa, may narinig akong malakas na kalabog at daing. I absent-mindedly looked around, trying to find where that voice came from.

“Ah… fuck! Shit!” Malutong na mura ang narinig ko.

Nanlaki ang mga mata ko.  An idea popped inside my head.

Lightless SunshineWhere stories live. Discover now