Chapter 21 (Part 3)

25.2K 605 351
                                    

TRIGGER WARNING

Chapter 21 (Part 3)

 
We were inside the cafeteria with my friends, talking nonsense and laughing around when my eyes caught Dori walking towards our direction. Kasama nito si Eulynne at Kelly at nag-uusap.

I was about to wave my hand when Ashley stopped it. Kumunot ang noo ko at nagtaka. She just shook her head and resumed on eating. Busy sa pag-uusap ang tatlo nang bigla na lamang napahinto si Dori at napatingin sa aking gawi. My smile faded when she looked at me coldly.

“H-Hi…?” awkward kong bati at kumaway. Napatingin sila sa akin.

“Hey, Sunshine!” bati sa akin ni Kelly at ngumiti nang matamis.

“Hello, Kels. Halika, tabi tayo kumain,” anyaya ko. She cheerfully nodded and sat beside me. Si Eulynne naman ay tumabi kay Trank at kay Gold na parehong nag-aaway.

Akala ko ay uupo si Dori sa tabi ni Diamond pero nanatili lamang siyang nakatayo. Napatingin kaming lahat sa kaniya.

“Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako. Next time na lang ako sasama sa lunch,” she reasoned out and smiled at them, except to me.

“Pero—“

She cut Kelly off. “Bye,” she said coldly before throwing me a cold glance and walked away.

Ouch.

“Anong problema no’n?” I murmured and blinked my eyes several times. I really don’t know what happened to us. Naging ganiyan na lang siya sa akin two weeks ago. I’m wondering what bad did I do to her para iwasan niya ako nang ganito. May mali ba akong nagawa? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan?

The next few days, gano’n pa rin palagi ang sinasabi ni Dori, na may gagawin daw umano siya kaya hindi siya makakasama sa lunch naming magkakaibigan. It went not only for days but for weeks now. Nagsimula na akong magambala. Hindi naman siya ganito, eh. Kung may problema, sinasabi naman niya kaagad. Siguro ay apektado talaga siya sa nangyayari sa pamilya nila.

I’m worried about her. Siguro ay bibisitahin ko na lang siya sa bahay nila ngayong susunod na araw. I think she needed me. She needed someone to lean on. She needed someone to talk to. I’m her best friend, after all. We were best friends since childhood at alam na alam na namin ang isa’t isa.

Why is she doing this? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? Ano ba ang nangyayari at bakit niya ako tila iniiwasan?

Parang may punyal na tumatama sa aking dibdib. Nangilid ang luha ko. I didn’t like our status now. Ang sakit-sakit isipin na iniiwasan niya ako. Ang sakit makitang ngumingiti siya sa iba pero sa akin ay hindi. We were like real sisters, paano niya nakakayang iwasan ako?

“Sunshine?” Napakurap ako at napatungo nang may marinig akong nagsalita mula sa aking likuran. “What are you doing here?”

Pasimple kong pinunasan ang tumulong luha sa aking mata at nilingon ang tumawag sa akin. Nasa loob ako ng classroom at ang mga kaklase ko naman ay nasa labas dahil P.E. time namin ngayon. Nagrason lang akong masama ang pakiramdam dahil ayaw kong um-attend. Ang init kasi at nakakapagod. Dagdag pa na inaantok na naman ako.

“Oh, Aaron? Ikaw pala!” Peke akong ngumiti rito matapos kong mapunasan ang luha.

His brows furrowed. “Umiiyak ka ba?”

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling. “Hindi!” I exclaimed defensively. Tumikhim ako. “Uh, I mean, hindi.”

“Ba’t namumula ang mga mata mo?”

Lightless SunshineWhere stories live. Discover now