Chapter 24 (Part 2)

48.8K 783 489
                                    

It's gonna be a rough chapter:))) Pero kaya nyo yan, matanda naman na kayo.

Chapter 24 (Part 2)

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa madamong sahig nang makaramdam ng lamig sa katawan. Iniisip ko ang kapakanan ng bata kung sakaling magkasakit ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagdadalang-tao ako. It seems so surreal. Parang kahapon lang no’ng gr-um-aduate ako ng elemenatary, tapos ngayon ay magkakaanak na ako.

Pinagpagan ko ang pang-upo ko habang nakatingin sa puntod ng mga namayapa kong mga magulang. “‘Ma, ‘Pa, hindi na po ako magtatagal. Uuwi na po ako,” I said and smiled sadly. Halos mag-isa akong namalagi rito habang kinakausap sila. Hindi naman mainit dahil may matatayog na puno ang pumoprotekta sa akin mula sa sikat ng araw.

“Hmm, sa susunod po ay sisiguraduhin kong magkasabay kami ni Seth pumunta rito… At siguro ‘pag nakapanganak na ako ay isasama ko ang apo niyo sa akin,” nakangiting saad ko. “Mahal na mahal ko po kayo, ‘Pa, Mama… Mag-iingat po kayo palagi at sana ay nasa mabuti kayong kalagayan ngayon.”

Tumalikod na ako at nakangiting naglakad papalayo. I’m relieved na nakausap ko sila ngayon. Parang iyong bigat sa dibdib ko ay nabawasan nang kaunti dahil sa paglabas ko ng mga nais kong sabihin. Because I know they’ll just listen. Hindi nila ako huhusgahan katulad ng iba.

“Sunshine!” Nagulat ako nang biglang tumambad sa aking harapan ang mukha ni Harper.

Umawang ang labi ko. “H-Harper, ikaw pala!” gulat kong sabi at napakurap. Nakangiti siyang lumapit sa akin. “Anong ginagawa mo rito?” I asked.

He shrugged and pointed somewhere using his forefinger. “Visiting my mom and my sister,” aniya.

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. He sounded so casual but I know deep inside, he’s not okay. “I’m so sorry for your lost, Harper…” mahinang sabi ko.

Binalingan niya ako at ngumiti nang tipid. “Why are you sorry? It’s not like you were the reason why they died. You don’t need to sympathize with me.”

Tumango ako at nginitian siya. “How are you, by the way? It’s been a while since we’ve seen each other. The engagement also stopped.”

“I’m doing fine. Hopefully, graduate so soon. How ‘bout you? I’ve heard what happened to you, Sunshine. Are you okay?” he sincerely asked.

Peke akong ngumiti at tumango. “Oo naman. Wala lang ‘yon, ano?”

He looked at me intently. “You know my senses were sharp, Sunshine. I know you were not, no need to lie.”

Nagbuntong-hininga ako at umiwas ng tingin. “Aalis ka na rin ba?”

He nodded. “Yes. Actually, ilang oras na akong nandito. Papauwi na sana ako pero nakita kita kaya…” He shrugged.

I smiled. “Great. Coffee tayo?” anyaya ko.

In a snap, I found myself having a coffee with him on a nearby coffee shop. Magkaharap kaming nakaupo sa isa’t isa habang pinapagitnaan namin ang lamesang may nakapatong na tig-iisang tsaa.

“So, what’s bothering you?” tanong niya habang marahang humihigop sa kaniyang tsaa. Makikitaan mo sa kaniyang galaw ang pagiging pino at kalkulado. Gayunman ay naroon pa rin ang pagiging komportable niya.

Humigop muna rin ako sa aking tsaa bago ko iyon nilapag sa lamesa. Humugot ako ng malalim na hininga. “May tanong ako, Harper…”

“Spill it.”

Tumikhim ako at umayos ng pagkakaupo. “If… If, uh, if someone already died with a tainted name… or should I say, she was accused even in her burial… T-then the real suspect… uh, like, uhm he’s dead, too… Can we… can we… change it, uh, I mean, re-open the case to clean the name of the accused? Kahit na patay na pareho ang dalawa: the innocent accused and the real culprit?” mahinang tanong ko sa nauutal na boses.

Lightless SunshineWhere stories live. Discover now