Maagang umalis si Brent, magkikita daw sila ng lolo niya. Napapadalas ang pami meeting nilang dalwa. Hindi ba dapat nandun ako kasi secretary niya ako? Pero kasalanan ko naman, antok pa kasi ako kaya hindi na niya ako inabala pang sumama sa kanya.
"Hoooy anong tinutulala mo diyan? Wag mo sabihing miss mo na agad siya magkasama lang kayo kagabi" sabi ni Mae na may kasama pang pag tapik sa noo ko. Inismiran ko lang siya.
Nagpatuloy na ako sa paghuhugas ng kamay ng maramdaman ang tubig na dumadaloy mula sa gripo ng lababo.
Nasa pantry kami ngayon, maaga kami pumasok dahil madami daw dalang pagkain si Beth, isa sa mga ka trabaho namin.
"Wow ang sasarap naman nitong dala mong pagkain" sabi ni Mae na halatang tuwang tuwa.
"OA mo naman" pagsita ko sa kanya habang paupo na.
"Pakialam mo ba?" She grinned at me at tinawanan ko lang siya.
"Kumain na tayo" sabi ni Beth at naupo na din siya.
Magkatabing naupo si Beth at Mae habang nasa harap naman nila akong dalwa.
Nagsimula na kaming kumain na may halong kulitan.
"Pero naalala niyo ba----
Natigil sa pag kwekwento si Beth ng biglang bumukas ang pinto ng pantry at pumasok si Stanley.
"Hi" bati niya na para bang awkward ang lahat. Hindi naman kailangan maging awkward diba? Okay na naman ako.
"Ikaw pala. Halika sumabay kana samin" inaya ni Beth si Stanley. Halata naman na hindi niya alam kung anong isasagot niya. Nakatingin siya sakin na para bang nag hihintay ng permiso ko.
Naramdaman ko ang hindi gaanong kasakit na sipa ni Mae at napatingin ako sa kanya. Pasimple siyang nagtaas ng kilay at umiling.
"Wag kana mahiya. Madami naman tong dala kong pagkain" pilet ni Beth.
"Ahmmm ano.. " Stanley scratched his nape.
"Ahhh oo nga. Sabayan mo na kami" I said with a smile. Nakita ko ang pagtitig sakin ni Stanley na para bang hindi siya makapaniwala.
"Halika na, tumabi kana kay Kriza" sabi ni Beth at nilagyan pa niya ng plato si Stanley sa lamesa.
"Ahhh oo sige" yun na lang nasabi ko. Ayoko naman maging rude at sabihing bawal siyang tumabi sakin. Baka magalit si Brent. Inalis ko ang bag ko sa tabi ko at nilipat sa kabilang gilid ko.
Naupo naman si Stanley sa tabi ko at nagsimula na din siyang kumuha ng pagkain.
"Grabe no ang tagal na natin magkaka trabaho ngayon ko lang kayo nakasama ng ganto" sabi ni Beth
"Sobrang busy mo kasi. Madami siguro pinagagawa sayo si Boss Jake no?" usisa ni Mae
"Well, medyo. Puro paper works. Tapos kung saan saan pako pinapapunta para sa mga meetings o kaya ginagawa akong spy sa ibang mga Bar dito" sagot niya.
"Ayyy gala ka pala" sabi ni Mae na kinatawa naman ni Beth. Nakikinig lang ako sa kanilang dalwa. Busy din naman sa pagkain tong si Stanley.
"Sorrry" sabi ni Stanley ng masiko niya ako sa braso.
"Okay lang" I smiled "Ako na kukuha" sabi ko. Inabot ko sa kanya yung bote ng softdrinks.
"Thank you" he said and I just nodd
Napatingin ako kay Mae at nakataas ang kilay niya sakin. Nagkibit balikat lang ako.
Wala naman akong ginagawang masama. There's nothing wrong if Stanley and I became friends again. Dun kami nagsimula. I know, right now that I no longer have feelings for him.
YOU ARE READING
Relationship in Bed
General FictionWhat are you gonna do if you fall in love with a guy who just likes you when you are naked in bed? Would you like to continue your feelings or you will decide to stop what you have with him? What if there's a guy that you will meet and can change...