DRUNK

3.1K 51 6
                                    

"What do you mean na pupunta ka sa reunion with me?" I asked curiously as I see Brent went out from his room. Pababa na sana ako para mag dinner ng biglang lumabas sa kwarto niya si Brent.

"Are you not hungry?" he asked smiling. Tinalikuran niya ako at naglakad na pababa kaya sinundan ko lang siya.

"Brent tinatanong kita" I asked ng makababa na kami. He stop walking and face me.

"Ano bang hindi malinaw sa sinabi ko? Mukha namang naintindihan mo" he crossed his arms.

"Hindi ako sasama sa reunion niyo" may diin kong sabi. I rolled my eyes. Naglakad na ako at nilampasan ko na si Brent. Nagtungo na ako sa kusina at naabutan si Manang Ising na naghahain na ng pagkain.

Naupo na ako ng nakasimangot. Hindi ko maintindihan bakit kailangan pa niya ako isama.

"Bakit ka naman nakasimangot hija? Nagtalo na naman ba kayo ni Brent?" tanong ni Manang Ising.

"Manang. Ilang taon po sila naging magkasintahan nung Madeleine?" out of nowhere kong tanong. Halata ang pagkagulat ni Manang sa tanong ko.

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Nakita kasi namin siya sa Resort. He is asking Brent na umattend sa reunion"

"Ahhh. Nagkita sila. Anong nangyari?" pag usisa ni Manang.

"Parang hindi pa po nakaka move on si Brent sa kanya. Parang ng iba bigla si Brent nung nagkita sila. Hindi pa nga po ako pinakilala" I took a deep breathe at nagpangalumbaba.

"Asus. Nagtampo ka naman. Teka tampo ba yan o selos?" pang aasar ni Manang sakin.

"Naku Manang ha? Di ako nagseselos" i said pero napaisip ako ng maalala ang pagkikita nila. Yung unti unting pag alis ng kamay niya sa pagkakayakap sakin. Sa hindi pagpapkilala sakin at yung parang naging wala na lang ako sakanya. Napaismid na lang ako. Tapos sasabihin niyang gusto niya ako. Gusto niya akong ikama pero nagpipigil lanh siya kasi hindi ko gusto. Ano ba? Ano na ba ang totoo? Bakit naguguluhan ako?

"Naku hija. Wag ka mag isip ng kung anu ano. Sigurado akong naka move on na yan si Brent sa babaeng yun"

"Pano naman po kayo nakakasiguro?" I asked.

"Nung naghiwalay sila ni Madeleine madalas sa bar yang si Brent at nagiinom. Never yan nagdala ng babae dito. Simula ng maghiwalay sila ikaw palang dinala dito ulet ni Brent" paliwanag ni Manang.

"Dahil lang dun Manang?" tanong ko na para namang di kapani paniwala sinasabi ni Manang.

Natahimik si Manang ng dumating na si Brent. Sinenyasan na lang niya ako na wag na daw akong maingay.

"Kumain na kayo" sabi ni Manang.

Naupo na si Brent at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming kumakain at walang nagsasalita.

Hindi ko maiwasang hindi sumulyap kay Brent kahit anong iwas ko ay parang gusto ko siyang tingnan habang kumakain. Sa muling pagtingin ko ay nagtama ang mga mata namin kaya agad naman akong umiwas at nagpatuloy sa pagkain.

---------------------------------------------------------

Nandito ako sa may swimming pool. Mag isang inuubos ang wine na nakita ko sa cabinet sa kusina. Tulog na siguro sila Manang at patay na din ang mga ilaw.

Hindi ko alam kung anong purpose ko sa pagsama kay Brent dito sa kanila. Para saan ba ako? Di nga ako pinalalabas ng bahay. Siya lang nasusunod saming dalawa. Daig pa niya ang asawa kung makaasta.

"Tse" i hissed before I drink all the wine sa basong hawak ko. "Akala mo kung sino. Sa pinsan niya pinakilala akong girlfriend pero sa ex para lang akong hangin na binalewala" nagsalin ulet ako ng wine sa baso. "Hmm pakialam ko ba? As If naman interested ako sa kanya" I said as I drink again the wine on my glass. "Never" inis kong sabi. Magsasalin pa sana ako ng wine sa baso ko ng maramdaman ang isang malambot na tela sa katawan ko. Nagulat din ako ng may biglang umagaw ng bote ng wine. "You?" i asked then I laughed at him. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at pagkalito. 'What are you doing here? Mamanduhan mo na naman ba ako ng kung ano at hindi ko dapat gawin.. sir?" i make my voice pa cute when I call him sir.

Relationship in BedWhere stories live. Discover now