NASA kusina na kami ni Brent para kumain ng tanghalian. Nakapag banlaw na din ako at nakapag bihis ng damit. Buti na lang may naligaw na isang tshirt sa mga inimpake ni Mae. Kaya lang maikli ang mga short na nasa bag."Hmmmm Manang ising ang sarap ng karekare na luto mo" puri ko sa kanya habang nagsasalin siya ng tubig sa baso ko.
"That is one of Manang Ising recipe" komento ni Brent pero diko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain. Mabuti na lang at hindi kami nahuli ni Manang Ising kanina sa pool. Tapos na si Brent sa pagpapaligaya kay pempem at agad siyang nakalayo ng tawagin kami ni Manang Ising para kumain na. Hinang hina akong naglakad paakyat sa kwarto ko. Pero feeling strong padin kahit nanginginig ako buong tuhod ko. Ikaw ba naman maglakad agad habang dipa nakakarecover sa nangyari.
"Mabuti naman at nagustuhan mo hija. Magsabi ka lang ng gusto mong kainin ay ipagluluto kita. Kahit anong prutas papahanap natin kay Julio" sabi ni Manang Ising na nagpasamid sakin bigla.
"Ayos ka lang ba hija" hinimas ni Manang Ising ang likod ko habang nagmamadali akong umiinom ng tubig.
"Ayos lang po ako Manang Ising. Wala naman po akong gustong prutas" mukha ba akong naglilihi? Malaki lang ang tshirt na suot ko pero di naman po ako buntis.
"Mamaya ay magpunta kayo dun sa hacienda Brent. Baka gusto ng fresh na buko nito ni Krizza" suhestiyon ni Manang Ising.
"Sige po Manang" sagot ni Brent pero diko a din siya tinitingnan at nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"Bukas ng umaga dun naman kayo mag swimming sa resort. Mas magandang sumisid dun hija" nasamid na naman ako sa sinabi ni Manang Ising. Ano ba yan? Parang nagpaparinig na to si Manang. Yung lokong si Brent nagpipigil lang ng tawa.
"Hija ayos ka lang ba talaga? Baka naman nasusuka ka na pinipigilan mo lang? Baka naman ikaw ay bu----"
"Ayos lang po ako Manang Ising" pigil ko sa sasabihin niya. "Sarap po kasi ng karekare na luto niyo" pag iiba ko ng usapan.
"Naku sige kumain ka lang diyan ng marami. Dun muna ako sa kusina ha?" sabi ni Manang Ising. Tumango lang ako at saka hinayaan ng umalis si manang Ising. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at inisip na ako lang mag isa ang kumakain.
"Galit ka ba sakin? Bakit hindi mo ako pinapansin?" narinig kong tanong ni Brent.
Uminom ako ng tubig "tapos na ako kumain" sabi ko ng maibaba ko na ang baso na hawak ko "akyat muna ako sa kwarto" sabi ko ng di tumitingin sa kanya at nagderetso na sa paglalakad. Nagmamadali akong umakyat sa taas at pinagmasdan ang ibang painting at litrato sa taas.
Puro mukha nilang magkakapatid ang nasa picture frame. Nakita ko din sa litrato si Sir Lucas. Saka ang parents ata yun ni Brent.
Pumasok na ako sa kwarto at sinara ang pinto. Humikab ako bago humiga sa kama. Sa sobrang busog ko inaantok ako. Nakatingin lang ako sa kisame habang nararamdaman ang unti unting pagpikit ng mga mata ko.
Nagising na lang ako ng maramdamang lumundoy ang hinihigaan kong kama. Umunat ako bago tuluyang minulat ang mga mata ko.
Nagulat ako ng makitang nakahiga si Brent sa tabi ko. Nakatigilid siya habang nakatingin sakin at nakapatong ang ulo sa kamay niya. Agad kong hinila ang kumot pataas sa dibdib ko at pinangtakip ito.
"Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong.
"Aayain sana kitang pumunta dun sa hacienda. Pero parang mas gusto ko na lang humiga katabi ka" mabilis niyang napasok ang kamay niya sa kumot at nahawakan ang bewang ko mas lumapit pa sakin. Nilagay niya ang isa niyang kamay sa ilalim ng ulo ko para magsilbing unan ko. Nakayap na siya ng tuluyan sakin. Hindi ko mapigilang hindi siya amuyin. Ang bango niya.
YOU ARE READING
Relationship in Bed
General FictionWhat are you gonna do if you fall in love with a guy who just likes you when you are naked in bed? Would you like to continue your feelings or you will decide to stop what you have with him? What if there's a guy that you will meet and can change...