Nasa parking ako ngayon at inaantay si Brent may nakalimutan daw kasi siya sa opisina.
"Kriza" I heard someone called me. Nilibot ko ang tingin ko para hanapin kung sino yun.
Madilim kasi sa pinag park-an ni Brent ng kotse. Itong area na to lagi nagpapark si Brent bihira kasi may dumadaan ditong employee.
"S-stanley?" kunot noo kong sabi ng maaninag siya na nakatayo na sa harap ko. "A-anong ginagawa mo dito?" lumingon ako sa paligid para tingnan kung may iba pa bang tao.
"Pauwe na din. Malapit kasi dito naka park ang motor ko" sagot niya. Nakita ko ang pagsilip niya sa kotseng sinasandalan ko.
"Ahhhmmm" kelangan ko bang sabihin kunh kaninong kotse to o kailangan ko bang magdahilan kung bakit nandito ako?
I see him smirked and look at me again. "Bait naman ng boss mo, hinahatid ka lagi" I don't know if he's teasing me or he just want me to spill the truth. "Kriza" tinawag niya ako ulet and this time he walked closer to me.
"Ahmmm Stanley, I think you should go" baka kasi magalit na naman si Brent kakabati lang namin.
"Bakit? Pinagbabawalan kaba ng boss mo na kausapin ako?"
"Yes" matapang kong sagot. Kita ko sa reaksyon niya na hindi man lang siya nagulat.
"Mukhang insecure sakin boss mo, bakit?"
"Hindi siya insecure sayo... ano lang? Ayaw niya lang ako makipag usap kahit kaninong lalaki. Isa pa hindi moko dapat kinakausap sa ganito kadilim na lugar at tayo lang dalwa" baka mamaya may makakita samin tapos kung ano pa ang isipin
"Bakit naman? Takot kabang bumigay ka ulet sakin?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. He touched my hair.
I slap his hand and pushed him para makakuha ng maayos na distansiya sa kanya.
"Anong pinag sasasabi mo Stanley? Naka inom ka ba? Pwede ba umalis kana?" I crossed my arms over my chest.
"Bakit? Ganto din naman tayo dati diba? Patago tago sa dilim. Dun pa nga tayo nag eenjoy" he laughed while remembering the old days.
"Dati yun" sarcastic kong sabi.
"Bakit? Hanggang ngayon naman nagtatago kapa din sa dilim" I grinned at him "Tingnan mo nga kung nasaan ka ngayon.." seryoso siyang nakatingin sakin. ".. nasa dilim ka pa din. Hindi mo kayang lumabas sa liwanag. Bakit? Ano bang kinatatakot mo?"
"Hindi... hindi ko alam sinasabi mo. Umalis kana" umiwas ako ng tingin sa kanya. Naiintindihan ko ang mga sinabi niya. Ayaw ko lanh i sink sa utak ko. Baka kasi tama siya.
"Sumama kana lang sakin" he walked closer to me and hold my both shoulders "Hindi na kita itatago sa dilim. Hindi mo na kailangan magtago sa dilim kung ako ang kasama mo dahil parehas lang tayo. Hindi mo kailangan matakot kung may sasabihin tungkol sayo ang ibang tao. Kaya kitang ipagtanggol, kaya kitang ipaglaban. Kaya kong ipaalam sa lahat na mahal kita" nagulat ako sa huling sinabi niya. "Narealize ko na mahal kita Kriza. Totoo pala yung, kapag nawala na yung isang tao saka mo marerealize na mahal mo pala siya"
"Tama na Stanley. Hindi pwede. Huli na ang lahat. Hindi na kita gusto" deretso akong nakatingin sa kanya
"Bakit? Mas gusto mo magtago sa dilim kasama siya? Sabagay, mas maayos ang buhay mo sa kanya kahit nasa dilim ka lang" he smirked.
Inalis ko ang mga kamay niya. "Mahal ko si Brent. Totoo ang pagmamahal na yun na kahit kailang hindi mabibile ng sino man"
"Siguro nga totoo ang pagmamahal mo sa kanya, pero siya ba totoo ang pagmamahal sayo?"
YOU ARE READING
Relationship in Bed
General FictionWhat are you gonna do if you fall in love with a guy who just likes you when you are naked in bed? Would you like to continue your feelings or you will decide to stop what you have with him? What if there's a guy that you will meet and can change...