Giving Up or Fight

1.6K 43 12
                                    

Tumayo si Brent sa kinauupuan niya at nahihiyang bumati sakin "Hi" he smiled sweetly

Nakatingin pa din ako sa kanya at hindi makapaniwala na nandito siya.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Na eexcite ba ako o kinakabahan?

Eto na ba yung sinasabing destiny?

"Hoy ate" napabalik ako sa katinuan ng kalabitin ako ni Matmat

"Ha? Ano" diko maisip ang una kong gagawin. "Oo nga pala kapatid ko si Matmat..... si Brent" pakilala ko.

"Hi. Good evening" bati ni Brent.

"Hi" bati ng kapatid ko na tiningnan si Brent mula ulo hanggang paa. Problema ng kapatid ko? "Yan ba yung nananakit sayo ate?" bulong niya sakin.

"Sssshh" saway ko sa kanya na may kasama pang pag siko.

"Matmat umakyat kana sa kwarto mo. Wala kang agenda diyan" sabi ni Tiya.

"Kakain pa ako Tiya" sabi ni Matmat

"Gutom ka na agad?" nagtataka kong tanong

"Nagutom ako sa paglalakad ate" palusot ng kapatid ko pero may simpleng tingin kay Brent habang naupo sa kabilang upuan.

"Dun kana sa kwarto mo kumain. Saka ikaw Clyde dun ka sa kwarto ko matulog"

"Bakit Nay?"

"May bisita tayo. Alangan naman umuwe pa yan gabi na. Ang layo layo ng biyahe niyan" paliwanag ni Tita na kinagulat ko.

"Hindi na po. Salamat na lang po. Nag check in na din po ako sa isang hotel kanina bago dumeretso dito" sagot ni Brent. Tiningnan ko siya kung nagsasabi ba siya ng totoo, baka kasi nahihiya lang siya.

"Yun naman pala, dun padin ako sa kwarto ko" sabi ni Clyde at mabilis na umakyat sa taas para pumumta sa kwarto niya.

"Tssssk. Pasaway" sabi ni Tita "Oh ikaw Matmat, akyat na" pero hindi pa umaalis si Matmat at nanatiling nakaupo. "Akyat na sabi"

"Akyat na daw" sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako na para bang nagtatanong kung ayos lang na iwan niya ako dito.

"Gusto ko lang sana makausap si Kriza" sabi ni Brent. Tumango lang si Matmat at tumayo na din. Umakyat na din siya sa taas.

Wala nang sinabi si Tiya at pumasok na din siya sa kwarto niya.

Dalawa na lang kami naiwan ni Brent sa sala. Parang unang beses naming pagkikita, kinakabahan ako. Hindi ko alam paano siya kakausapin.

"Hey" he hold my hand na kinagulat ko. "I miss you" sabi niya. Tiningnan ko siya pero nakatungo lang siya at pinipisil pisil ang kamay ko. Mas lumakas ang kabog ng bibig ko. Wag kang marupok Kriza. Wag!

I cleared my throat at binawi ang kamay ko na kinagulat niya "Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung nasaan ako?" I asked as I sit.

"Source" simpleng sagot niya at naupo din. Katahimikan ang bumalot saming dalwa. Wala naman din akong maisip na sabihin sa kanya. Namiss din kita, gusto ko sanang sabihin. "How are you?" He asked.

"I'm.......... okay"  I guess.

"Good to hear" he said. "I'm happy to see you again"

Tiningnan ko siya and he is also looking at me. My heart is melting the way he look at me. Gosh! I really miss this guy.

"Kriza" panimula niya "I really want to say sorry about that night. I know it's wrong, but I am not cheating on you. Ikaw lang ang nasa isip ko kahit sa mga oras na yun. Believe me, wala na akong nararamdaman para kay Maddeleine" wala kong masabi. Nakatingin lang ako sa kanya at nakikita ko sa mga mata niya na sincere siya. "I'm sorry kung naniwala ako agad sa kung ano man ang nakita ko sa picture, I should ask you first. I should believe in you" he hold my hand and kiss it. Ramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa kamay ko "Can you give me another chance? I mean, please give me another chance. You still love me, right?"

Relationship in BedWhere stories live. Discover now