Hopia

1.5K 29 11
                                    

Nagising ako ng alas dos ng madaling araw. Kahit anong ikot ko sa higaan ay hindi na ako makatulog.

I remembered Brent.

I did not received any message from him. Alam naman niya number ko.

Akala ko ba he's trying to ge me back? Mukhang sumuko na agad siya ha?

Paano naman hindi susuko? Sinabihan mo na walang ng chance maging kayo, alangan naman ipilit niya pa sarile niya sayo.

Para kong baliw na kinakausap ang sarile ko.

I took a deep breath an decided to stand up at bumaba. Nagbukas ako ng ref and I saw some beers. Kumuha ako ng tatlo at pati na din isang chichirya.

Naglakad ako papunta sa may pinto at binuksan ito saka doon umupo at nag inom.

Am I doing the right thing? Sayang naman effort niya sa pagpunta dito tapos hindi ko man lang siya pinakinggan o binigyan ng chance.

Tinungga ko ang beer at huminga ng malalim.

"Mukhang malalim iniisip natin ahh" narinig ko mula sa aking likuran kaya hinarap ko siya

"Tita" nagulat ako ng makita siya at may hawak din siyang beer "Ano pong ginagawa niyo?"

"HIndi din ako makatulog" she answered as she sit beside me and drink her beer

"Hindi ko naman po sinabing di ako makatulog" I lied and she smirked that she don't believe me.

"Alam ko yang mga gantong eksena. Hindi mo alam kung patatawarin mo ba siya?"

"Patatawarin? Paano niyo naman po naisip na kelangan siya patawarin?" umiwas ako ng tingin

"Asus, di naman yun pupunta dito kung dika nun mahal kaya patawarin mo na"

Ang labo ng mga sinasabi ni Tita hindi ko siya naiintindihan o tinatamaan na ako agad ng alak?

"Ang ibig ko lang sabihin, hindi ka naman uuwe dito agad agad ng wala sa sinabi mong date kung wala kayong dalwang naging problema" she added

"Wa-wala naman po kaming relasyon" in denial padin ako.

"Sakin kapa maglilihim? Kahit nga madalas tayo mag away kahit sinisigawan kita never kita nakitang uminom  o umiyak o nalungkot man lang. Ngayon lang.." she look at me "At alam ko na kaya ka nandito at nag iinom ay dahil sa kanya"

"Hindi naman ako showy tita kaya dimo ako nakikitang umiiyak. Syempre nasasaktan din naman ako pag nag aaway tayo" I said and sound like a shy girl.

"HIndi ako naging mabuting tiya sayo pero hindi mo padin ako kinalimutang tulungan. Alam ko ang hirap mo para lang mapag aral ang kapatid mo, kaya walang masama kung hahayaan mo naman maging masaya ang sarile mo" naiiyak ako sa sinasabi ni tita. This is the first time that we talk serious.

"Masaya naman po ako" sabi ko and I smiled

"Kaya mo ba ipagkait sa sarile mo ang tunay na kasiyahan? Ano bang kinatatakot mong magmahal at magtiwala?" napainom ako sa tanong ni Tiya "Ako nga hindi natakot magmahal kahit alam kong sugarol ang asawa ko kasi mahal ko siya at masaya ako. Kung maghiwalay man kami ngayon, atleast naranasan kong maging masaya kasama siya at magmahal ng tapat. Wala kong pinagsisihan"

Tiningnan ko si Tiya habang nagsasalita siya at ramdam ko na sincer ang mga sinasabi niya. Sana katulad niya ako, matapang.

"Handa kabang pakawalan siya? Hindi mo ba pag sisisihan ang lahat kapag nawala na siya sayong tuluyan?" she asked

"Natatakot po ako. Magkaiba kami, mayaman siya at ako naman ay hindi. Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao. Hindi ko alam kung magugustuhan ba ako ng lolo niya at mga kapatid niya. Hindi ko alam kung totoong mahal niya ba ako?"

Relationship in BedWhere stories live. Discover now