Message

1.4K 35 6
                                    

It's been seven days mula ng umalis si Brent para asikasuhin ang resort nila.

Pitong araw ko na din siyang namimiss.

Dahil wala si Brent at wala naman akong gagawin na mga papers. Hindi din naman ako binibigyan ng paper works ni Boss Jake.

"Tingnan mo nga naman kung sino ang nandito" narinig ko mula sa mga babaeng pumasok sa pantry. Hindi ko na lang sila pinansin at bumalik sa pag pangangalumbaba.

"Bakit mag isa ka?" pang asar na tanong ni Jen at naupo pa sa table.

"Diba nga iniwan na siya?" sulsol pa nitong si Lizzy na tumayo sa gilid ko.

"Ahhh oo, kahit naman ako iiwanan ko lang isang katulad mo. Mas pipiliin ko yung maganda at kasing yaman ko" sabi ni Jen

Talagang nag uusap pa sila habang nasa gitna ako. Nananadya ba talaga nung dalwang to.

"Gusto ko lang sana ipaalam na nandito ako, bakit dimo na lang sabihin sakin" I arched my left eye brow.

"Oh!" kunwari pa siyang nagulat at inirapan ko lang siya "Nandiyan ka pala" nagtawanan pa silang dalawa. Umiling na lang ako at nagdesisyong tumayo at alisan ang dalwang to. "Wait lang aalis kana agad?"

"Pwede ba iba na lang guluhin niyo!"

"Ang sungit mo naman. Ganyan ba talaga kapag iniiwan?" si Lizzy

"Kasi naman napaka ambisosya mo. Akala mo ba talaga seseryosohin ka ni Sir Brent? Kumpara mo naman sarile mo kay Miss Madeleine walang wala ka" naghalukipkip pa siya ng mga braso.

"Oo nga, lakas ng loob mo ano? Tingnan mo ngayon, naiwan kang mag isa" si Lizzy

I just took a deep breath and rolled my eyes. Wala akong ganang makipag sagutan sa dalwa na to kaya minabuti ko na lang na lumabas ng pantry.

Akala mo kung sino, ano bang alam nila? Wala naman diba? Saka hindi ako iniwan ni Brent,  nagpaiwan ako. Ako may desisyon nito. Mga makapag salita akala mo alam na alam nila ang lahat.

"Nakakainis" I murmured as I kick the table on the bar area.

"Krizza" masamang nilingon ko ang tumawag sakin. Halatang nagulat siya at parang kinakabahan pa. Bago nga lang pala ang waiter na to.

"Sorry,  yes?" I calm myself.

"Pinapatawag po ka yo sa VIP area"

"Sino? Bakit daw?" kunot noo kong tanong.

"Hindi ko po alam. Hindi ko po natanong saka hindi ko po kilala"

I smirked at tumango na lang ako. Umalis na siya at nagsimula na akong maglakad papunta sa VIP area.

Tumingin ako sa paligid para tingnan kung may kakilala ba akong naghahanap sakin.

"Krizza" I heard my name and saw a girl raising her hand too.

"Anong ginagawa mo dito Madeleine? " tanong ko ng makalapit sa kanya. Nandito pa pala ang babaeng to. Mas okay na din na nandito siya kesa naman maisip kong magkasama sila ni Brent dun. Mamaya kung ano pang maisip nitong gawin.

"Wag ka naman mag sungit. Don't you see, I'm with important clients. Don't let them know how rude the employees here" maarte niyang sabi.

I just rolled my eyes. Napansin kong nakatingin sakin ang tatlong lalaki na kasama niya and I feel uncomfortable.

"They requesting for an entertainer so I called you" tiningnan ko ng masama si Madie.

"Hindi ako entertainer Maddie. Ikaw na lang mag entertain sa kanila kayang kaya mo na yan" sagot ko at aalis na sana ako ng may isang lalaking humarang sakin, nasa 40 na siguro siya.

Relationship in BedWhere stories live. Discover now