The Song

1.3K 31 5
                                    

Nagising ako sa ingay ni tiya. Nagsisigawan na naman sila mag asawa.

Mula nang umalis ako hanggang sa ngayon wala padin silang pinagbago.

"Hoy Matmat gisingin mo na yung prinsesa mong ate. Tanghali na tulog padin" hindi ko alam kung sinasabi niya ba yun kay Matmat o sadyang pinaririnig niya na lang sakin.

Naupo ako sa kama at nagunat unat. Masakit ang ulo ko dahil kahit anong pilet ko hindi ako makatulog ng ayos.

Bumangon na ako ng biglang pumasok si Matmat.

"Ate gising kana pala" sabi niya. Tiningnan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Gwapo ng kapatid ko.

"Ang gwapo naman niyang binata ko. Pahalik nga ang ate" yayakap na sana ako when he step backward

"Ate, mag toothbrush ka kaya muna"

I smirked "Aba. Ang arte mo ha? Kala mo kung sino kang mabango ang hininga"

"Nag toothbrush na ako saka mouth wash"

"Sabi mo wala kang girlfriend?" Nagpamewang ako.

"Wala pa nga" nahihiyang sabi niya

"Wala pa? So may nililigawan kana?"

"Wala.. pa din"

"Aba aba! Siguraduhin mo lang kasing ganda yan ng ate mo!"

"Mas maganda pa" he assure it

"Aba teka" lalapitan ko sana siya ng bigla siyang tumakbo sa may nang mabilis niyang makuha ang bag niya.

"Bumaba kana at kakain na tayo" sabi niya bago tuluyang lumabas. Napailing na lang ako.

Dumeretso muna ako sa cr para maghilamos at mag toothbrush.

"Gising na pala ang prinsesa" parinig ni tiyo ng makababa nako sa kusina. Ikaw nga hari e. Mukha ka namang kawatan.

Naupo na ako sa tabi ni Matmat at nasa tapat ko naman ang anak ni tiya na si Clyde, first year high school.

"Hi ate" bati niya sakin. Nginitian ko lang. Hindi naman kasi kami close no?

"Kumain na at baka mahuli pa kayo sa school" sabi ni tiya kasabay ng paglalagay ng juice sa lamesa. Naupo na din siya sa kanan ni Clyde.

"Ano naman at naisipan mong umuwe ha?" Tanong ni tiyo

"Graduation ni Matmat" simpleng sagot ko habang nagsasandok ng kanin.

"Next week pa yun. Ang aga mo naman umuwe" sabat ni tiya pero hindi ako sumagot at dinedma ko lang sila. Inintindi ko na lang ang pagkain kahit wala kong gana. Kapag hindi kasi ako kumain madami pakong maririnig na salita.

"May pera kabang dala? Pahiramin mo nga muna ako" sabi ni tiyo. Pero nanatili akong tahimik. "Hoy binge kana ba?" galit na tanong niya

"Kung pang sugal wala kong pera,  pero kung pang grocery para dito sa bahay meron" sagot ko.

"Aba! Bakit ganyan ka magsasasagot? Ang yabang mo akala mo naman milyon ang kinikita mo" si tiyo

I smirked "yun na nga e" tumigil ako sa pagkain at tumingin ako sa kanya ng masama "hindi milyon ang kinikita ko at hindi din milyon ang pera ko kaya bakit ko ibibigay sa inyo para ipang sugal lang? Kung tutuusin mas dapat gamitin ang pera sa pangbile para sa pang araw araw na bilihin"

"Hihiramin ko nga lang" sigaw niya "Akala mo naman hindi ibabalik"

"Tumigil na kayo. Ikaw Kriza wag kang sumagot sagot ha?" saway ni tiya.

Relationship in BedWhere stories live. Discover now