Maaga ako ginising ni Manang Ising dahil pupunta daw kami ni Brent sa resort. Ayaw ko sana sumama dahil sa attitude naman si Brent sakin. Kaso no choice naman ako.Dahil hindi naman ako iniimikan ni Brent at galit siya sakin naisip kong lalo siyang inisin. Nagsuot ako ng two piece na black cross haltered. Nag short ako na maong na puro tastas din naman at white sando na sobrang nipis. Naisip siguro ni Mae na may beach dito.
Bumaba na ako at dumeretso na sa labas. Nakita ko si Brent na nakasandal sa small jeep na sasakyan siguro namin. May kausap siya sa cellphone niya ng mapatingin siya sakin.
Pasimple akong napangiti at pasimpleng sineksihan ang paglalakad ko. Maglaway ka ngayon.
"Tara na" sabi ko ng makatigil na ako sa harap niya.
"I'll be there in a bit" sabi niya sa kausap niya sa telepono na hindi inaalis ang mga tingin sakin. Binaba niya na ang cellphone niya at binulsa ito. Nginitian ko siya ng napakaganda. Tiningnan lang niya ako mula ulo hanggang paa saka nagbuntong hininga. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan. "Hop in" walang gana niyang sabi. Hindi ko na lang pinansin at sumakay na din. Sumakay na din siya sa kabila at pinaandar na ang makina.
Ilang minuto palang ang nakakalipas ng umalis kami sa bahay. Pero sobrang bored na ako. Hindi man lang umiimik tong si Brent naiinis na ako.
"Brent" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon. "Sorry pala kagabi nag alala kayo sakin" I said.
"Okay" tanging sagot niya. Umirap na lang ako sa kawalan at tinuon ang sarile sa paligid. Tanaw ko na ang dagat pero bakit parang ang layo layo pa? Hindi ko pala nadala ang cellphone ko kakamadali wala tuloy akong mapaglibangan.
Mahigit isang oras bago kami nakarating sa resort. Namangha ako sa ganda ng resort na to. Parang gusto ko ng manakbo papunta sa dagat.
"Where do you think youre going?" cold na sabi ni Brent nung magtangka akong maglakad papunta sa dagat.
"Ha? Mag swimming" sagot ko
"No. Sumunod ka sakin" bossy nitong sabi bago ako tinalikuran at naglakad. Wala naman ako magagawa kaya naglakad na lang ako kasunod niya. Umakyat kami sa isang malaking kubo. Tanaw na tanaw ko ang buong resort at ramdam na ramdam ko din ang hangin. "You stay here until I get bck" he said once he altready open the door. Kunot noo akong lumingon sa kanya.
"Kung alam ko lang gagawin mokong taga bantay nitong cottage di na lang sana ako sumama" pagsusungit ko
"Just do what I say" ma otoridad nitong sabi. Padabog akong naglakad papasok sa loob ng kwarto at hinayaan na siyang umalis na hindi ko siya nililingon.
Diko maintindihan kung ano problema niya. Sinama sama niya ako dito sa resort tapos bubulukin lang naman pala ko sa cottage.
"Nakakainis" nagwawala kong sigaw ng ihiga ko kalahati ng katawan ko. Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa bubong.
-------------------------
Nainip ako sa cottage sa dalwang oras na naghihintay kay Brent. Mamaya alas singko pa yun bumalik.
Naisip kong mag swimming dahil hindi naman ganon kainit ang panahon. Pumunta ako sa bakanteng bench at hinubad ang sando ko. Wala akong dalang kahit anong lotion pero ayos lang gustong gusto ko ng mag swimming.
Excited akong naglakad papunta sa tubig hanggang sa makarating ako hanggang bewang ko ang tubig. Lumangoy ako ng lumangoy hanggang sa gusto ko.
Ilang minuto din akong palangoy langoy at nag floating sa tubig ng makaramdam ako ng gutom. Naisip ko ng umahon para kumain.
YOU ARE READING
Relationship in Bed
General FictionWhat are you gonna do if you fall in love with a guy who just likes you when you are naked in bed? Would you like to continue your feelings or you will decide to stop what you have with him? What if there's a guy that you will meet and can change...