Lust or Love

1.7K 36 8
                                    

"Brent? Can you call me when you received this? Let's talk" I leave a message on Brent's voicemail.

Ilang araw ko na siyang tinatawagan at tinetext pero wala kong nakukuhang reply mula sa kanya.

"Boss Jake" tawag ko nang makita ko siyang pumasok sa loob ng Bar. Nagmamadali akong lumapit sa kanya "Ahmmm. Nagtext ba sayo si Brent? Or do you have contact with him?" I asked.

"Wala naman. Why? May ipapasuyo ba siya?"

"Oh?" I asked amused. "Nothing just asking if everything is... alright.." i Lied

"Yeah!  Well tell him that everything is fine" masayang sagot ni Boss Jake.. Ngumiti lang ako at tumango.

Tuluyan ng pumasok si Boss Jake sa loob ng opisina niya at naiwan akong nag iisip.

Nagsasabi ba ng totoo si Boss Jake or talagang hindi siya tinetext ni Brent?

What's wrong with you Brent? Bakit ayaw mokong kausapin?

"Heyy" tinapik ako ni Mae at nagulat akong tumingin sa kanya. "Napano ka?"

"Ha? Wa-wala naman. Bakit?" I asked at pasimpleng inayos ang sarile ko.

"Para kang ewan kasi" tinaas niya ang isang kilay niya.

"Si Brent kasi----"

"Anong nangyari?" apurado niyang tanong.

"Wow ha? Maka react ka kala mo ikaw jowa ah" I teased her

"Well, I just miss Sir Brent" she shrugged her shoulders "saka.. " she paused and I frowned "..baka sakaling nagbago na yang puso aangkinin ko na lang si Sir Brent"

"Epal ka" I said loudly and she got shocked "Never nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya at hindi magbabago"

"Ayyy? Talaga ba? So hindi ka babalik kay Playboy? Kay Mr Whiskey kapa din?" she asked happily

"Oo naman. Totoong mahal ko si Brent and I know mahal din niya ako at hindi siya tulad ng ibang lalaki" I said as I am convince.

"Good" she said. I smiled and remember Brent that haven't calling me. "O bakit biglang kumunot noo mo?"

"Hindi ko kasi makontak si Brent tapos diko ma gets yung last message niya sakin" I said.

"Baka naman----"

"Hi" natigil kami sa pag uusap ni Mae nang dumating sina Jen at Lizzy at batiin kami.

"Awwww I can your sadness Kriza" kunot noo lang akong nakatingin kay Jen at hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya.

"Gusto mo maging sad talaga yang mukha mo forever?" mataray na sabi ni Mae

"Easy" awat ni Lizzy "Gusto lang namin pagaanin ang nararamdaman ni Kriza"

"Anong bang mga sinasabi niyo? Mga adik ba kayo?" I asked

"Wag kana nga mag deny. Alam na namin Kriza" sabi ni Lizzy

"Anong alam niyo?" tanong ni Mae

"Na wala na si Kriza at Brent" sabi ni Jen. Never naman kaming umamin ni Brent sa kanila pero alam kong alam na nila na may something samin ni Brent. "Here oh" she face me her phone. Nagulat ako ng makita ang post ni Madeleine sa IG kasama si Brent, si Greg at ang jowa nito. "Magkasama sila lagi two nights na. Sabi ko na nga ba at hindi ka talaga papatulan ni Sir Brent" sabi ni Jen

Wala akong nasabi at gulat padin ako sa nakita kong post. Nakatulala padin ako at nag iisip.

Umalis sina Jen at Lizzy na nagtatawanan.

Relationship in BedWhere stories live. Discover now