Nagluluto ako ng adobong manok para sa tanghalian namin. Hindi pa din kasi ako nag aalmusal dahil wala kong gana kanina na bumangon.
Nakapasok na din si Matmat sa school, last na pasok na niya ngayong friday at next week prepare na lang sila for graduation.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya sinilip ko kung sino ang pumasok.
"Wala ulet kayong teacher?" Tanong ko ng makita si Clyde na humiga sa may sala. Tiningnan lang niya ako sandali tapos nagtakip na din siya ng mukha gamit ang braso niya. I smirked. Attitude talaga tong batang to. Kung kapatid ko to napingot ko na ang tenga neto.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na din Matmat. Half day lang daw sila dahil wala na naman daw gagawin sa school.
"Tiya, nagluto na ako kumain na po tayo" aya ko kay tiya pagkarating na pagkarating niya. Pansin ko ang kunot na noo niya.
Tiningnan lang niya ako at nagmamadaling lumapit samin sa kusina. Kasalukuyang nakaupo na kami ni Matmat at si Clyde ay kain na ng kain.
"Hoyyy" sigaw ni Tiya kay Clyde na kinagulat nito. "Bakit nandito ka? Hindi ka pumasok?"
"Pu-pumasok ako. Half day lang kami kasi walang teacher" paliwanag ni Clyde pero bakas ss bosea niya na kinakabahan siya.
"Sinungaling kang bata ka" nagulat ako ng mahampas ni tiya si Clyde sa balikat.
"Tiya itigil mo yan" i said as I stand
"Wag ka makikialam kung paano ko disiplinahin ang anak ko" sabi niya sakin. Nagtaas ako ng kamay na para bang sumusuko sa pulis at naupo na ulit. "Ikaw na bata ka matagal ka ng hindi pumapasok dahik suspended ka. Hinge ka ng hinge sakin ng baon saan mo dinadala ha? Kala mo ba pinupulot ko lang ang pera ha?"
"Nay" paawang sabi ni Clyde.
"Wag mo akong ma Nay nay. Siraulo kang bata ka" inis na pinalo na naman ni Tiya si Clyde.
"Tiya tama na yan. Wala na kayong magagawa kahit bugbugin niyo pa yan" ssway ko
"Alam mo?" Natigil si tita at nagtatakang tumingin sakin "Alam mong suspended na ang batang to?" Hindi ako nakapag salita. Tumingin siya kay Matmat "Ikaw! Alam mong pasok baon lang tong pinsan mo pero dimo sinabi sakin? Niloloko niyo ako"
"Tiya hindi naman po sa ganon. Sinubukan ko naman pong sabihin noon pa, pero pinagalitan niyo lang ako at sinabing sinisiraan ko si Clyde na nagdadamot lang ako sa padala ni ate" Matmat explained na kinakurot ng puso ko.
Huminga ng malalim si Tiya at hindi nakasagot pa.
"Ano bang ingay niyo? Nasa labas palang ako rinig na rinig ko na ang talak mo Mercy" galit na sabi ni Tiyo nang makapasok na siya sa loob ng bahay.
"Mabuti naman at nandinto kana" sabi ni Tiya na halatang galit na galit padin. "Etong magaling mong anak namana ang kagalingan mo. Matagal na palang suspended dahil nahuling nagsusugal sa loob ng school. Sa daming mamana sayo kaadikan pa sa sugal"
"Hoy wag mo sakin isisi ang nangyari sa anak mo, kasalanan mo yan hindi mo binabantayan ang anak mo" sagot ni Tiyo.
Napapa iling na lang ako sa sagutan nilang dalwa. Nawalan na ako ng gana sa pagkain, gutom na gutom pa naman na ako.
"Anong gusto mo bantayan ko yan habang nasa school? Ano yan elementary? Saka ako lang ba may anak diyan?" sagot ni tiya.
Napakamot sa ulo si Tiyo at galit na galit "Ikaw" turo niya kay Matmat na kinataas ng kilay ko "Hindi mo ba alam nangyayari sa pinsan mo. Imposibleng hindi mo alam" ngayon naman sa kapatid ko ibubuntong ang mali ng anak niya. "Bakit hindi mo binabantayan ang pinsan mo? Nakakatanda ka sa kanya. Babantayan mo lang, yun na nga lang ang kapalit nang pagpapakain sayo dito"
YOU ARE READING
Relationship in Bed
General FictionWhat are you gonna do if you fall in love with a guy who just likes you when you are naked in bed? Would you like to continue your feelings or you will decide to stop what you have with him? What if there's a guy that you will meet and can change...