AYOKO NA

5.1K 48 0
                                    

Ala una na nang hapon pero nakahiga pa din. Nakaalis na din si Mae para pumasok sa trabaho.

Off ko ngayon kaya nakahiga lang ako at walang ganang tumayo sa kama. Mas gusto ko ang humiga at matulog maghapon para naman makabawi sa puyat ko gabi gabi.

"Nagugutom na ako" I murmured. Inangat ko ang katawan ko at naupo sa kama. "Pero tinatamad ako lumabas nang bahay para kumain" I scratched my head and lay down my body again on my bed. "Sana may lalaki na magdadala sakin nang pagkain" and I cried so loud. Isang iyak na wala namang luha na lumalabas.

Naubos na ang mga luha ko. Naubos na sa maling tao. Sa isang tao na dapat hindi ko naman talaga iniiyakan at binibigyan nang halaga.

Nakakaloka mas nagugutom ako sa mga iniisip ko.

Sa pagkakataong ito ay tumayo na ako nang tuluyan. Lumabas na ako nang kwarto at dumeretso sa kusina.

"Buti na lang Mae kaibigan ako" I smiled as I lift up the covered over the plate on the table. Nagluto si Mae nang adong manok. Buti na lang at hindi ko na kailangan pang lumabas.

Kakain muna ako bago ko i text si Mae nang pagpapasalamat ko sa pagtitira niya nang ulam sakin.

Sumandok na ako nang kanin sa plato ko at saka naupo sa bangko at nagsimula na akong kumain.

Hi. Mae tapos na akong kumain. Salamat sa adobong manok mo.

I texted her. Hindi na din ako nag abala pa na intindihin kung magrereply ba siya dahil alam ko namang busy na siya sa work niya.

Nanuod na lang ako nang tv sa sala habang nakahiga sa sofa.

Wala man lang magandanh palabas.

Sana may lalaking nag aaya sakin manuod nang sine. Kahit kailan hindi kami nanuod nang sine. Hindi kami kumain sa labas. Sa tuwing yayayain niya lang ako ay papunta sa kanila at magkakainan kaming dalwa.

Ano ba naman tong naiisip ko? Puro kalandian. Hindi kaya namimis ko siya?

Tumayo ako sa sofa at dumeretso sa may drawer sa kusina. Tumingin ako nang pagkain at naisip kong kumain nang chips.

Sa pagbalik ko sa sofa ay narinig ko ang message tone nang cellphone ko.

Akala ko si Mae ang nagreply hindi pala.

Kamusta day off?

I just ignore his message, Stanley's message.

Then another message pop up.

Nakapagpahinga ka ba nang ayos?

Ignore again and I just continue watching the Avengers End Game.

Kita tayo later?  Mis na kita!

Mukha mo.  Miss mo lang mga galawan ko e.

Just rolled my eyes and ignore again his messgae. 

Sakto lang ang pinapanuod ko samin dalwa. Kailangan na namin tapusin ang lahat. Wala namang kami kaya dapat hindi na ako sumama pa sa kanya. Hindi ko na dapat pa siyang isipin.

Nagpatuloy na lang ako sa panunuod nang tv hanggang sa matapos ang palabas.

Nagluto lang ako nang noodles at saka pumasok na ulit sa aking kwarto. Nahiga ako at nagpasya na matulog na ulit.

Alas nwebe na nang umaga nang magising ako.

Lumabas ako nang kwarto para ako naman ang magluto nang tanghalian namin ni Mae.

Nagluto ako nang corned beef na may patatas. Buti na lang may stock kaming patatas.

"Wow. Nagluto ka?" Di makapaniwalang tanong ni Mae. Gising na pala siya. Kasalukuyan ako ngayong naghahanda na nang pagkain sa lamesa. "Naka isa ka ba kagabi kaya hindi ka man lang lumabas nung tinetext kita pag dating ko?" siningkit pa niya ang mata niya.

Relationship in BedWhere stories live. Discover now