Chapter 20: Pride?

83 8 1
                                    

Tuloy-tuloy lang kami sa pag lalakad
Kahit na Sobrang dilim parin,
Kung hindi kami alisto ay maaari
Kaming mapahamak ulit gaya kanina.
Nauuna sila Aquila habang si
Draigh ay sinasabayan na ako,

Tahimik at tunog ng mga nag liliparang
Paniki lang ang maririnig,
At sobrang lamig parin.

Nasa paanan pa lang kami ng bundok
Pero may sugat na ako, Isa pa ay
Dalawang araw lamang ang binigay
Saakin para mapuntahan ang templo,
Kung saan sinasabi nilang naka himlay
Ang aking ina...

"Gusto niyo bang mag pahinga muna?"
Wika ni Alger bago kami sabay-sabay
Na huminto sa pag lalakad,

Duon ko lang din napansin na may mga
Sugat din pala sila, Si Aquila ay may
Kalmot sa hita at sa dibdib naman ang
Kay Alger, Si Draigh lang yata ang
Walang galos na malala.
Napaiwas na lang tuloy ako ng tingin,
Bakit ba kailangan pa nila akong
Samahan eh hindi ko naman hinihingi
Ang tulong nila?

Naupo kami sa ilalim ng puno,
Nananatiling naka bantay sa paligid.
Sa totoo lang ay nakakapagod mag
Lakad nang may sugat at madilim pa
Ang paligid, ayaw sumang ayon ng
Katawan ko para mag kalakas.

"Kailangan nating magamot yung
Mga sugat niyo, baka maubusan
Kayo ng dugo" Malamig na wika
Ni Draigh

"Saan naman tayo hahanap ng
Gamot dito?" Tanong sakaniya ni
Aquila na napapapikit dahil siguro
Sa malalim niyang sugat

Hindi ko talaga inaasahang
Mararanasan ko pa ang ganito.
I can't remember the last time i bleed.

"Ako na ang mag hahanap"
Tumayo si Draigh at agad na pumasok
Sa gubat.

Kaya ang ending, kaming tatlong
Sugatan tuloy ang niwan dito.
Hindi kami nag papansinan at
Sila lang dalawa lang ang nag
Bubulungan, As if may pake ako
Kung anong pinag uusapan nila no.



Ilang minuto pa kaming nag hintay
Kay Draigh bago siya dumating,
May mga dahon siyang dala at
Isa isang lumapit saamin,
Binigyan niya sila Aquila at Alger
Bago siya lumapit saakin at
Marahang inangat ang braso ko,
Tinanggal niya ang kapirasong tela
Na inilagay niya duon kanina at
Itinapal ang mga tahong dala niya sa
Sugat ko, Pumiraso ulit siya ng tela
Sa damit niya para ipang tali sa braso
Ko. Habang ginagawa niya yon ay
Tahimik lang akong naka masid sakaniya.

Para bang nakikita ko ang dating Cort
Na minahal ko sakaniya...

Ipinilig ko na lang ang ulo ko,
Ano ba itong iniisip ko?


"Stop staring at me Goddess Laima"

I cleared my throat in realization,


"Sa braso ko ako naka tingin"
Pag tanggi ko sa paratang niya
Bago siya irapan

Nang matapos niya akong gamutin
Ay tumayo na kami, ganun din sila
Alger na may tapal na din ang sugat,
Nag patuloy na kami sa pag lalakad,
Hindi ko alam pero pakiramdam ko
Ay mas pakapal ng pakapal ang mga
Hamog sa paligid namin habang
Papalayo kami, Mabato na din ang
Tinatapakan namin.


"Hindi ko alam kung umaga pa ba
O gabi na" Biglang wika ni Aquila


"Baka alam namin" Bulong ko
Na paniguradong narinig nila

"Ano bang problema mo huh?!
Laima?" Mataray siyang humarap
Sa akin kaya napatigil sila Draigh
Sa pag lalakad

"Kanina ka pa huh! Pinapalagpas
Ko na lang pero napipikon na talaga
Ako sayo" Dagdag pa niya kaya
Tinaasan ko siya ng kilay


Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon