Chapter 9: Ice Manipulator

210 15 10
                                    

Elemental Type...

Tumalikod ako kay Morine at nag teleport na papunta sa kwarto ko iniwan siyang tulala at puno ng katanungan.
Aalamin niya ang sagot sa tanong niya.
Pero ang totoo...Wala naman talagang sagot. Tanong lang ang palaging mananatili pero kahit kailan...Hindi mabibigyan ng kasagutan.
Ang mga istudyanteng yon ay ispesyal... sigurado akong may dugong bughaw ang mga yon...

Pero sigurado din ako na...Hindi sila galing sa Enchantria...

After an hour bumalik na kami sa field.
Grupo ni Alger ang mauuna ngayon.
Ang Citrine. Ang grupo na pinamumunuan ni Alger ay mga istudyanteng walang elemental type na Charm. Sa pag kakaalam ko.
Pero may pambihirang lakas sa pakikipag laban. Itinuon ko ang atensiyon ko sa miyembro ng Citrine ngayon. Lahat ng istudyante ang may magandang tindig at kahit na wala silang kapangyarihan gaya ng mga nauna ay sigurado naman ako na may ibubuga silang lakas.
Si Alger ang Leader nila,
Semi-god of battles. Sinong makakapag sabing mahina sila?

Tinignan ko yung lalaking umabante, Mukhang siya yung una.
Seryoso at walang mababakas na kaba sa mukha. Ngumisi ako.

Maling mali kung kukuha lang sila ng tatlong leading stone.
I should suggest na bawat stones ay kumuha ng miyembro.

Iba ang galaw ng kamay at paa niya malakas at parang humihiwa sa hangin ang bawat suntok na ginagawa niya.
Hangang sa tumalon siya ng mataas sa ere at sinuntok yung lupa!
Naningkit pa ang mata ko nang makita na bumaon yung kamao niya sa lupa.
Pumalakpa kami. Malakas nga.

Evander Zale...
790 pts.

Nag bow siya at sumunod sakaniya ay isang babaeng may buhok na hangang balikat at gaya ni Evander ay mayroong seryosong mga mata ngunit singkit.
Parang habang nag lalakad siya papunta sa gitna ay sumisigaw ng lakas ang bawat hakbang niya. Nakakamangha.

Nagsimula siyang gumalaw gaya ni Evander ay sabay ang paa at kamay niya na tila nag sasayaw lang.
napaka gaan ng bawat galaw niya at halos wala kang maririnig sa bawat kilos na gagawin niya. Pero nuong sumuntok siya sa ere ay napa atras ang mga ka-grupo niya na para bang may nalakas na pwersa siyang binitawan na hindi nakikita.
Nag bow siya pagkatapos non.

Brianna Firm.
810 pts

Isa ako sa pumalakpak.
Sumunod ay lalaki pero napa kagat na lang ako sa labi ko ng mukhang hindi niya alam ang gagawin. Maski si Alger ay naoa sapo sa ulo niya.
Ending 65pts lang ang nakuha niya.
Tinawanan pa siya ng iba kaya pinatahimik sila ni Cort.
Isa parin siyang nirerespetong prinsipe...

Grupo na nila Aquila ang sumunod.
ang mga miyembro na Zircon ay grupo ng mga shape shifters kaya maraming excited na makita kung paano sila mag palit ng anyo.

May naunang isang babae na taas nuong nag lakad papuntang gitna.

Iginala ko ang paningin ko, Lahat ay tahimik, Lahat nag hihintay sa mangyayari.
Gusto kong matawa pano ba naman kasi napaka seryoso nila. Natatawa kong ibinaling ang paningin ko at saktong nag tama ang paningin namin ni Cort.
Tinitigan ko siya yung nang iinsultong tingin bago ako ngumisi.

Tumingin na lang ako sa screen kung saan nakita yung pangalan nung babae na galing sa Zircon.

Fauve ardent.

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon