Chapter 10: Fire

205 11 2
                                    

SHORT UPDATE!

Author's Note: So bago kayo mag basa
Hi muna! since malapit na ulit magkaroon ng klase kahit na online class pa yan mukhang mahihirapan tayong humanap ng time mag basa ano? Hhahaha,
Kung mabagal ang update ngayon, Asahan niyo na babagal pa pag dating siguro ng september?
Basta babagal. pero maiipon siya sa drafts wag kayong mag alala.

So yun lang, pero mag u-update parin ako easy lang :>

ENJOY READING!

________

Nag lakad-lakad muna ako tutal mamayang dinner pa naman namin makakasama yung mga naka taas sa rank leveling. Pag hihiganti ko dapat ang inaatupag ko pero heto ako.
Isa sa leader na mag tuturo sa istudyante ng Charm Academy.
Napatigil lang ako bigla nang sumabit yung dress ko sa tinik ng rose bush,
Habang inaalis yung telang sumabit ay nadaplisan nung tinik yung daliri ko kaya dumugo pinanood ko kung paano mag hilom yung sugat...

Diyosa na nga ako...
Ng....Kapalaran...

Biglang may pumasok na ideya sa utak ko.
Para malaman ko kung paano naging hari si cort ay dapat mahawakan ko siya...
Duon makikita ko ang nakaraan...Tama...

Nag lakad ako hangang sa fountain
at tinanaw yung papalapit din na anino...Hangang sa tumapat siya saakin pero hindi niya napapansin dahil nahaharangan kami ng tubig na umaagos paibaba ng fountain.

Si Cort...

Umikot ako para mapunta sa side niya,
napansin ko na medyo nagulat siya pero hindi niya ipinahalata.
walang umiimik saamin na siyang ikina-taas ng kilay ko.

"King Cort... Isang kawalan ng respeto ang hindi pag bati sa diyosa" Sarkastika kong wika

"Patawad sa aking kahangalan
Goddess Laima, Magandang hapon sainyo" Yumuko pa siya ng kaunti kahit na ang sarkastiko nung pagkakasabi niya

"Magandang hapon din" Peke akong ngumiti

Gustong-gusto ko siyang gilitan sa leeg ngayon din mismo pero pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Sigurado din naman ako na hindi niya na nababasa ang laman ng isip ko dahil iba na ang antas naming dalawa sa Enchantria...

"Lauren..."

Nanatili akong naka tingin sa tubig...
Lauren my ass.

"Mahal kita...Alam mo yan" panimul niya

Natawa ako bago tumingin sakaniya

"Mahal? nasaan? ilang taon? naloko ka" Mas natawa ako

"Lauren..."

"Lauren ka ng lauren, Lapastangan" Nanlisik ang mga mata ko sakaniya

"Minahal mo ba ako?"

"Ako ang tinanong mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko pabalik sakaniya

"Sana sinabi mo...San gumawa ka ng paraan nung araw na yon" Wika niya, Hindi makatingin saakin ng diretsyo

"Ako?...Wow...So kasalanan ko pala?
Kasalanan ko na ang tatanga niyo?
Kung mahal mo talaga ako at itinuring akong kaibigan nila Atina,..Makalimutan man ako ng isip mo pero sana yung puso mo hindi..." Nag iwas ako ng tingin, Pinipigilan ko ang sarili kong sumabog sa galit

"Alam mong hindi ganon kadali yon" Dipensa niya

"At sa tingin mo para saakin madali?" Tumingin ako ng dirertsyo sa mga mata niya

"Ano bang pwede kong gawin? what can i do for you to forgive me?"

Dahan-dahang pumorma ng ngisi
ang labi ko...

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon