Chapter 4: Hatred

247 13 3
                                    

Abala ako sa pag lilinis ng espadang gagamitin ko mamaya...
Gusto ko ay iyong makintab...
Para makikita kung gaano ka dumi ang dugo nila...

Akala ko kasi hindi na masakit para saakin.
Akala ko wala na yung sakit at handa na ako sa muling pag kikita namin.
Hindi pala.
Nandito parin yung sakit.
Nandito parin yung lungkot.
Lahat...Lahat-lahat...

Magiging sapat kaya ang digmaang gagawin ko?
Masasaktan ko kaya sila gaya ng sakit na ginawa nila saakin?
Sasaya kaya ako?
Nawala saakin lahat. Tama lang na magalit ako hindi ba?
Tama lang na umabot sa sukdulan ang galit ko.

Tumayo ako at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.
Ibang-iba na sa Lauren na kilala nila.
At ibang iba na din sa Lauren na kilala ko.
Ako na si Laima...Hindi ako nag sisisi...
Wala akong pag sisisihan...Sigurado ako.
Hinawakan ko ang sarili kong pisngi...
May namuong luha sa mata ko.

"Laima...Gagawin mo to dahil sa ginawa nila sayo. Hindi ka nila pinag laban, Laima...Hindi ka dapat umiiyak" Wika ko sa sarili

Bakit ba umiiyak ako?
Bakit hangang ngayon ang sakit-sakit!

Dumungaw ako sa bintana at tinanaw ang libo-libong sundalong nilikha ko.
Itutuloy ko ba?
Hindi dapat ako naduduwag!
Patay na ang Lauren na may awa.
Patay na siya at ako mismo ang nag libing sakaniya...

Nag teleport na ako,
Sa boarder ng Dark castle at White castle...
Duon nag hihintay sila Cort.
Walang ibang kasama kundi sila lang.
Ang tatapang naman ng mga to?
Handang handa mamatay.

"Lauren"

Nagulat ako ng lumitaw na lang si Cort sa harap ko at bigla akong yakapin!
Itinulak ko siya kaagad at tinutukan ng espada sa leeg.

"Huwag mo akong hahawakan.
Ang Lauren na sinasabi mo ay matagal nang patay..." Naka ngising sambit ko

Nakita ko ang gulat at pag tataka sa mga mata niya.

"Nag bago ka" Usal niya

"Binago niyo ako. Hindi ka ba natutuwa?
Hindi ka ba masaya na ang pag bibintang mo saakin na ako si Natasha ay nag katotoo?...Itinayo ko ang Dark Castle...Hindi ka ba masaya?" Sarkastiko kong tanong

"Lauren. Hindi ikaw yan" Seryosong sabi niya pa

"Dahil hindi nga ako si Lauren! Ako ang diyosa ng kapalaran! Ako si Laima! at hindi na babalik ang lauren na sinabi mo!" Mariing sigaw ko

Nag alab ang galit sa dib-dib ko.
Umapoy ang espadang hawak ko kasabay ng pag babago ng kulay ng mata ko.

"I'm sorry..." Bulong niya na halos hindi ko na marinig

Tumawa ako, Tawang nakaka baliw sa lakas.
Lumungon ako sa likod ko at napangisi ng malawak

"SUGOD!!!" Malakas na sigaw ko

Nag liwanag ang likod ko at duon lumabas ang pak-pak ko na gawa sa yelo.
Lumipad ako sa ere upang makita ang magandang palabas na inumpisahan ko.
kasamang nakikipag laban sa ibaba si Morine.
Mukhang may galit din sa mga kaibigan.
Hindi ko siya masisisi.
Pinalayas pala siya ng enchantria dahil sa suhestiyon niya nuon kila Cort na ako ang totoong Lauren.

Nasa ilalim man sila ng kapangyarihan o wala. Mas naniniwala ako na makikilala nila ako sa pamamagitan ng puso nila.
Pero sadyang hindi niya ako minahal.
Kumuyon ang kamao ko at ibinulusok ang sarili ko paibaba.
Lumikha iyon ng malaking pag sabog.
Tumagos ang katawan ko sa luoa pero protektado ako ng aking mga pak-pak

Tumayos ako at pinagmasdan sila na tunalsik.

May mga sugat at galos sa katawan.

"Lauren! Morine! Ano bang ginagawa niyo?!" Sigaw ni Margo habang duguan ang braso

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon