Chapter 18: No Regrets

90 10 4
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata,
Tila nanigas ako sa aking nakita,
Nanginig ang aking kalamnan at hindi
Magawang makagalaw sa mga
Tumambad saakin,

Naka luhod sa harapan ko si Atina
Habang yakap yakap siya nila Cort,
Sa gilid nila ay nakatayo si morine
At nasa akin ang tingin, animo'y nais
Akong pigilan,

Lahat ay naging yelo,
Tumigil ang pag bagyo ng nyebe
Ngunit naging yelo naman ang lahat,
Maging sila Atina...ang academy...

Tinignan ko ang mga palad ko,
Nanginginig ito at tumutulo mula
Sa kamay ko ang tubig na natunaw
Mula sa yelo na aking nilikha.


"Laima..."


Napatingin ako sa tumawag saakin,
May biglang sumiklab na buhay
Sa aking dibdib at dali daling
Hinanap ang pinang galingan ng tinig,


"Draigh,..H-Hindi ko sinasadya--"

"Anong nangyari dito?!"

Napatingin ako kay aquila na
Bigla na lamang lumitaw kasama si alger,


"H-Hindi ko alam, w-wala akong
Alam!" Napahawak ako sa aking ulo


"Ikaw ang may gawa?"

"Hindi ko sinasadya!
Hindi na ako kinikilala ng Enchantria!
Wala na akong magawa! Maski ang
Pananakot ko ay walang epekto,
Nais ko lang naman na tanggapin nila
Ang desisyon ng kanilang reyna!"


Nangingilid na ang luha ko,
Ano ba itong nagawa ko?...

"Hangal ka!"


Halos tumilapon ako nang
Biglang makatangap ako ng malakas
Na sampal mula kay aquila,
Hindi ako nasaktan pero sa sobrang lakas
Ng pwersa ay tatlong beses akong
Napa hakbang paatras,

Napatingin ako sa diyosa na nag
Liliwanag ang mata, lalapit pa sana
Siya nang pigilan siya ni ager at
Pumunta sa harapan ko si Draigh,

"Ikaw pa naman ang reyna!
Paano kikilalanin ang gaya mong
Makasarili?!" Matinding sigaw ni
Aquila na tila umugong pa ang lupa,

Napakuyom ang kamao ko,
Alam ko...alam ko!
Pero wala akong pakialam.

Ito na nga siguro ang tamang pag
Kakataon ko, ibinigay na sa akin
Ang panahong ito, nakapag higanti na
Siguro ako. Tama lang sakanila na
Maging yelo--

Pero...si morine,


Lumapit ako sa katawan niya,
Nag yelo na nga talaga siya...


"Laima, sumama ka saamin
Kailangan kang dalhin sa templo.
Walang kapatawaran ang ginawa mo"

Napatingin ako kay alger,
Naka iwas ang tingin niya saakin
Ngunit ang mga kamao ay naka kuyom.

"Bakit naman ako susunod sainyo?"

Pansin ko na nagulat sila
Sa isinagot ko, akmang aalis na ako
Nang hawakan ni Draigh ang braso ko
Kaya masama ko siyang tinignan,
Nilabanan niya ang tingin ko gamit
Ang malalamig niyang mga mata
At seryosong mukha na siyang
Ikinatigil ko,

"Bitawan mo ako" Walang emosyon
Kong utos sakaniya pero nanatili
Ang malalamig na titig niya

"Sumama ka na lang Laima"

Sa unang pagkakataon,
Kinilabutan ulit ako,
Nakaramdam ulit ako ng kilabot...
Para bang umuugong ang sistema ko,
Hindi na alam ang isasagot sakanila.

Sa huli ay wala din akong nagawa,
Sabay sabay kaming nag teleport sa
Templo ng mga diyos at diyosa,
Nagulat pa ako nang madatnan namin
Silang lahat na kumpleto,
Nakatayo sa gitna nila si Goddess Cashmir
Na nag liliwanag ang buong katawan.
Lumulutang ang buhok sa ere at nakapikit,

Nang mag mulat ito ay saakin tumama
Ang matatalim niyang tingin,
Purong ilaw ang lumalabas sa mga
Mata niya, napatingin din sa gawi namin
Ang iba pa,

Nagulat ako nang lumitaw na lamang
Bigla si Goddess Fyra at isang napaka
Lakas na sampal ang natanggap ko,
Napa atras ako sa lakas ngunit matalim
Na tingin ang ipinukol ko sakaniya
Na ikinagulat niya.

"Alam mo ba ang kahangalan na iyong
Ginawa?! Hindi mo na iginalang
Ang kaharian ng namayapa mong
Ina! Ang Mahal na Diyosang si Nathalia?!"

Natigilan ako...

"Namayapa?" Naguguluhang tanong ko

"Hindi mo alam? Ahh...
Ang utak mo kasi ay lusaw na sa
Pag hahangad ng pag hihiganti!
Ang kapangyarihan niya maging ang
Pagiging imortal niya ay inalay niya sayo!
Kaya ka nga naging diyosa, ang akala
Kasi ng dating reyna ay mayroon kang
Magandang plano para sa ikauunlad
Ng kahariang iniwan niya sayo,
Pero anong ginawa mo? Nung maging
Ganap ka na Diyosa ay hindi mo
Manlang nilapitan at kinausap ang
Iyong ina!" Nag aalab na sigaw saakin
Ni Goddess Fyra,


"Hindi ko maintindihan...Bakit?"
Namumuo na ang luha sa mga mata ko

"Bakit hindi ninyo ipina alam saakin?!"
Malakas na sigaw ko

Mas nabuhay ang galit saakin,
Ngunit bago pa man ako maka kilos
Ay pinalibutan na ako ng mga Diyos at
Diyosa at sa isang iglap lang ay may
Nakatutok na sa leeg ko na mga
Espada, Naikuyom ko na lang ang
Kamao ko, maaari ngang imortal ako,
Pero sa oras na tumarak saakin ang
Mga armas ng mga Diyos at Diyosa,
Tiyak na mamamatay ako.

"Hindi ba't pag hihiganti agad ang
Ginawa mo nang maging diyosa ka?
Tanda mo naman na digmaan agad
Ang ginawa mo! Paano namin
Sasabihin sayo na wala na ang iyong
Ina kung wala ka din namang balak
Makinig?!"

"Huwag mo kaming gagalitin Laima,
Kung gusto mo ay dalawin mo ang
Iyong ina bago ka namin hatulan
Ng kaparusahan sa ginawa mo...
Isa pa, ang sumpang inilagay mo sa
Buong kaharian ay kailangan mong
Tanggalin pag balik mo"

Lumayo na sila saakin,
Nanatili sila Draigh sa likuran ko
Habang naka harap ako sa altar.

"Draigh,...Aquila at Alger, Inaatasan ko
Kayong tatlo na samahan si
Goddess Laima sa Templo ng mga
Patay, sa loob ng tatlong araw ay
Dapat nakabalik na kayo ng enchantria,
Goddess Fyra ikaw ang mag bukas ng
Tarangkahan papasok sa bundok kung
Nasaan ang templo"

Ang Templo ng mga patay...
So wala na nga talaga si mommy?
Patay na nga talaga siya?
Kinagat ko ang ibabang labi ko
Para pigilan ang ngisi ko...



Mga hangal...


Bago kami lumabas ng templo ay
Muli akong humarap sakanila,
Mayroong malaking ngiti sa aking
Mga labi...naka kunot naman ang
Kanilang mga nuo, pansin din sa mukha ni
Goddess Cashmir ang pagka bahala,


"Para sabihin ko sainyo...
Hindi ko pinag sisisihan ang ginawa ko"

Tumalim muli ang tingin nila saakin,


"Malalaman natin sa pag balik mo,
Lauren..." Ngumiti saakin si Goddess
Cashmir na ikina asar ko





Hindi mangyayari yon...
I will never regret anything...










______________

Hi lovies! So yeah,
Dapat kahapon ko pa to na update
Kaso narealize ko wala pala akong
Internet HAHAHA, so here ya go!
Please keep supporting our
Sabrina Winter kahit madami siyang
Pangalan :)

Take care lovies!
Lovelots!

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon