Chapter 14: Villain

161 11 7
                                    


Ang pag bagsak ng apoy

Nag teleport ako sa kaharian nila cort at di kalayuan ay Nakita ko siyang naka luhod sa mga mamamayan ng enhantria habang naka yuko sa lupa at naka kuyom ang mga kamao.
Nag lakad ako palapit sakaniya. Tila may dumaang anghel at natahimik ang lahat. Inangat ko ang ulo ni Cort gamit ang isang daliri ko dahilan para mag tama ang mga mata naming. Tumitig ako sakaniya at saglit na nagulat dahil ang mga mata niya ay tila bumalik sa dati…walang emosyon….malamig ang mga tingin niya hangang sa hawiin niya ang kamay ko.

“Sana…masaya ka na. Lauren”

Natigilan ako sa bulong niya at napa iwas ng tingin.
Tama siya…dapat ay masaya ako dahil naisagawa ko na ang unang hakbang ng pag hihiganti ko…pero…Bakit nasasaktan ako?

Hinarap ko ang mga nanonood na taga bayan saamin.
At ini-angat ang kanang kamay ko sa ere kasabay ng paglabas duon ng inerhiyang mistulang ilaw kung titignan.

“Mula sa araw na ito…hindi na kikilalanin bilang hari si Prinsipe Asher Cort…Ito ay isang utos mula sa reyna ng enchantria…Ang bumaliwala sa kautusan na ito ayMamamatay

Nag-singhapan ang mg tao habang gulat ang tingin saakin ng iba. Nag bulungan sila at yumuko na lang ang ilan sakanila habang naka-kuyumos ang mga kamao. Hindi ako matignan ng masama....

Ako ang nakikita nilang masama dahil wala silang alam sa pinag daanan ko...
Walang may alam sa naramdaman ko nuong mga panahong yon kaya ako ang masama ngayon para sa paningin nila

Bumuntong hininga ako bago mag teleport paalis, ayokong tumingin sakanila na parang kasalanan ko pa na sila ang unang tumalikod saakin.
Ayokong ulit-ulitin ang dahilan ko na iyon, masyadong masakit para alalahanin ng paulit-ulit. Sa dark castle ako dumiretsyo at duon ibinuhos ang pagka-dismaya at galit ko.
Unti-unting gumuguho ang kastilyo pero wala akong tigil sa pag wawala.

Kung umpisa pa lang hindi ko nalamang ako ang nawawalang prinsesa ng enchantria, Kung umpisa pa lang sana nalaman kong masasaktan lang ako ng ganito sana hindi nalang ako nag mahal! Sana hindi nalang ako napunta ditto at nanatiling normal na lang sa mundo ng mga tao!

“Bakit mo pag sisisihan ang mga bagay na tapos na?”

“Bakit ba lagi kang nangengealam? At anong Karapatan mong basahin ang laman ng isip ko?!” Malakas na sigaw ko bago siya batuhin ng ice spikes

“Hanga’t nakikita kitang manhid habang pinapatay sa sakit yang puso mo mangingi-alam ako, yun ang bilin saakin”

Nagulat ako nang mag teleport siya sa likuran ko.

“Draigh…Ayoko sa lahat ay yung pakialamerong gaya mo.
Lumayas ka sa kastilyong ito kung ayaw mong sayo ko ibuhos ang galit ko”

“Laima…tsk” Umiling iling siya na tila may gusto pang sabihin pero sa halip ay nag teleportnalang siya paalis

Hangang sa patuloy akong nasasaktan mag hihiganti ako hangang sa makakaya ko, kahit na buhay pa nila ang maging kapalit o magalit man ang lahat saakin.

Malakas akong sumigaw dahilan para tuluyang gumuho ang kastilyo at masunog ang buong paligid

“Sabi na nga ba nandito ka lang, ano bang nagyayari sayo?! Maraming nag wawala sa white castle at ikaw naman ang nais patalsikin bilang reyna dahil sa ginawa mo kay Cort!
Hangang saan aabot yang pag hihiganti mo?!”

Nagulat ako nang si morine naman ang sumulpot

“Nag sisimula pa lang ako--!”

“Wala akong paki-alam kung nag sisimula ka pa lang o ano! Lauren naman!...Alam ko ang dahilan mo at galit din ako!
Pero ang iniisip ko ang magiging tingin sayo ng mga tao. Lauren…” Maluha luha siyang sumigaw sa harap ko

“Nag labas ako ng kautusan kanina”

“At papatay ka nga?!”

Pilit kong hindi iniintindi lahat ng sinasabi nila, pilit kong binabaliwala at sa pag pikit ko Nakita ko ang pag babago ng anyo ko… hangang sa maalala ko ang panaginip ko…

Yung itim na reyna….yung itim na reyna na nakita ko sa panaginip ko…ang reyna ban a iyo ay…ako?

Nanlaki ang mata ko at napa-hagulgol ako

Bakit baa ko umiiyak?! Dapat ay masaya ako sap ag sisimula ng pag hihiganting pinag handaan ko ng ilang tao…

Bakit nasasaktan na naman ako?!!

Ako ba ang sanhi ng pagka-wasak ng enchantria na Nakita ko sa aking pangitain?

________

The next chapter will be Lauren's last POV
Mag papalit po tayo ng POV so waittt langzz!

Anyway im so sorry na half month ako walang update. Start na po ng ating mga klase kaya kailangang isantabi muna ang wattpad HAHAH

The next update will be tomorrow midnight, still working on it.

Thankyou sa mga nanatili at nandiyan pa HAHAH LOVELOTS!😘

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon