Chapter 5: Charm Academy

270 12 3
                                    

Ang pag babalik sa paaralan
Kung saan nag simula
ang lahat.


"Hindi ako mag tuturo sa paaralang yan"
Pag mamatigas ko

Hindi na ako babalik duon.
Ayoko na sa lugar na iyon...

"Kung hindi sasama si Laima, Hindi rin ako sasama" Wika din ni Morine

"Makinig kayo. Lalo na ikaw Goddess Laima.
Kailangan kayong lahat ng
Charm Academy, Anong masama kung tuturuan niyo ang mga bagong mag aaral ng C.A? Lalo ka na prinsesa Laima"
Pahayag ni goddess cashmir

"Ayokong makasama ang mga yan" Ibinaling ko ang tingin ko kila Cort na tulala.

"May ipapa sama ako sainyo ni Morine" Ngumiti siya

"Sino?"

"God of dragons, God Draigh" 

Lumitaw sa tabi niya ang isang lalaki.
Kaedad ko lang yata? Or mas matanda saakin ng ilang years?
Dahan-dahan siyang tumingin sa direksiyon ko na may mapupungay na mga mata...Ang mga mata niya, Kulay abo...
Itim na itim ang buhok niya, Maganda ang tindig at pangangatawan,
May tattoo siya sa kanang kamay...
Itim na dragon.
Ang gwapo niya! Nasa posisyon ba ako para ma-gwapuhan sakaniya?

Narinig ko ang saglit na pag tawa niya.
Hindi kaya?

(Binabasa mo ba ang isip ko?)
Nakipag usap ako sa pamamagitan ng telepathy

Sumeryoso siya at hindi pinansin ang tanong ko.
May pagka bastos din ang isang to ano?

"Makakasama niyo siya ni Morine sa iisang Dorm samantalang sa ibang dorm naman sila Prince cort, Maayos ba ang ganon?" Wika ni Godess cashmir

Pinag aralan ko ang pagkatao nung Draigh.
Diyos ng mga dragon...

"Bakit hindi na lang po sa iisang dorm?" Tanong ni Lucas

"Sa tingin mo papayag ako?" Tumaas ang kilay ko

"Tumigil kayo.
Kayo ang tagapag sanay na aatasan ko sa Charm Academy upang mag turo sa mga estudyante duon.
Ayokong may mabalitaan na away na mangyayari sa panig niyo.
Maliwanag ba?
God Draigh, Ikaw ang bahala kung gusto mong isama sila Aquila"

"Sino si Aquila?"

"Goddess of eagle, protector of wild" Sagot ni goddess Cashmir

"Bukas na bukas ay gusto ko nasa Charm Academy na kayo. Lalo ka na Goddess Laima"

"Masusunod. Goddess Cashmir" Yumuko ako

Nag laho na siya matapos non.
Kasunod non ay nag laho na din si Draigh.
Inilibot ko muna ang paningin ko hangang sa mag tama ang mga mata namin ni Cort.
Nag tatanong ang mga mata niya pero ang blanko ang ekspresyon ng mukha niya.
Umiwas ako ng tingin at nag teleport na pabalik sa templo ko.

Kailangan ko ba talagang bumalik sa lugar na yon?
Aaminin ko na ayokong maalala ang mga alalalang naiwan sa lugar na yon. Dahil masyadong masakit...

Tumingin ako sa repleksiyon ko sa salamin, Mag tuturo lang ako sa paaralang iyon. Hindi na dapat ako maapektuhan duon. Tapos na ang mga dapat mangyari...
Labag man sa loob ko na makasama sila Cort sa iisang lugar ay wala din naman akong magagawa.
Hindi ito ang pag hihiganting inaasahan ko.
Ang plano ko ay digmaan...Bakit napunta bigla sa pagtuturo dahil sa kagagawan ni goddess Cashmir?

"Ayos ka lang?"

Nilingon ko si Morine na naka upo sa kama ko.

"Bakit naman magiging hindi?" Pag sisinungaling ko

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon