Chapter 3: Godess of providence

268 17 6
                                    

"Bukas na ang araw ng digmaan"

"Bukas na ang araw kung saan hihirangin ka bilang isa sa mga diyosa Laima...
Wag mo munang isipin ang tungkol sa digmaan na pina-plano mo"

"Magiging diyosa ako ng Kapalaran...
At kapag nangyari yon...
Hawak ko na ang hinaharap" Napa ngisi ako

Natahimik si Morine at hindi nalang kinontra ang mga sinasabi ko.
Bumuo na ako ng hukbo.
Hukbo ng mga namayapang sundalo ng Dark castle...
Hindi mo mapapatay ang matagal nang patay.

Namili ako ng isusuot bukas.
Ball gown na kulay itim na pinalilibutan ng kumikinang na mga bato.
At ang korona ko...
Koronang Itim na mayroong nag iisang batong kulay Pula sa gitna...
Sumisimbolo sa kapangyarihan na mayroon ako ngayon.

Nag ensayo ako ng maraming beses
Hangang sa makayanan ko na pag sama-samahin lahat ng kapangyarihang mayroon ako.

"Prinsesa Laima, Lady Morine. Ipinapatawag po kayo ni Godess cashmir sa hapag kainan"

Nilingon ko ang tagapag silbi at tinanguan lamang ito.

Minsang pumasok sa isip ko na palitan
Ang diyosang si Cashmir sakaniyang puwesto...
Maaari kaya iyon?
Nais kong tumawa ng malakas ngunit hindi ko nalang ginawa

"Pinatawag niyo daw kami?...Godess Cashmir?"

"Prinsesa Lauren"

Tinitigan ko siya ng masama.
Ramdam ko ang pag babago ng kulay ng mata ko.
Tinignan ko ang repleksiyon ko sa salamin.
Mula sa asul ay naging kulay kahel ang mga ito.

"Laima...Hindi ako si Lauren" Malamig ang pananalita ko

"Uy, Si godess cashmir yan" Bulong ni Morine

"Anong paki alam ko? Maging sinong diyosa pa siya" Umirap ako

Narinig ko ang pag tikhim ni Godess Cashmir kaya nabalik ang tingin ko sakaniya

"Igalang mo ako Laima" Ma otoridad na wika niya

"Pasensiya na. Godess Cashmir" Sarkastiko kong sabi

"Mamayang gabi ay bebendisyunan ka na"

Napukaw niya ang atensiyon ko

"Akala ko ba ay bukas pa?" Nag tataka kong tanong

"Pina aga nila. Gaya ng sinabi mo"

Tumango na lang ako
Pero ang ngisi sa mga labi ko ay hindi
Maitago.
Sawakas. Makaka kuha na ako ng sapat na kapangyarihan para pag bayarin sila sa kasalanan nila saakin...

Kamusta na kaya sila?...
Kamusta na si Cort?

Nag handa ako buong gabi.
Nag ayos at nag bihis ng marangya.
Ngayong gabi.
Muli akong haharap sa buong enchantria.
Hindi bilang prinsesa.
Hindi bilang reyna. Kundi bilang Diyosa...

Isinuot ko ang korona ko bago humarap sa salamin.
Ibang iba sa Sabrina Winter at Lauren Lopez ang nakikita ko.
Kung nuon ay kulay mais ang buhok ko.
Ngayon ay kahel na...
Kung nuon ay asul ang mata ko.
Ngayon ay kulay na ng nag liliyab na apoy.
Kung nuon puting may halong asul na magarbong damit ang suot ko.
Ngayon ay kulay itim at pilak na...
Maraming nag bago.
At patuloy na mag babago...

"Handa ka na ba? Laima?"

Tumingin ako sa pinto at nakita si Godess fyra duon.

"Matagal na akong handa" Malamig na sagot ko

Sabay kaming nag teleport papunta sa templo.
Naabutan ko na nanduon na lahat ng God & Godesses
Naka tingin saakin ng may nag tatakang mata

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon