Chapter 16: Snowbell

134 13 9
                                    

Aaminin ko na...binigyan ko ng pagkakataon
Si Isabella dahil nakikita ko ang sarili ko
Sakaniya...hindi ko alam kung sa papaanong paraan pero nakikita ko ang dating ako
Sakaniya. Nandito ako ngayon sa Garden
Nag lalakad-lakad habang hinihintay ang
Section Diamond na nag palit ng Uniform.
Lumapit ako sa puno ng mansanas nang
May maaninag ako na naka upo sa sanga non.

"Lauren"

Napa pikit agad ako, Si Lucas pala...
Sana pala ay hindi na lang ako lumapit.
Tatalikod na sana ako nang bilga siyang
Magsalita na ikinatigil ko.

"Pwede bang ibalik mo na kay Cort ang kaharian niya? Alam naming galit ka
At hindi mo pa kami kayang patawarin...
Pero sana ibigay mo kay
cort ang nararapat--"

"Nararapat? Walang nararapat para
Sakaniya" Pag putol ko sa sinsabi niya habang
Mariin akong naka kuyom sa palad ko na
Halos bumaon na ang kuko ko dahil
Nakakaramdam na ako ng kakaunting hapdi.

"Lauren alam mo naman na nasa ilalim
Kami ng mahika--"

"Hindi ko kailangang marinig yan ngayon
Lucas, Isa pa huwag mo na akong tawaging
Lauren dahil...matagal nang patay ay babaeng yon" Malamig na wika ko bago siya
Tuluyang talikuran

Paulit-ulit ang dahilan. Alam ko oo.
Matagal ko ng alam na ganun ang nangyari
At hindi ko sila masisisi. Pero yung sakit kasi
Nandito at walang ibang mapag bubuntungan...Hangat hindi ko nakukuha yung pag hihiganti na para saakin ay hinding hindi ko tatangapin ang katotohanan...

Nag lakad na ako palayo kahit na rinig ko
Pa ang pag tawag niya sa pangalan ko.
Napatigil lang ako nang makita ko na
Paparating na yung section diamonds kaya
Napatigil din ako at hinintay na lang silang
Makalapit. May ngiti sila at nag kukwentuhan pa habang nag lalakad.

Ganiyan din kami nuon...ganiyan na ganiyan...
Pero kita mo naman ngayon...malaki na
Ang nag bago...

"Magandang Hapon saiyo Goddess Laima!" Sabay sabay na bati niya at yumuko saakin

"Magandang Hapon din" Bati ko pabalik

"Don't call me Goddess Laima,
Lady Laima na lang" Dugtong ko

Tinignan ko sila isa isa at naramdaman ko
Ang ibat-ibang antas ng charm na meron sila.
Masasabi kong tama na ang lakas nila para sa ngayon...

"Dito ko kayo unang pina punta para malaman ninyo ang halaga ng Charm na meron kayo.
Dahil galing kayong Maleficis ay paniguradong iba ang uri ng pag gamit ng kapangyarihan ang naka sanayan ninyo" Panimula ko habang nag lalakad at sila ay naka sunod lang

Hindj ko akalain na may future ako sa pag tuturo. Hindi naman kasi ito ang dahilan
Kung bakit ako nasa Enchantria ngayon

"Nakikita niyo ba ang mansanas na ito?"
Pumitas ako ng isang mansanas mula sa puno at sinunog ito sa palad ko

"Sa oras na hindi ninyo makontrol ang
Pag lakas ng charm na meron kayo at ginamit niyo ito sa masama....matutulad kayo sa mansanas na ito...kakainin ng kapangyarihan ninyo ang katawan niyo gaya ng apoy
Hangang sa hindi niyo na ito makontrol
At magaya na lang kayo sa mansanas na ito
Na naging abo..." Hinipan ko ang abo ng ng mansanas at tinangay ito ng hangin

"Ang Charm Academy ay paaralan para
Sa mga biniyayaan ng kapangyarihan na gaya ninyo...maraming mamamayan ng enchantria ang walang charm na matatawag.
Swerte pa kayo at Elemental Type ang hawak ninyong lahat"

Nakita ko na masusi silang nakikinig
Pero umangat sa paningin ko ang ilan na
Seryoso lang at hindi ko alam kung interesado ba o ano.

"Bilang Section Diamonds, Kayo ang mangunguna sa lahat ng mag aaral ng
Charm Academy. Kayo ang magiging mukha ng akademyang ito"

"Bukas ay magkakaroon na kayo ng klase,
Maaari na kayong umalis"

Nag Bow muna sila saakin bago umalis.
Napa buntong hininga naman ako bago mag teleport sa Dorm namin.

Naabutan ko silang nagkakasiyahan
Hindi ko alam kung bakit at hindi rin ako
Interesado

"Yow Goddess Laima! Kamusta ang Section
Diamonds?" Bati ni Alger saakin na may hawak na pagkain

"Humihinga naman sila" Blankong sagot ko

"Nice...ayos kausap" Rinig kong bulong niya

"Laima! Kain ka muna dito. Seryoso mo palagi" Pag tawag saakin ni Morine

"Sinong nag luto?" Tanong ko

"Si God Draigh! Biruin mo marunong mag luto!" Manghang sigaw niya

Umupo ako para tikman yung naka hain.
Kita ko pa na sumulyap saakin si Draigh na naka sandal sa pader malapit sa mini bar.

"Kamusta?" Sabay na nag abang si Morine at Alger sa reaction ko

Tumango-tango ako.

"This is good" Komento ko

"Yiehhhhhh! Draigh! Nagustuhan ni Laima yung luto mo!" Sigaw ni Aquila

Kumain na lang ako ng hindi sila pinapansin.
Pwede naman akong kumain ng hindi nakikipag usap sakanila no.






Kinagabihan ay napag pasyahan kong
Lumabas at mag lakad lakad.
Malamin na ang gabi kaya malamig na.
Hindi ko namalayan na nasa Fountain na pala ako...sa entrance ng Charm Academy...
Sa fountain na ito ko nakita ang unang repleksiyon ko bilang si Sabrina Winter na walang kaalam alam sa Charm Academy at bagong pasok sa mundong alam ko
Kung saan kabilang ako...

Pakiramdam ko tuloy ngayon ay nagkaroon ako ng tatlong katauhan...ang una ay si Sabrina Winter. Pangalawa ay si Lauren...
Pangatlo ay ang kung sino ako ngayon...gamit ang pangalan na Laima...

Habang nag lalakad ay nakita ko na sa kabila pala ng umaagos na fountain ay duon naka
Upo si Ms.Snowbell. isa sa Section Diamonds. Naka yuko siya at nilalaro ang paa sa simento...

"Ms.Snowbell" Pag tawag ko dito

Nakita ko na nagulat siya, marahil ay hindi
Ako inaasahan na makita dito sa kalagitnaan
Ng gabi.

"Kayo po pala L-Lady Laaqua Laima" Napatayo siya bago yumuko saakin

"Ano't gising ka pa?" Tanong ko

"H-Hindi po ako makatulog" Tanging sagot niya

"Hmm...." Tumango lang ako bago umupo sa tabi niya

"H-Hindi po ako tangap ng mga kasama ko
Mahina raw po ako" Pag amin niya

Tumaas naman ang kilay ko...
Alam ko ang sinasabi niya...Napansin ko din naman yon.

"Alam mo ang gagawin mo..." Wika ko sakaniya

"K-Kailangan ko pong magpalakas?"

"Bingo!" Kumindat ako sakaniya

.
Hindi ko alam kung bakit nandito ako sa tabi niya ngayon pero...isa lang ang masasabi ko...
Tutulungan ko siya....




___________






Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon