SPECIAL CHAPTER: 2

175 9 14
                                    

𝙄𝙨𝙨𝙖𝙗𝙚𝙡𝙡𝙖 𝙎𝙣𝙤𝙬𝙗𝙚𝙡𝙡 - 𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐏𝐎𝐕

Nandito kami sa Hall, Naka upo
At hinihintay ang dating ng sinasabing
mga royalties ng enchantria. Ang mga
Sinasabing tagapamuno ng kahariang
Ito. Nasasabik ako. Pero ang mga
Kasama ko ay mukang nababagot.
Walang emosyon ang mga mukha nila
Kaya napapayuko na lang ako upang
Maki-bagay...

Bumukas ang malaking pintuan na
gawa sa mamahaling kahoy na may
Halong ginto. Pumasok dito ang grupo
Ng mga babae at lalaki, naka suot ng
Magagarang damit at korona.
Ramdam ko ang kapangyarihang taglay
Nila mula dito sa kinauupuan ko.
Sunod nila ay ang tatlong babae na naka
Hiwalay at dalawang lalaki.
Mas malakas ang aura na dala nila.
ang isa sa kanila ay mauroong suot na
Koronang pang reyna.

Lahat ay may taglay na ganda, karangyaan
At nakapangingilabot na kapangyarihan.
Sila ba ang namumuno?
Ang mga Diyos at Diyosa ng Enchantria?
Ang mga Prinsipe at Prinsesa?

"Manghang-mangha ka ah" Bulong saakin
Ni Flamia na ikinagulat ko

Ito ang unang beses na kusa niya
akong kausapin.

"Ikaw ba ay hindi? Napaka
makapangyarihan ng kanilang dating
Maski sa tindig ay makikita mo ang
antas nila ay naiiba saatin" Sagot ko naman

Hindi ko inalis ang mga mata ko sakanila.
Ang babaeng may korona na naka bukod
Sa unang grupo ay mukhang masungit
At sopistikada. nakakatakot.
Maya-maya pa ay ipinakita nila ang
Kanilang kapangyarihan. Hindi maitatangi
Na ang ipinakilalang reyna ng Enchantria
Na isa ring diyosa ay ang babaeng
Mukhang mataray na iyon.
Napapansin ko na siya ang may gawa
Kaya hindi nakontrol ng ibang
Prinsesa at prinsipe ang kanilang Charm.
May alitan ba sila?

Mukha kasi silang hindi makakasundo.

"Woah"

Sabay sabay naming reaksiyon sa
Kapangyarihang taglay ng mga Diyosa.
Lalo na ang reyna.

"Nakakabilib" Mahinang usal ko

Pareho pala kami ng Charm ng reyna...

***

Matapos non ay sa Cafeteria na kami
Pumunta, Buti ay hindi pa simula ang
Klase. Naka sunod ako sakanila
dahil...wala naman akong ibang
makaksama, ang ibang istudyante ay
Pinag titinginan kami, nagtataka, nanghuhusga at ang iba ay ngumingiti.
Hindi ko maiwasang mapababa ang tingin
Tila nanliliit sa mangilan-ngilan na masama
Ang sinasabi saamin. Ako lang ba ang
Nakaririnig?

"Don't mind them"

Napatingin ako kay Cole nung lagpasan
Ako nito, napa tigil na lang ako nung
Mag kanya-kanya sila ng mesa kaya naiwan
Akong mag isa sa gitna.

"Isabella right?"

Nagulat ako nung may umangkla na
Braso saakin, Isa siya sa mga kasama
Namin. Mayroon siyang kulay pilak na
Buhok na hangang bewang.
Napaka ganda niya.

Hinila niya ako sa mesa nila,
Nanduon ang magkapatid na Flame
At Flamia, Si Cole at yung dalawa ay
Hindi ko na kilala.

"Serenity Tanya, Nice to talk to you princess
Isabella" Masayang wika nung babaeng humila saakin

"Hindi naman kayo magkakakilala kaya
Ipapakilala ko na sila sayo,
Ito yung kambal, Flame at Flamia,
Si Whitney, at yang dalawang lalaking
Yan ay si Garret at Cole, si Evander ay
Kumukuha pa ng pagkain" Wika ni
Serenity habang isa-idang itinuturo
Ang mga kasama namin

"Nice to meet you all" Ngumiti ako
Sakanila

Para akong nakaramdam ng tuwa.
Sawakas ay may iilan na akong kilala
Saamin. Napatingin ako sa mesa ng
Kapatid ko na si Heather. Masama ang
Tingin niya saakin.

Bakit na naman?

Nag simula na kaming kumain,
Tahimik lang akong nakikinig sakanila
Dahil hindi din naman ako pala-salita.

"So yung si Heather na yon, ang yabang
No offense ah pero kahit nung nasa
Maleficis pa lang diko na bet yang
Kapatid mo" Wika saakin ni Whitney

"Pag pasensiyahan niyo na ah,
Mabait naman siya" Sagot ko

Parang ako ang nahihiya ngayon sa
Kagaspangan ng ugali ni Heather.

"Nako! Ikaw naman napaka hinhin.
Mala anghel" Mangiyak-ngiyak na
Pag arte ni Serenity

Natawa na lang ako.
Matuturing ko na ba silang kaibigan?

"Baka marinig kayo non,
Pakidlatan pa kayo" Suway naman sakanila
Ni Flamia na naka sandal sa kapatid

Kung hindi ko lang sila kilala
Ay iisipin kong may namamagitan sa
Dalawang ito.

"Ang sama nga ng tingin" Bulong pa
Ni whitney

"Oh ang tagal mo!" Tawag ni Serenity
Kay evan na kauupo lang sa tabi ko.
Ito na lang kasi ang bakante

Hindi siya sinagot nito at kumain
Na lang, napansin niya yatang naka
Tingin ako kaya tumingin din siya
Saakin.

"Isabella right?" Tanong niya

"Ah...y-yes" Alinlangan kong sagot,
Yung titig niya kasi eh kakaiba

Tumango lang siya bago bumalik sa
Pag - kain

Natigilan kami nung may mga
nagsi-datingan pa, ang daming mag aaral ng
Charm academy, halatang lahat ay galing sa
Marangyang pamilya, hindi nakukulangan
Ng mga alahas sa katawan.

"Libutin natin itong academy pagkatapos
Kumain, mukang marami tayong
Mapupuntahan" Suhestiyon ni Whitney

"Kayo na lang, pass ako" Tumayo na
Si Garret at naglakad agad palabas ng
Cafeteria

"Ang K.J talaga!" Angal naman ni Serenity

Kararating lang namin dito kahapon, alam
Na agad nila ang pasikot-sikot dito?

"Balita ko madalas puntahan yung fields!
May laban daw duon bago magsimula
Ang klase dito" Wika ni Whitney

Gaya nga ng sinabi niya ay sa fields
Kami pumunta, marami-rami ngang istudyante duon na naka upo sa mga benches.
Nag hihintay kung sino ang tatapak
sa gitna.

Nanlaki ang mata namin nung dirediretsyo
Lang si Evan na nag lakad sa gitna.
Anong trip niya? Nakita ko na nagkaroon
Ng interes sakaniya ang ibang mga
istudyante na kasama namin dito sa fields.

Ang lakas naman ng loob ng
Baguhan na yan*

Sino ba siya? Ang gwapo!*

Gwapo nga, may charm ba yan?*

Napatingin ako kila Flamia na
Naka ngisi

"Hindi nila alam ang kapangyarihan
Ng mga galing sa maleficis"

___________

Hi Lovies!

I decided to add 2 special chapters
For isabella's POV

Follow me para malaman niyo po
Kung may updates.

THANKYOU & LOVELOTS!

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon