Chapter 11: Maleficis

216 13 2
                                    

Ang kinalimutang kaharian ng norte...

Naka ngiti akong pumasok sa dinning hall,
Lahat ay nakaupo na sa mahabang mesa at ako na lang pala ang wala at si Draigh.
Ngumiti ako sa mga estudyanteng inimbitahan ko.
Tumayo sila at bumati saakin, Saktong lumitaw din sa likod ko si Draigh.

"Masaya ako na dumalo kayo" Naka ngiting wika ko

Napansin ko ang tingin ni Cort saakin,
Kakaiba...Pasalamat siya at hindi siya namaalam kanina tsk!

Umupo ako sa tabi ni Morine na iba ang tingin saakin

"San ka galing?" Tanong niya

"May inalam lang" Tanging sagot ko bago ngumiti

Kasunod kong umupo ay si draigh na seryoso ang mukha kaya natawa ako.
Napa tingin sila saakin, Nag tataka kung bakit ako tumawa.

"Bago tayo mag simulang kumain, May nais akong itanong" Sumeryoso ako

Tahimik ang lahat at naka tingin saakin, Maski ang grupo nila Cort ay nag hihintay sa sasabihin ko.

"Saang...Kaharian kayo nabibilang?" Naka ngiti ko paring tanong

Nagka tinginan silang lahat bago ulit tumingin saakin

"T-taga enchantria po kaming lahat goddess Laima" Sagot nung lalaki na kung tama ang pag kakatanda ko, Haze ang pangalan.

Tumaas ang kilay ko.

"Hindi ako tumatangap ng kasinungalingan. Uulitin ko, Saang kaharian kayo napapabilang?...
Batid kong wala ni isa sainyo ang mula sa lupang nasasakupan ng enchantria" Mas sumeryoso ang boses ko

"Sa Kaharian ng Maleficis, Duon kami nag mula" Sagot ni Heather

Bumalik ang ngiti ko.

"Kayo ay mga artibus" Lumawak ang ngiti ko

"Pinamumunuan ni Aradia, Ang mangkukulam ng Norte, Semi-goddess of magic and sorcery" Tumatango-tango kong sabi

Nagulat sila sa winika ko,
Naguguluhan naman sila Cort maski si Morine, At tahimik lang akong pinapanood nila Aquila.

"Ikinagagalak ko na kayo ang naka kuha ng pinaka mataas na puntos kanina,
Kumain na tayo" Ngumiti ako at sumenyas na kumuha na sila ng pagkain

Tahimik lang ako pero iniisip ko ang tungkol sa kaharian ng maleficis...Ang alam ko ay matagal nang wala ang kaharian na yon, Hindi iyon sakop ng enchantria dahil si Aradia nga ang namumuno duon base sa Libro...

Kung dito sa enchantria bibihira ang elemental type ng charm,
Sa kaharian ng maleficis ay halos lahat ay elemental ang taglay na charm...
Pero mayroong kapangyarihan ang mga royalty ng enchantria na makaoag teleport na hindi naman kayang magawa ng mga taga Maleficis...

Pero...Bakit sila nasa Enchantria?

Napansin ko na napapa-sulyap saakin si Isabella, parte ng grupo ko...
Nang makita niya na naka tingin ako sakaniya ay iniwas niya ang mata niya.
Ice manipulator...maski sa maleficis ay bihira ang charm na iyon...
Pero si Isabella...Hindi niya alam kontrolin ang kanya, Base sa napanood ko kanina.

Walang nag sasalita at lahat tahimik na kumakain.

"Nais ko na...Kayo ang manalo...Kayo ang matira hangang dulo" Ako na naman ang nag salita

"Laima" Suway ni draigh

"Bakit? Hindi niyo nakikita ang potensiyal nila?"

"Paano ang iba?"

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon