Chapter 15: Section Diamond

119 12 5
                                    

"Nag padala po ng isang sulat ang Kaharian ng Maleficis sa Norte"

Napataas ang kilay ko sa iwinika ng isa sa tagapag-silbi bago nito iabot saakin ang sobreng kulay ginto.

Ang limot na kaharian...bakit?

"Hoy, kahapon ka pa lutang, may mga nag wawala na naman sa labas ng kastilyo, Anong nangyari sayo?" Tanong ni morine na nakatayo sa tabi ko

Umiwas ako ng tingin, hindi ko maalis sa isip ko kung ako ba ang itim na reynang iyon...

Binuksan ko ang sobre at nagulat kami nang mag liwanag yon at lumutang sa ere ang mga letrang ginamit sa pag sulat na nag kulay ginto din...

"Mahal na reyna ng puting kastilyo
Narinig ko ang balita
Unti-unting pag bagsak...
Ika pa nila'y ikaw daw ang dahilan.
Sana'y malugod mong tangapin ang aking pag bisita sa ikalawang kabilugan ng pilak na buwan..."

                                  -Aradia

Natahimik ako matapos mabasa ang nilalaman ng sobre...si Aradia...
Nababasa ko lamang siya sa libro...hindi ko alam ang tunay niyang anyo at ang antas ng kaniyang kapangyarihan ay hindi malaman nino man...ang reynang humiwalay sa enchantria at nag tayo ng sariling kaharian na kinalimutan na ng lahat ilang libong taon na ang lumipas...

Paanong nalalaman niya ang nangyayari dito?
At kilala niya ako gayong hindi pa kami nagkikita kahit kailan...

Alam kong hindi kaaway ang kaharian niya ngunit hindi ko rin masasabing kaanib namin ito...

Hindi nababangit ang pangalan niya dahil iilan na lang ang nakakakilala sakaniya.
Noon, sa Dark Castle lang naka tuon ang atensiyon namin pero nakalimutan na din pala namin ang iba pang kaharian...

Malaking pagkakamali.

"Ipabatid mo na hindi ko tinatangap ang kasulatang iyan, sunugin mo at ipadala
Pabalik sa kastilyong pinag mulan niyan" Seryosong utos ko

"Ay bakit? Sino yon? Brutal maski sa papel"
Mas lumapit saakin si Morine

"Mula kay Aradia"

"Aradia...hmmm....parang nabangit mo
na yan eh"

"Reyna ng Maleficis" Napairap ako

"Ahh! Yun nga, bakit hindi mo pinaunlakan pumunta dito?" Tanong pa niya

"Dahil wala namang dahilan para pumunta siya dito, ang dami mong tanong no?"

Sa totoo lang, buong gabi kong inisip
Yung nanging sigawan namin. Tama naman
Siya pero bulag ako sa pag hihiganti...
Hindi ko naman pwedeng abandunahin na lang basta ang sarili kong nararamdaman.

"Katatapos lang ng pag pili sa
Section Diamond, tapos na din ang rank leveling. Hinihintay na nga daw tayo don pero ang sabi ko ay marami ka pang ginagawa"

Ang mga batang yon...sigurado akong
Yung mga galing sa kaharian ni aradia ang
Tinutukoy nitong si Morine. Isa pa yon
Sa kahina-hinala....

Sabay na kaming nag teleport papuntang charm academy at dumiretsyo sa Fields.
Duon ia-announce ang mga nakasali sa top 15
Para mapabilang sa Section Diamond.

Ang Section Diamond ay pangungunahan ko
Pero ang mapapabilang duon ay may kanya kanya paring grupo gaya ng mga nabangit nuong nakaraan na group of stones.
Pero sa pag kakaalam ko ay mababawasan
Parin sila...yun ang hinihintay ko...

Gaya ng inaasahan ay kami na lang ang hinihintay. Halatang bagot na sila at gusto na
Akong sigawan. Lalo na si Draigh.
Naalala ko na nasigawan ko din siya. Kailangan ko bang mag sorry sakaniya?

Naupo na kami ni Morine at hinintay ang
Mga tatawaging pangalan, kahit na alam ko
Nanaman kung sino sino sila. Tsk...
Walang taga enchantria na napa sama...
Nakaka dissapoint naman...lumipas ang panahon pero humina ang kahariang ito.

"Umabante ang mga tatawagin na
Makakabilang sa Section Diamond,
Heather Storm
Flame
Flamia
Evander Zale
Cascadia Wings
Louise Olivia
Cole Pyralle
Whitney Wings
Brianna Firm
Serenity Tanya
Fauve Firm
Hazel Grime
Ryder Torn
Ivy Rose
Haze Grime"

Umabante lahat ng tinawag at napa angat abg isang kilay ko. Nag taas akong ng kamay kaya natahimik ang lahat. Maski ang M.C ay napa lunok

"Y-Yes Goddess Laima?"

"Hindi ba dapat ay labing lima sila?" Sarkastiko kong tanong

Mula sa malayo ay nakita kong
pinag pawisan ito at tila nanginginig ang tuhod. Bakit ba takot na takot sila saakin?
Well. Hindi ko naman sila masisisi.

"N-natangal po kasi siya s-sa ranking kanina"
Utal utal na sagot naman niya

Napa tingin ako sa naka yukong si Ms.snowbell sa likod kasama ang ibang mag aaral ng charm academy. Natangal siya?

"Isa siya sa mga naka pasok bilang
Team Diamond, bilang leader ng grupong iyon ay gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon.
Since wala naman kaming dalawa ni Mornine dito kanina" Wika ko kaya napa angat ang mukha nito saakin

"G-gaya ng sinabi ng reyna ay binibigyan ka ng pagkakataon Ms.Isabella Snowbell para mapa-sama sa Section D-Diamond"

Umabante siya sa pinaka gitna.
Dumayo naman ako at nag lakad palapit sakaniya mula sa human form ay nag palit anyo ako sa goddess form ko na maraming nagulat. Dahil hindi gaya ng dati na kulay itim at kulay apoy. Ngayon ay kulay asul ito na umaalon. Inilabas ko ang pakpak ko at lumipad ng napaka taas bago bumuo ng isang palaso na gawa sa yelo.

"Kapag nasalo mo ito ay makakapasok
Ka sa Section Diamond. Kapag naman hindi
Ay maglalaho ka na habang buhay sa paaralan na ito" Malakas na wika ko para marinig ng lahat ang boses ko na para bang nag e-echo sa kabuuan ng fields.

Nag hintay ako ng tatlong segundo bago
Pakawalan ang sibat. Animoy kidlat na tatama sa lupa. Pero gaya ng inaasahan ko ay nasalo niya ito sa pamamagitan ng pag harang sa kaniyang sarili ng isang ice barrier kaya duon tumusok yung palaso na ibinato ko.

Bumaba na ulit ako at binunot ang palaso sa yelo at tinunaw ito sa palad ko bago ngumiti sakaniya.

"Magaling...Ms.Snowbell" Yumuko pa ako sakaniya na ikinagulat ng marami

*Sana ako rin!

*Gaga ka, tingin mo kaya mong saluhin yon?
Eh halos hindi ko nga nakita!

*Ang swerte naman niya

*Gusto ko din sa Section Diamonds!
Si Queen Laima ang mag tuturo sakanila kasama ang royalties at Gods!

Bumalik na ako sa upuan ko habang kakaiba
Ang tingin nila saakin para bang may
Ginawa akong kabaliwan

"Nababaliw ka na ba?" Tanong saakin
ni Morine

"Ang astig non Goddess Laima!" Pag puri naman ng Semi-God na si Alger

"You're Crazy" Tinawanan naman ako ni Aquila

Habang si Draigh ay nailing iling na lang.
Sila Cort naman ay walang karapatan na
Mag react. Tsk!






"Ang kukumpleto sa Highest 15 na mapapsama sa section Diamond
Ay si Ms. Isabella Snowbell"






____________



:)

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon