Chapter 1: Ice becomes Fire

316 22 15
                                    

Sabay kaming pumasok ni Morine sa kumpanya ko.
Yumuyuko ang bawat empleyado saamin.
Mga mortal na walang alam sa kapangyarihan na taglay namin...
Ilang taon na ang lumipas...
Naabot ko na ang sukdulan ng aking lakas.

Hindi ko alam na sa ganitong landas ako dadalhin ng sakit na idinulot saakin ng buong enchantria.
Pero masaya ako.
Masaya ako dahil nalalapit na ang araw ng pag hihiganti ko.

Pumunta ako sa lihim na kwarto sa likod ng opisina ko.
Dito ko isinasagawa ang bago kong natutuklasan na kapangyarihan ko.
Biruin mo na ganun pala ako kalakas?
Sayang lang at hindi ko nagamit nuon.
Tinalikuran at pinag taksilan ako ng buong kaharian ko...
Ang galit na yon ay ginawa akong nakakatakot na halimaw...

Kinuha ko ang maalamat na libro ng kapangyarihan na ibinigay ni Godess Cashmir...

"Basta, Kakampi mo ako Sabri..." Wika ni Morine habang naka tingin saakin

Bumuo ako ng bolang apoy sa kamay ko at sinunog ang libro.
Alam ko na ang lahat ng nilalaman non.
At hindi ako makakapayag na may iba pang makinabang duon.

Sinimulan namin ni Morine ang training. Lumakas din siya lalo na ang kapangyarihan niya.

Pero natigil kami sa pag eensayo ng lumitaw na lang bigla si Godess fyra sa harapan namin!

"Godess fyra." Iniyuko ko ng kaunti ang ulo ko ganun din si Morine

"Oras na Lauren--"

"Hindi ako si Lauren...Wala na si Lauren" I said coldly

"Laima...Panahon na para sa pag babalik...Bebendisyunan ka na para maging diyosa gaya namin"

Napa titig ako sakaniya bago ngumisi.
Laima...Lauren Arabella Iyown Mitchell A

"Morine...Handa ka na?" Lumawak ang ngisi ko

"Of course! Finally! Makakabalik na tayo sa lugar kung saan tayo belong!" Masayang  wika niya

May lumitaw na portal sa harap namin...
Tinanaw ko ang likod ko...
Mortal na ang bahala sa kumpanyang ito...
May maaasahan ako.
Inihakbang ko ang paa ko papasok.
Unti-unting nag bago ang kulay ng buhok ko, Naging kulay kahel ito at nag iba rin ang damit sa suot ko.
Ganun din si Morine na naging abo ang kulay ng buhok.

Pinag masdan ko ang templo ni godess fyra...

"Tatlong araw mula ngayon bebendisyunan ka para maging diyosa ng kapalaran...Prinsesa Laima..." Wika ni godess fyra

"Tatlong araw mula ngayon...Sisimulan ko ang digmaan"

"Alam mong hindi maaari ang sinasabi mo" Kumunot ang nuo niya

"Wala na akong kinikilala...Alam mo yan"

"Lauren? Anak!"

Napa tingin ako sa sumigaw.

Mommy...

"Lauren! You came back!" Mangiyak ngiyak siyang lumapit at niyakap ako

Pero itinulak ko siya at tinignan ng malamig sa mga mata.

"Hindi kita kilala" Pag sisinungaling ko

"Anak..."

"Wala akong Ina..." Wika ko bago mag laho

Ipinangako ko sa sarili ko na sa pag babalik ko dito ay wala na akong kikilalanin pa na kahit sino.
Maliban kay godess fyra...
Galit ako sa lahat ng mga nandito.
Kinasusuklaman ko sila!

Nag iba ang kulay ng mata ko at naging pula.
Nag pakawala ako ng mga bola ng apoy dahilan para masunog ang buong gubat.
Para akong mag liliyab sa galit.
Sobrang galit...
Nag labas pa ako ng maraming bolang apos hangang sa tumagos na ang mga yon sa lupa.

Sinubukan kong ikalma ang sarili ko,
Huminga ako ng malalim at Pinag yelo ang buong kakahuyan.
Hindi ko dapat sinasayang ng kapangyarihan ko para dito...
Hindi dapat ako nag aaksaya ng oras para sa galit.
Nag tungo ako sa burol kung saan naganap ang huli naming pag kikita ni Natasaha at natanaw ang kaharian mula sa malayo.
Naikuyom ko ulit ang kamao ko.

Hangang ngayon kaya ay tanga parin sila?...

Bumalik na ako sa templo at nakita na nanduon lahat ng god & godess.
Walang emosyon ang mukha ko na humarap sakanila

"Siya si Prinsesa Lauren...Pero kinikilala ng Laima ngayon...
Siya ang magigibg diyosa ng kapalaran...Tatlong araw mula ngayon..." Wika ni Godess Cashmir

"Ano ang kapangyarihan niya?"

"Balita ko ay nag taksil siya sa kaharian"

"Kasing lakas ba siya ng kaniyang ina?"

Nag simulang mag bulong-bulungan ang lahat na siyang ikina taas ng kilay ko.

Bumuo ako ng bola ng apoy sa kaliwang palad ko at bola ng yelo sa kabila.
Pinag sama ko iyon at pina lutang sa kamay ko.

"Nag tataglay siya ng kapangyarihan ng lahat...Hindi ba at karapat dapat lang siyang maging isa saatin?" Taas nuong wika ni Godess Fyra

Natahimik ang lahat, Naka ngisi lang ako bago maglaho ang bola ng kapangyarihan sa kamay ko.

"Nakakatawa ang inyong mga reakasiyon" Tumawa ako yung tawang mangingilabot sila.

Napa tingin ako kay Morine na naka ngisi lang din saakin
Niyaya ko siya sa burol kung saan ako galing kanina

"Ang sabi ni Godess fyra kanina nuong umalis ka Ikakasal na daw si Cort at Natasha tatlong araw mula ngayon.
Araw kung saan ka bebendisyunan bilang diyosa" Wika niya habang ang tingin ay nasa malayo

"Ganun ba?" Sarcastiko akong natawa

Kasal?....
Tamang tamang araw para sa pag hihiganti ko...

"Mag tatayo ako ng panibagong kaharian...Kaharian kung saan naka tayo ang Dark castle nuon..."

"Susuportahan at tutulungan kita.
Alam mo yan" Ngumiti siya saakin

Nag teleport kami duon at pinag masdan ko ang buong paligid.
Nanduon parin ang mga gumuhong piraso ng kastilyo, Patay parin ang mga puno at wala paring kabuhay buhay ang paligid.
Nag labas ako ng malakas na inerhiya at unti-unting binuo muli ang gumuhong kastilyo ng Dark castle.
Nag simulang kumulog at kumidlat.
Nag patubo rin ako ng matitinik na halaman sa buong paligid at nilagyan ng kumukulong putik ang ilalim ng tulay na dadaanan papuntang kastilyo.

"Ang dark masyado friend" Natatawang wika ni Morine

"Wag ka mag alala...Makukuha din natin ang White castle na pag mamay ari ko naman talaga"

Ginamit ko ang kapangyarihan ko para baguhin ang kasuotan ko...
Itim na mahabang gown at itim na korona.
ganun din ang ginawa ni Morine.
Habang nag lakakad papasok sa kastilyo ay humahalak-hak ako.
Tawa na nakakabaliw...
tawa na ayaw mong marinig.
Tinutubuan ng tinik lahat ng parte ng lupa na aapakan ng mga paa ko.
Lumakas ang hangin.
Nag pasabog ako ng malaking bola ng kidlat sa langit para bigyan ng babala ang mga taga white castle.

Babala ng pag babalik ko.

Bumuo ako ng trono na gawa sa tinik...

"Morine...Salamat" Ngumiti ako sakaniya

"Alam ko ang pag hihirap mo...Kaya hangang dulo mananatili ako sa tabi mo hangang sa pag tatapos ng pag hihiganti mo" Ngumiti din siya

Hindi ko nga akalain na siya pala ang dadamay saakin sa panahong walang-wala na ako.
Sobrang malaki ang tinulong niya saakin.

"Bukas...Pupunta tayo sa bayan...Nais kong malaman kung umunlad ba ang sibilisasyon nila"

"Sige! Gusto ko rin lumibot dito"

Bumuo na ako ng plano s isip ko...
Nag balik na ako...Kamusta na kaya ang mga taksil?....


_____

Her Charm's Revenge  (BOOK 2 of LOWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon